Tuesday, August 31, 2021
Mapagsuri Ka ba?
Huli man daw at Magaling, Maihahabol din
Kung may mga katanungan, tiyak na may nakalaan ding mga
kasagutan. Kung nais mong magtagumpay, ikaw ba ay nakahandang gawin ang lahat
upang ito ay maging katotohanan? Palagi mo bang itinataas ang iyong antas at
kahalagahan sa tuwina? Malinaw ba at nakaplano ang iyong mga ginagawa sa
ngayon? Ang mga ito ba ay para sa iyong kaunlaran at magiging maligaya ka kapag
natupad mo?
Pag-aralan at subukang gawin ang mga sumusunod:
1-Kung
manggagaya din lamang, pilitin na makisama sa mga tao na nagtataglay ng mga
katangiang ito: uliran, eksperto sa kanyang trabaho, magandang halimbawa sa
pamayananan, may puso at malasakit sa kapakanan ng mga nangangailangan.
3-Matiyaga at masinop sa paggawa, hindi inaaksaya ang panahon sa mga walang katuturan at walang kapakinabangan.
4-Walang takot at mapangahas sa paglikha ng mga paraan sa abot nang makakaya upang matupad ang mga pangarap.
5-Talos at laging tinatandaan na ang pagiging eksperto ay isang proseso, at hindi isang nakabimbing karangalan na naghihintay ng mga papuri at mga palakpak.
6-Kumikilos bilang ekstra-ordinaryo at hindi umaayon sa karaniwan; sa pananamit, sa mga pagkilos, sa mga kagamitan, sa pagdadala sa sarili, sa pananalita, may pansariling pananalig at pagtitiwala na sadyang naiiba sa karamihan.
7-Batid ang kanyang buong pagkatao, kung ano ang kanyang mga nais, at alam kung saan siya patungo.
Kung mayroon ka ng mga ito, hawak mo ang buong daigdig. Ikaw ang higit na may kontrol at pagsupil sa iyong mga kapaligiran. Dahil kung eksperto ka sa iyong larangan, ang tagumpay ay laging nasa iyo. Ang proseso sa paghahayag ng iyong mga katangian at mga kakayahan ay mahalagang mga potensiyal para mapaunlad mo ang ibayong pagtitiwala sa sarili. Malaking bahagi ito ng iyong personalidad na maging mahinahon, masikhay, at may matatag na paninindigan sa lahat ng mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay. Hindi kataka-takang ang kaunlaran at kapanatagan ay laging kakampi mo.
Ikaw, Siya, at si Relasyon
Tagubilin ni Inang: “Ang mabisang paraan para mamuhay nang masaya kapag kapiling ang ibang tao, ay ang umiwas na pumuna, pumintas, at manisi, kundi ang banggitin nang may paghanga ang kanilang mga kabutihan at pagiging uliran.” Sa madaling salita; “Pumintas nang lihim at pumuri nang hayagan.”
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Pahalagahan ang Sarili
Sapagkat kung saan ka masaya, naroon ang puso mo.
...at doon naman sa mga tao na walang malasakit at pagpapahalaga para sa iyo;
Sapagkat sa buhay na ito; may mga tao na darating sa iyong buhay bilang mga pagpapala, at may mga iba naman na dumarating bilang mga leksiyon. Palaging may mga kadahilanan kung bakit may mga tao na nakakasabay o nakakasalubong tayo, may leksiyon at pagtuturo. Sa dalawang pagkakataon na ito, kailangan mong baguhin ang iyong buhay, at kung hindi naman ay ikaw ang babaguhin nila.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Iwasan ang Masangkot sa mga Walang Saysay
UMIWAS: HUWAG nating gawin
ang mga ito:
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan