Gawing ritwal ang magpasalamat pagkagising tuwing umaga. Sapagkat mayroon ka na namang 24 na oras na pagpapala upang gampanan ang kaluwalhatian ng Dakilang Maykapal.
Huwag maliitin ang iyong halaga sa pagkukumpara ng iyong sarili tungkol sa iba.
Sapagkat lahat tayo ay magkakaiba, at bawat isa sa atin ay uniko, wagas, natatangi, at sadyang espesyal at pambihira.
Huwag isagawa ang iyong mga lunggati nang naaayon sa sulsol at kagustuhan ng iba.
Ikaw lamang mismo ang higit na nakakaalam kung ano ang makakabuti para sa iyo.
Huwag ipagwalang bahala ang mga bagay na itinitibok ng iyong puso.
Hawakan at yakapin itong mahigpit tulad ng pag-iingat sa iyong buhay, dahil kung wala ang mga ito sa iyong buhay, mistula kang tuyot na patpat na inaanod ng rumaragasang tubig para isalpok sa mga batuhan.
Iwasang aksayahin ang iyong buhay na inaaliw mo ito ng mga nakaraan at ng mga hinaharap. Ang tunay na mahalagang sandali ay ngayon na, ang araw na ito. Ito ang siyang tanging magtatakda ng iyong kapalaran. Kung magagawang mabuhay nang minsan lamang sa isang araw, nagawa mo nang mabuhay sa lahat ng araw sa iyong buhay.
Huwag magmaramot kung mayroon ka namang maibibigay. Huwag sumuko, kung may natitira ka pang lakas, Dahil abot-kamay mo na ang tagumpay. Natatapos lamang ang mga bagay kapag nasiraan ka ng loob at kusa nang huminto. Ang marupok na sinulid ang nagtatali sa isat-isa sa atin.
Huwag matakot na humarap sa mga paghamon at mga pagsubok, dito makilala nang higit kung sino kang talaga. Sa pagsalunga sa mga balakid dito natin mababatid kung hanggang saan ang ating mga kakayahan, Huwag ipagpaliban ang pag-ibig sa iyong buhay sa dahilan na imposibleng matagpuan ito.
Huwag balewalain ang iyong mga pangarap; kahit lakad pagong, kung ito nama'y puspusan makakatiyak ka na posibleng matupad ito. Kung wala kang pangarap, makakatiyak ka na wala kang pag-asa. Mistula kang zombie, buhay na patay. Kung walang pag-asa, wala kang layunin na mabuhay pa. Tulad ka ng robot na de-susi, na kinokontrol ng iba.
Ang madaling paraan para huwag umiral ang pagmamahalan ay kataksilan, kawalan ng pagtitiwala at respeto. Ang susi o sekreto naman para sa nagmamahalan; ay dalawang kataga lamang ang kailangan para magtagal ang pagsasama, "Yes, dear?"
Huwag magmadali sa buhay para makalimot kung saan ka nanggaling, at kung saan ka papunta. Huminto paminsan-minsan at alamin ang iyong progreso at kung nasa tama kang landas. Sapagkat ang buhay ay hindi isang karera, bagkus ito ay isang paglalakbay na tinatamasa ang bawat hakbang at sinasamyo ang mga bulaklak sa tabi ng daan. Ang tunay na kaligayahan ay nasa paglalakbay at hindi sa destinasyon.
Friday, January 29, 2016
Sumandaling Kabatiran
Maraming tao ang darating at lilisan sa iyong buhay,
subalit yaong mga tunay na kaibigan lamang ang mag-iiwan ng tanda sa iyong puso.
Upang ganap na mahawakan mo ang iyong sarili, gamitin ang iyong isipan; upang mahawakan naman ang iba, gamitin ang iyong puso.
Ang galit kapag ipinilit, makakatiyak ka sa resulta nitong pait.
Kapag mayroong nagtaksil sa iyo nang minsan, ito ay ay kasalanan niya.
At kung ito ay inulit niyang muli sa iyo, ito ay kasalanan mo na.
Ang mga dakilang isip, ang tinatalakay nila ay mga ideya;
Ang mga karaniwang isip; ang tinatalakay nila ay mga kaganapan o mga kasayahan.
Subalit yaong mga makikitid ang isip, ang pinag-uusapan nila ay mga tao.
Ang Bathala ay nagbibigay ng pagkain sa mga ibon,
ngunit hindi Niya inilalagay ito sa kanilang mga pugad.
Siya na nawalan ng pera, ay talagang nawalan.
Siya na nawalan ng isang kaibigan, ay lalong nawalan.
At siya, na nawalan ng pananalig, ay nawala na ang lahat sa kanya.
Kung ang mga magaganda at batang tao ay gawa ng kalikasan,
ang mga magaganda at matandang tao ay likha naman ng sining.
Matuto sa mga kamalian ng iba.
Hindi mo magagawang mabuhay nang matagal para mtutuhan itong lahat mula sa itong karanasan.
Ang dila kung tutuusin ay wala namang kabigatan kapag tinimbang,
subalit ang kamandag nito ay simbigat ng daigdig kapag marahas na pinawalan.
...iilang tao lamang ang may kakayahang hawakan ito at kontrolin upang hindi makapinsala.

Labels:
Busilak
Magsabi Lamang
Habang patuloy ang iyong paghiling, patuloy din ang iyong makukuha. May nagwika, "Humiling ka at ito'y ibibigay sa iyo." Kung hindi ka magsasabi, wala kang mapapala. Kung hindi ka magsasalita at ipapaalam ang nais mo, ang kasagutan dito ay tiyak na, "Hindi!" Subalit nangangailangan ito ng puspusang pagsasanay para maging mahusay sa pagbigkas nito. Ang tagumpay ay isang laro ng paramihan. Tulad ng payo ng aking ama, "Ang bawat busog na itinudla mo at tumama sa gitna ng target ay resulta ng sandaang paltos at pagsasanay."
Sa taong ito, gawing resolusyon ang 5 Paraan na Mapabuti ang Pakikipag-relasyon
1. Patuloy na maging mapagmalasakit. Walang sinuman na humiling na maging maramot kung alam niyang siya ay lilisan na sa daigdig na ito. Ang mabisa at pinakamahalagang bagay na magagawa ko ay mabuhay na dakilang kumikilos, nagsasalita, at namumuhay mula sa aking puso. Ito lamang ang magpapabago sa daigdig na aking ginagalawan.
2. Maging mapagkumbaba. Mabuhay ng tulad ng sinasabi ng mga pantas na Isipang Simulanin. Tandaan na ang sinuman na dumarating sa aking buhay ay may sariling istorya na ikukuwento at isang leksiyon na nakapagtuturo kung bukas ang aking isipan at kawatasan para dito. Lagi ko ring tatandaan na ang bawat isa ay dumarating sa aking buhay sa takdang sandali para sa aking kagalingan sa panahong kinakailangan kong may matutuhang leksiyon sa buhay.
3. Maging mahusay na maging hindi komfortable. Ang kagandahan ng buhay ay pamumuhay na nakadapo sa maliit at maikling sanga. Iwasang mabugnot at mabagot sa kaunting biyaya, sa kalagayang nakakasuya, at trabahong nakakasawa. Hindi ka makakarating sa iyong paroroonan nang hindi ka magsisimula sa maliliit na hakbang. Hindi mo mararating ang itaas ng hagdanan, kung hindi mo aakyatin ang bawat baitang. Anumang leksiyon ay kailangang mong ipasa, dahil patuloy mong uulitin ito kung hindi mo ito natutuhan.
