Magising Ka Naman
Ang dahilan kung bakit gising ang ilang tao, ay sapagkat tumigil na silang pumayag sa mga bagay na nang-iinsulto sa kanilang kaluluwa.
Makakabuti ang Pagtalikod
Nangyayari lamang
ang mga bagay kung ikaw ay may pahintulot at lalo na kung may partisipasyon.
Magagawa naman na talikuran at iwasan na ang mga ito, ...kung
nanaisin mo.
Talikuran ang walang saysay na mga
pagtatalo na humahantong sa alitan at kapahamakan.
Talikuran ang mga tao na humahamak
at nagmamaliit sa iyo na hindi nakikita ang iyong kahalagahan.
Talikutan ang mga tao na kilala ka
lamang kapag may kailangan sa iyo at may amnesya kapag kailangan mo sila.
Talikuran ang nakasanayang pagsunod
sa kapritso o pagiging masunurin sa hilig ng iba.
Talikuran ang mga bumabalisa at
nagpapagulo sa iyong isipan. Stress
at dis-ease ang hatid nito.
Talikuran ang mga kritiko,
mapamintas, at mapaghatol na mga tao. Papatayin ka nila sa konsumisyon.
Talikuran ang mga pagkatakot at mga kamalian
na sumisira ng iyong hangarin na magtagumpay.
Talikuran ang mga walang saysay na
mga libangan na umaagaw ng iyong mahahalagang sandali.
... at HARAPIN
ang mga paghamon na gumigising at nagpapalakas sa iyo upang
magtagumpay sa
buhay.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment