Friday, August 30, 2013
Thursday, August 29, 2013
Ang Kabayo ni Kulas
kaysa mula sa kalituhan at mga
bagabag.
Laging
bugnutin, kahit na maliliit na bagay o pangyayari ay pinapatulan. Maligalig ang
isip at kapag tinanong, walang destinasyon o kinapupuntahan ang usapan. Mababaw
ang kaligayahan, anumang pagkakataon ay sinusunggaban at sinasalihan kung ito ang
makapagpapasaya sa kanya. Walang tama o mali basta masaya, ay ayos na ang katuwiran niya.
Hindi katakatakang KULAS ang ipangalan sa
kanya. Sapagkat Kapag Umisip Laging Alanganin ang Sasabihin.
Isang araw sa sulsol ng isang mapagduyan na
kapitbahay tungkol sa mahusay na paraan para sukdulang lumigaya si Kulas, ay
kailangang magtungo ito sa itaas ng bundok ng Mariveles at hanapin ang batis ng
kaligayahan. Bagaman nag-aalala si Kulas sa tagal at hirap na dadanasin sa pag-akyat
ng bundok ay napilitan siyang maghanda at sinimulang salungahin ang bundok. Subalit bumilang
ang mga linggo, naikot na niya ng maraming ulit ang tuktok ng bundok, ngunit
hindi niya matagpuan ang batis ng kaligayahan. Dahil sa matinding kapaguran, ay
nanghina ang kabayo at tuluyang namatay.
Nagpalahaw sa iyak si Kulas, itinuring na niyang higit pa sa kaibigan ang kanyang kabayo. Sinasabunutan
ang buhok at matinding sinisisi ang sarili kung bakit pinaniwalaan niya ang
balita. Matapos mailibing ang kabayo ay hindi pa rin mapigilan ni Kulas ang
paghagulgol. Nakaluhod siya sa harap ng puntod ng kabayo at nakayuko ang ulo sa pananangis na humihingi ng kapatawaran. Nasa ganito siyang kalagayan nang maparaan ang
isang tao at nagtanong, “Ito ba ang puntod ng santo sa batis ng kaligayahan,
at nagdadalamhati ka sa kanyang pagkamatay?”
“Hindi,
ito ay puntod ng kabayo ko. Dito ko siya inilibing, at namatay siya sa
kapaguran.” Ang
paliwanag ni Kulas.
“Hindi ako naniniwala,” ang pahayag
ng bagong dating, “Walang sinuman na
matino ang isipan na humahagulgol sa isang patay na kabayo. Sa aking palagay
ito ang pook na kung saan ang mga milagro ay nagaganap, at nais mo lamang na
masarili ang mga pakinabang.”
Kahit na paulit-ulit ang mga paliwanag ni Kulas
tungkol sa kabayo, hindi siya pinakinggan ng kausap na nagmamadaling umalis pababa ng bundok. Sa unang nayon na nadaanan nito ay kaagad ikinuwento ang
puntod ng dakilang “santo” na
nagpapagaling sa mga may karamdaman. Kumalat ang balita at hindi nagluwat,
maraming mga manlalakbay ang nagsimulang magdatingan sa tuktok ng bundok. At
unti-unti, ang pagkakatuklas sa Dambana ng Dakilang Santo ay kumalat hindi
lamang sa mga lalawigan kundi sa maraming rehiyon. Patuloy ang pagdagsa ng
maraming tao at patuloy din ang mga panalangin sa harap ng puntod. Isang mayamang
pulitiko ang dumating at nakita ang matinding pagkahumaling at taimtim na
pagdarasal ng mga tao. Naisip niyang magagamit niya ito para lalo siyang maging
tanyag at maalaala tuwing may halalan. Nagpasiya ang pulitiko na magtayo ng
rebulto at altar kung saan inilibing ni Kulas ang kanyang “dakilang santo.”
Dahil
sa mga nagaganap, nanglulumo na nagpasiya si Kulas na lisanin ang pook at hayaan na lamang
ang anumang kahihinatnan nito.
Kapag ang kabatiran mo ay kapos at
walang sandigan, lalong nadaragdagan ang iyong mga kalituhan sa patuloy na
kamangmangan.