4. Maging makatao at ilaw na nagbibigay ng liwanag. Ang kahusayan ng aking mga relasyon, lalung-lalo na sa aking sarili, sa aking mga mahal sa buhay ay patunay ng aking maligayang pakikipag-relasyon. Ang kaligayahan ko ay tunay na nagaganap sa antas ng ipinadarama kong koneksiyon sa mga tao sa aking buhay. Hanggat patuloy ang aking pagtitiwala at katapatan patuloy ding namamagitan ang pagmamalasakit at pagmamahalan. Kailangang patuloy na magning-ning ang aking ilaw upang manatiling tanglaw ng pagkakaibigan.
5. Sisirin ang budhi. Laging maglimi, saliksikin ang puso, alamin nang higit ang nadarama. Sundin ang nagbibigay sigla at itinitibok ng puso. Kailanman ay hindi ka maliligaw sa landas na iyong nilalakbay. Hanggat hindi ko nagagawang kontrolin ang aking sarili, wala akong kakayahan maging halimbawa para sa iba. Huwag umasa na ang aking buhay ay magbabago kung magbabago lamang ang mga tao sa aking kapaligiran. Magpatuloy na magpahalaga at magbigay ng kaukulang atensiyon sa iba nang higit sa kanilang inaasahan. Bawat bagay ay posibleng mangyari kung puso ang umiiral at siyang sinusunod.

Bagong Taon, Bagong Pag-asa
Mayroon na naman tayong bagong pakikibaka at pakikipag-sapalaran. Sa pagkakataong ito, higit na mainam na makagawa ng naiibang pagkilos upang lalong mag-ibayo ang ating pagtuon sa mga bagay na higit na makakatulong sa ating pag-unlad. Lalung-lalo na ang mga bagong pagtunghay at pamamaraan sa buhay.
Bakit? Sapagkat napatunayan ko na sa pagdaan ng mga taon, lalong bumibigat ang mga pakikibaka sa buhay. Kung hindi ka maalam, maiiwanan ka sa pansitan. Kailangang nakakasabay ka sa maraming mga pagbabago sa iyong kapaligiran. Lubhang masalimoot ang mga sitwasyon at paliit ng paliit ang kinatatayuan mong ispasyo, patuloy ang pagdami ng mga tao subalit pakaunti ng pakaunti ang mga pagkakataon para mapabilis ang iyong pag-unlad. Parami nang parami ang mga naghihirap at laing iilan lamang ang yumaman.
Sa aking paglilimi, natutuhan ko ...Hindi ko na magagawa pa ang maging manedyer ng sansinukob. Ang maging magiliw at pagbigyan ang bawat isa ay hindi lunggati at nauuwi lamang sa kabiguan. Wala akong kontrol sa mga bagay at hindi ko magagawang patakbuhin ang sitwasyon ayon sa aking kagustuhan. Ang magkaroon ng otoridad ay masyadong magastos, Kapag mataas ang posisyon malawak ang responsibilidad. Mahirap mabatid and bawat sitwasyon kung ano talaga ang nagaganap tungkol dito. Anuman ang aking ginagawa, palagi akong nagpapadala ng mensahe kung sino ako. Kapag pumili ako ng nais ko, binabago ko ang aking hinaharap. Kung may nais akong makuha, kailangan ko munang ibigay ito. Hindi ako ang boss, narito ako sa daigdig para gampanan ang aking pagkakalalang.
At, AKO ay tao lamang, hindi perpekto at kaakibat na ang mga pagkakamali. Ngayon ay Bagong Taon, at mayroon na namang Bagong Pag-asa. Nakakatiyak ako, na ang kasaganaan ay patuloy kong makakamit kapag buong katapatan kong hiniling ang mga bagay na aking ninanasa, at buong pagpupunyagi ko itong isinasagawa. Anumang nililikha ko para sa aking ikakaunlad ay AKO mismo ang tahasang makakagawa nito para sa aking sarili.

Batingaw
Subscribe to:
Posts (Atom)