1 Aking anak, huwag kalimutan ang aking itinuturo,
Subalit hayaan ang iyong puso na pangalagaan ang aking mga
kautusan;
2 Dahil ang haba ng mga araw at mga taon ng buhay,
At ang kapayapaan nila’y idaragdag sa iyo.
3 Huwag pabayaan na ang kabutihan at katotohanan ay lisanin ka;
Italing paikot ang mga ito sa iyong leeg,
Isulat ang mga ito sa kaibuturan ng iyong puso,
4 At upang sa
gayon ay makasumpong ka ng paglingap at mataas na pagpapahalaga
Sa paningin ng Panginoon at ng tao.
5 Magtiwala sa Panginoon nang iyong buong puso
At huwag manangan sa iyong sariling pang-unawa.
6 Sa lahat ng iyong mga kagawian ay pagindapatin Siya
At itutuwid Niya ang iyong landas.
-Mga
Kawikaan
3: 1-6
Ang pagpapatawad na walang katotohanan ay
dadalhin ka sa makasalanang pakikisama, ang katotohanan na walang pagpapatawad
ay dadalhin ka sa katwirang walang pakiramdam. Kapag isinulong natin ito nang
pantay at magkasama, nagagawa natin na maging katanggap-tanggap ang ating mga
sarili at nalulugod ang Panginoon.