Ganito
ang kadalasang nangyayari sa atin. May hinahanap tayong solusyon sa mga balakid
at mga katanungan na hindi natin magawang harapin at masagot. Pilit nating ibinabaling
ito sa iba upang sila ang lumutas para sa atin. Ang mag-usisa, pumuna,
mamintas, at makialam sa buhay ng iba para lunasan ang mga kapighatian na ating
nililikha sa ating mga sarili, maliban sa
halukayin ang kaibuturan ng ating mga puso at tanggapin ang likas nating
pagkatao, kaysa sumunod at gayahin ang iba. Ito ang ating kamalian na
nagpapahirap sa atin, ang hanapin ang kaligayahan mula sa labas, sa ibang tao, sa materyal na mga bagay, sa mga panandaliang aliwan, kahit saanman. At ang nakakalungkot sa lahat, ay ang malimutan na ito ay nasa ating kaibuturan at laging kapiling natin.
Ano pa ang hihihintay mo? Palitan ang
iyong iniisip, mga salita, at nang mabago ang iyong daigdig.
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Banyuhay
Tuesday, August 27, 2013
Kahusayan sa Paggawa
Ang pinakamataas na gantimpala sa kapaguran ng isang tao ay hindi ang nakukuha niya mula dito, bagkus kung anong pagkatao ang nangyari sa kanya.
Lahat tayo ay
bahagi ng paggawa, ito ang nagbibigay ng pag-asa, pinagkakakitaan, at nagpapalakas sa ating mga katawan.
Nasa ating mga pagkilos nakikilala kung papaano natin binibigyan ng pansin ang
ikakatagumpay o ikakabigo ng mga gawaing ito. Anumang larangan o trabahong
ating ginagawa, mayroon itong mga paraan upang mahusay itong maisagawa.
21 Paraan ng mga Mahusay na Gawain
1-Gawing
mahusay ang trabaho sa paghamon sa iyong kakayahan na higitan pa ang nagawa
kahapon.
2- Gawing mahusay ang trabaho sa diwa ng pagtutulungan upang mapabilis ito.
3- Gawing mahusay ang trabaho sa pag-iwas ng mga kadahilanan para hindi ito matapos.
4- Gawing mahusay ang trabaho sa pagbuhos ng lahat na iyong makakaya at panahon.
5- Gawing mahusay ang trabaho sa patuloy ng paggawa nang walang pagliban.
6- Gawing mahusay ang trabaho sa ikakasiya at ikakatagumpay ng lahat.
7- Gawing mahusay ang trabaho sa paggawa ng mabuting halimbawa para tularan ito.
8- Gawing mahusay ang trabaho sa pagpapakita ng integridad at pagmamalasakit.
9- Gawing mahusay ang trabaho sa pagbibigay ng halaga at inaasahan mula sa iyo.
10- Gawing mahusay ang trabaho sa matiyagang pagtuon dito nang walang abala.
11- Gawing mahusay ang trabaho sa pagtupad ng iyong mga pangako para sa ikakatapos nito.
12- Gawing mahusay ang trabaho sa pagsasanay ng mga katangian para lalong humusay.
13- Gawing mahusay ang trabaho sa pagkakaroon ng malusog na katawan para ito maisagawa.
14- Gawing mahusay ang trabaho sa pagkakaroon ng mabuting panuntunang sinusunod sa paggawa.
15- Gawing mahusay ang trabaho sa pagdaragdag ng kabatiran tungkol sa ginagawa.
16- Gawing mahusay ang trabaho sa pagbibigay ng papuri sa iba bagama’t minimithi mo ito.
17- Gawing mahusay ang trabaho sa layunin at mga kapakinabangang magmumula dito.
18- Gawing mahusay ang trabaho sa paglikha ng solusyon kaysa maging bahagi ng problema.
19- Gawing mahusay ang trabaho sa pagtuturo sa iba ng mga nararapat pang gawin.
20- Gawing mahusay ang trabaho sa paglalaan ng sapat na pahinga para sa kalakasan ng katawan.
21- Gawing mahusay ang trabaho sa paggawa ng kaibahan at inspirasyon sa iba na tularan ito.

Ang mabuting ideya ay 10 porsiyento at kalakip nito ang
implementasyon at masikhay na paggawa, at ang suwerte naman ay 90 porsiyento
Sa kabubuan ng
iyong trabaho, marami itong daang-daan na posibleng mga kaparaanan at magagawang
mga pagbabago o mga inobasyon; at sa
dami ng iba’t-ibang mga tao na mayroon ding trabaho na tulad ng sa iyo,
maraming kumbinasyon din ng kabatiran, sistema ng paggawa, tamang atensiyon sa
gawain, kalakasan o kahinaan, at maging pagmamalasakit para dito. Ang kailangan
lamang ay tamang pananaw, paninindigan at kasiyahang dulot nito para
magtagumpay sa isang trabaho.
Ikaw, papaano mo ba ituring ang iyong
trabaho, nagkataon lamang ba ito o sadyang ito ang iyong pangarap na gawin?
Dahil kung walang ningning sa iyong mga mata sa paggawa, at tuwing umaga ay
kinakaladkad mo ang iyong mga paa papasok sa trabaho, aba’y magsimula ka nang
mag-isip para magbago ng gawain, palitan mo na ito sapagkat sa kalaunan, mapinsalang karamdaman
ang sasaiyo sa pagkabugnot at pagkabagot na naghahari sa iyong kalooban sa bawa't araw na nasa ganitong trabaho ka.
Kung mahal mo ang iyong trabaho, magiging maestro ka nito, subalit kung
kinasusuklaman mo ito, siya ang iyong maestro.
Ang matuto nang
walang kaisipan ay isang kapaguran; ang
kaisipan na walang natututuhan ay kapahamakan.
Sa gawain, hindi basta lamang gumagawa, pinag-iisipan itong maigi kung
mapapadali, makakatulong, at mapapakinabangan.
Ang lunggati ay hindi ang mabuhay magpakailanman. Ang
lunggati ay ang makalikha ng bagay na may alaala nito. Kaya nga, huwag basta pakatitigan
ang orasan. Gayahin ang ginagawa nito. Magpatuloy sa pagkilos. Humanap ng
gawaing kinawiwilihan mo at kailanman, hindi ka na magtatrabaho pa sa araw-araw
ng iyong buong buhay. At siyanga pala, ang iyong sahod ay bonus na lamang.
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Busilak
Ano ang Pangalan Mo?
Ang paghanga ay nagsisimula kapag natapos na ang mga palabok na papuri at hayagang pagmamaliit sa sarili.
Sa mga umpukan at lalo na sa mga pagtitipon, kapag may nakasalamuha tayong mga bagong kakilala na tumawag sa atin nang pansin, ay nais natin silang makilala. Bakit nga ba hindi, kung mayroon tayong nakikitang mga katangian na ating hinahangaan at nais matularan. Subalit papaano naman, sa paghaharap na ito, ay magagawa mong maipakilala o ang maipaalam kung sino kang talaga.
Ito ang
kadalasang pinangangambahan ng marami, lalo na yaong mga hindi nakahanda at
walang gaano mang maipapakilalang mga katangian o maipagmamalaking gawain.
Urong-sulong at inaapuhap ang mga katagang nais mabigkas nang walang
inaala-alang mga kapintasan. Ang mga
karaniwang naitutugon ay, “Ang aking
pangalan ay . . . “ o dili kaya’y, “Ako’y
isang guro lamang.” “Taga baryo Makitid lamang ako.” At magwawakas sa, “Nagtapos lamang ako sa
isang publikong pamantasan.”
Mapapansin na kalimitan ay may kalakip na kataga ng lamang sa mga ito. At sa madaling pang-unawa; nagpapahayag ito ng kakapusan at umiiral na pagmamaliit sa sariling pagkatao at kakayahan. Nahihiya na makilala ang tunay na pagkatao. Kung ito ang nais na maipakilala, ito rin ang magaganap na pagpapahalaga sa relasyong mamagitan. Kung walang nakikitang paggalang ang iyong kaharap sa iyo mismong sarili, ito rin ang uri ng paggalang ang makukuha mula sa kanya. Ang tanong, Bakit kailangan pang samahan ng lamang? Gayong sapat na ang banggitin ang ilang inpormasyon tungkol sa sarili. Tungkol ba ito sa pagiging mapagkumbaba? Kung ito ang dahilan; ang pagiging guro ba ay kababaan? Kung taga-baryo Makitid ka, isa ba itong kababaan? Ang pagtatapos ba sa publikong pamantasan ay kababaan? Maliban kung ikinakahiya ang mga pagkakakilanlan na ito sa personalidad ng isang tao.
Subalit ang mga ito ay hindi lubusang ipinakikilala kung sino kang talaga, maliban kung mababa ang pagpapakilala mo sa iyong sarili. Hangga’t ikinahihiya ng isang tao ang kanyang kalagayan sa buhay, nababawasan ang kanyang mga pagkakataon sa buhay. Sa dahilan na yaong mga tao na nakahandang tumulong sa kanya ay magsisimulang mag-alinlangan at umiwas na mahawa pa sa kanya.
Sinuman sa atin na nakakatiyak kung gaano ang kanyang mga katangian o maging mga kakayahan ay hindi pa rin lubusang nababatid na ang mga pagpapakilanlan na ito ay hindi resulta ng masidhing pagtuklas sa ating mga sarili, bagkus isang bagay na kusang “nangyari sa atin.” Napakadaling malaman kung papaano ito nangyari. Gaano ba kadalas na umupo tayo at sinimulang isa-isahin ang mga katangiang na sadyang nagpapakilala kung sino tayo? Mga katangian at kakayahan na sadyang maipagmamalaki natin kung sino tayong talaga.
Isang katotohanan na ang ating mga buhay ay masalimoot at lubhang matalinghaga. Sinuman ay hindi mapapasubalian na nabubuhay tayo sa isang lipunan na personal at makasarili; patuloy tayong binubomba araw-araw ng mga komersiyal at mga mensahe tungkol sa mga pahusayan, walang hintong mga tunggalian, at mga kompetisyon. Tinitingala ang mga kampeyon, pinupuri ang mga nanalo, at pinaparangalan ang mga magagaling. At kung hindi tayo kabilang sa mga ito, nagkakaroon tayo ng mga pag-aalinlangan sa ating mga sarili at ikinakahiya ang kawalan natin ng mga kakayahan. Kahit na ang simpleng pagsulat ng ating mga katangian upang mapag-aralan at pahusayin ay isang mahirap na gawain para sa atin.
Tulad sa paggagamot, hangga’t hindi nalalaman ang sanhi ng karamdaman, walang sapat na kagamutan para ito malunasan. Hangga’t hindi mo ganap na nababatid ang mga katangian mong taglay ay wala kang kakayahan na ito’y magamit para paunlarin sa iyong kapakinabangan.

Dalawang konsepto
ang may relasyon dito tungkol sa pagsasaayos upang personal mong makilala ang
iyong sarili.
1-Pagsasaliksik.
Ito ang
relasyon mo sa iyong sarili na magkaroon ng aktibong pagtuklas at panunutunan
tungkol sa iyong mga pananaw at inpormasyong pinaniniwalaan. Habang tayo ay
nakikibaka sa buhay ay patuloy din ang mga bagong karanasan, mga bagong
inter-aksiyon sa ibang tao, at mga bagong emosyon na nagbibigay sa atin ng
pagkakataon upang baguhin o palakasin ang sentrong aspeto ng ating
pagkakakilanlan sa ating mga sarili. Ito ang nakapaghuhudyat kung papalitan
natin ang ating trabaho, mapapangasawa, o hihintuan ang panonood ng walang
kabuluhang palabas sa telebisyon. Nakakatulong din ito na maiwasan ang
panghihina ng loob, paghamak sa sarili, at kawalan ng pag-asa.
2-Pagtatalaga
Ito ang
relasyong iniuukol mo sa iyong sarili na pagindapatin at pahalagahan ay iyong
mga katangian at mga kakayahan sa iyong pagkatao. Anumang katangian at kakayahan na mayroon sa iyo ay
nararapat mong ikarangal at ipagmalaki. Dahil ito ang magdadala sa iyo para lalo mong paghusayin. Walang sinumang makakagawa nito sa iyo
kundi ikaw mismo. Kung wala kang tahasang pagsasaalang-alang ng
iyong pagkatao, mistula kang ipa na ililipad sa isang bugso ng hangin.
Manindigan! Paunlarin ang iyong sarili at magpakatatag. Simulang tumayo at panindigan ang mga makabuluhan at patungo sa kaunlaran ng iyong sarili. Kahit na
bagyo o anumang daluyong, ang matatag na punongkahoy ay hindi magagawang
maibuwal.
Ang pagpapakilala na nagsimula sa tunay na pakikipag-kaibigan ay may katiyakang magtatapos sa matalik na relasyon.
Maaaring kaiba ang iyong personalidad, sino ba sa atin ang hindi, ngunit ang iyong pagkakakilanlan ay siyang susi mo sa tagumpay. Ang iyong pagkatao o karakter ay kalidad ng iyong mga personalidad; ang iyong trabaho, ang iyong samahan, ang iyong kalagayan sa buhay, mga paniniwala, ang iyong pagmamalasakit sa kapwa, at maging ang iyong mga nagagawang pagtulong sa iyong pamayanan--lahat ng mga ito ay kabubuan ng iyong pagkatao kung sino kang talaga. Higit pa ito kaysa pagkakakilala mo sa iyong sarili at sa mga nais mo pang magawa sa hinaharap.
Maging panatag at nakakatiyak sa iyong tunay na personalidad --- sapagkat ito ang lumilikha ng iyong pakikipagrelasyon sa iba. Ito ikaw ngayon, at sa mga darating pang mga araw sa iyong buhay. At kung magagawa mong komportableng masanay, may pagtitiwala at mapayapa ka sa pagdadala mo sa iyong katauhan, sinumang tao na iyong makakaharap; maging hari, presidente ng bansa, may mataas na posisyon o katungkulan sa pamahalaan, at maging karaniwang mamamayan ay wala kang itatago o pangangambahan. Malaya kang ipahayag na banggitin ang iyong pangalan, tirahan, at trabaho nang walang anumang pag-aatubili kundi ang ipagmalaki na ikaw ito at wala ng iba pa.

