Saturday, July 30, 2022
Nababago ang Kinaugalian
Ang masamang ugali kapag hindi sinupil at pinalitan ng mabuting ugali, sa katagalan ito ay kagigiliwan at makakasanayan.
Bawat ugali at kakayahan ay iniimbak at pinalalakas ng magkakatugon na mga aksiyon. Anumang bagay,
mapabuti o mapasama man kapag patuloy nating ginagawa, ito ay nagiging ugali. Ang
ugali na mahilig maglakad, ay nagagawa tayong maging mahusay na mga manlalakad,
ang regular na pagtakbo ay nagagawa tayong maging mahusay na mga mananakbo. Ang
madalas na pagtugtog ng gitara ay nagiging gitarista. Mahilig na umindak at
sumayaw, ang kalalabasan nito ay maging mananayaw. Gayundin sa mga bagay na may
kinalaman sa ispirito; kung matibay at patuloy ang ating mga panalangin, tumitibay
ang ating pananalig.
Kapag tayo ay
nagagalit; tayo
ay nanggagalaitì, at habang patuloy ito, lalong sumisidhî at nauuwi sa
pagkamuhî.
Katulad ito ng buto ng halaman, kapag itinanim, dinidiligan at patuloy
na
inaalagaan, yayabong ito, mamumulaklak at magbubunga. Ganito din ang
pag-uugali. Kapag nakasanayan na, ito ay makakaugalian at siyang gagawin
sa tuwina. Kung ayaw mong lubusang
magalit, magtimpi at huwag nang pag-alabin pa ang namumuong pagkainis.
Palitan ito ng ugaling mapagtimpi. Higit na mabuti ang magpasensiya at
maging mahinahon upang maibsan ang nadaramang poot.
Lumayo
at manahimik. Hayaan na kusang lumamig ang sitwasyon. Walang sinuman ang mananalo
sa bawat argumento at mainitang pagtatalo. Makuha mo man ang nais mo at ikaw
ang panalo, nawalan ka naman ng kaalyado, at kung minsan ay lihim na kaaway pa.
Kahit na hindi ka nakakatiyak
sa
magiging resulta, ngunit pinipili mo ang tama kaysa mali, at kung
papaano mahusay
na isakatuparan ito, unti-unti ay makakasanayan mo ito at magiging ugali
na. Laging tandaan; anumang kinagigiliwan ay makakasanayan, at sa
katagalan ay makakaugalian.
Sinuman ikaw, ang iyong pagkatao ay kabubuan
ng iyong mga ugali.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Busilak
Ingatan ang Sarili nang Hindi Mapahamak
Labels:
Banyuhay
Pagsisisi sa Bandang-huli
Kapag nahuli
mo ang elepante sa likurang paa at nagtatangkang makatakas, higit na mabuti na
bitiwan upang makawala siya.
Kadalasan kapag may masamang
nangyari, sinisisi natin ang
ating sarili. Naniniwala tayo na dapat ay nalaman kaagad bago pa ito maganap, at
kung alam naman natin na mangyayari ito, naiisip natin na dapat ay mapangalagaan,
mapaghandaan o maiwasan ito nang hindi tuluyang maganap.
Kapag
tayo ay naliligalig, natatakot, o nangangamba, madalas ay tumataas
ang
lawak ng ating responsibilidad. Nagkakaroon tayo ng ibayong pagtuon kung
bakit kailangang
hindi mangyari ang isang sitwasyon na magpapahamak sa atin. At kung
nagkamali, matinding mga bagabag pa ang laging laman ng ating isipan. Sa
puntong ito,
nararamdaman natin ang ang kahalagahan ng pagkawala o ng nagawang
kamalian: ito
ay mga pakiramdam ng panghihinayang, kasalanan, kawalan ng ingat, at mahabang pagsisisi.
Ubusin
man natin sa kakaisip kung bakit ito nangyari ay wala na tayong magagawa
pa. Hindi na maibabalik pa ang nakaraan at itama ito. Kalabisan pa na bigkasin ang mga kataga na ; dapat, marahil,
kung,
sana,
at sayang. Pag-aaksaya lamang ito ng mahalagang panahon at
ninanakaw ang ating mga pagkakataon na makalikha ng mahusay at makabuluhang pagtuon,
hanggang sa humina ang ating mga kakayahan at mawalan ng pag-asa na harapin pa nang
matatag ang mga problema.
Huwag gawing responsibilidad ang mga bagay na wala kang kinalaman at wala
kang kontrol.
Labels:
Busilak
Subscribe to:
Posts (Atom)