Ngayon, puwede na ba kitang makilala?
Jesse Guevara
Lungsod ng
Balanga, Bataan
Labels:
Busilak
Alamin ang Puso
May bumanggit sa akin na ang isang paruparo; kapag ikinampay ang kanyang mga pakpak, ito'y lumilikha ng buhawi paikot sa buong mundo. Sa teoryang ito, na tinawag na butterfly effect o epektong paruparo, ay isinasaad, na ang kampay ng mga pakpak ng paruparo ay isang munting kilos, subalit ito'y lumilikha ng maliliit na damyo ng hangin na nagpapatuloy sa pag-ihip at lumalaki, patindi ng patindi habang nag-aalimpuyo sa lakas at bilis--hanggang sa maging uli-uli, patuloy na pag-ihip nang palakas ng palakas, at nagwawakas sa dumadagundong na dambuhalang buhawi. Sapat na para makapinsala sa bawat madaanan ng nagngangalit nitong kalakasan.
Ipinapakita rito na ang
isang maliit na pagbabago sa kalagayan. Ito ay humahantong sa patuloy na paglaki
hanggang sa maging kagulat-gulat ito.
Bawa't isa sa atin ay
may angking kapangyarihan na katulad ng isang paruparo. At bawa't
isang munting kilos natin gaano man ito kaliit ay patungo sa higit pang positibong
kaisipan. Palawak at positibong huwaran o humahalina ng
paghahalintulad para sa ating mga pamilya, mga kaibigan, mga samahan, at mga
payamanan. Mula sa ating pagkilos sa sarili patungo sa isang simpleng relasyon habang ikinikilos ay tumatatag at lalong nagtutumibay na humahantong sa pagkakaisa ng damdamin, at humahantong sa kapatiran at bayanihan.
Kailangan lamang na mabungkal at
payabungin ang nakatagong kapangyarihang ito mula sa ating kaibuturan. Mistula itong
paglabusaw ng tubig sa nilikha nitong munting alon, ay nagiging dambuhalang
alon at sa kalaunan ay sanhi ng daluyong o tsunami. Isang magandang
paglalarawan kung papaano kahit anumang gawin, hindi makakayang isipin o
sukatin man ang ating magagawang impluwensiya sa iba at ng ating angking
kapangyarihan.Narito ang pagkakaisa at ispirito ng bayanihan.
Kung gagamitin natin
ang ipinagkaloob na kapangyarihang ito sa atin, ano ang mangyayari? Ito ang katanungang kinakailangan nating sagutin. At sa
kapasiyahang ito, ay maghuhudyat ng malaking pagbabago para sa ating mga sarili
sa hinahangad natin na walang hintong kaligayahan sa buhay. Walang makakagawa
nito para sa iyo. Tanging ikaw lamang ang may kapangyarihan upang lumitaw at gampanan ang tunay mong pagkatao.
Hindi na kailangang
hanapin pa ang kapangyarihang ito, ito'y matagal ng naghihintay sa iyo,
nakikiusap, humihingi ng iyong atensiyon, nagpapakita sa mga panag-inip, at
kung minsa'y nanggagalaiti pa sa bangungot. Laging nagpapa-alaala, "Pagbuksan
mo ako." "Ako'y iyong palayain." Ang lagi
nitong pagsusumamo.
Subalit nananatili tayong
abala, laging naghahanap at hindi mapakali, pumupunta sa malalayong pook ngunit
patuloy na nabibigo, hindi mapalagay at may bagabag sa tuwina.
Bakit nangyayari
ang mga ito, sapagkat higit na mahalaga para sa atin ang mga panandaliang bagay kaysa doon sa mga makabuluhan na isinisigaw ng ating kalooban.
Labels:
Busilak
Sunday, August 25, 2013
Tama na! Sobra na! Tigilan na!
Magsama-sama tayo sa protesta ng bayan! Ilantad at parusahan ang mga magnanakaw sa ating pamahalaan. Huwag nating pabayaan na magpatuloy pa ang mga kabuktutan, nakawan, at kalagiman sa ating bansa. Kailangan natin ng Pagbabago para sa kaunlaran ng Pilipinas. Gumising na tayo at magkaisa!
Labels:
Batingaw
Subscribe to:
Posts (Atom)