IKAW
Isang
Katangi-tangi at Angking Wagas. Sa
napakaraming bilyong tao na lumitaw at lumakad sa mundong ito, ikaw ay sadyang
kakaiba, kaisa-isa, katangi-tangi, at tahasang pambihira. Walang sinumang
katulad, at kawangis.
Kailangan ang mga panaggalang na ito:
Pagtitiwala:
Ilalagay ka sa kapahamakan, at maging ang mismong buhay mo ay malalagay sa
panganib.
Pagmamahal:
Kung walang mabuting tinutungo, ilalagay ka sa matinding kapighatian at
kasawian.
Pagiging
TOTOO: Kapag pawang kabutihan ang ipinapakita, maraming tao ang masasagaan nito,
lalo na ang mga nagkakasala. Hindi nila matatanggap na naiiba ka sa kanila.
At dahilan ito
upang iwasan ka, punahin, pintasan, pagselosan at kamuhian.
Ang resulta ay
ang tuluyang pagwasak sa reputasyon at pagkatao mo.
Anuman
pamumuna, pintas o mapanirang tsismis, para sa mga tunay o totoong tao, ang mga ito ay ay walang
pakialam, magustuhan man sila o hindi. Ang hangarin lamang nila ay ang igalang.
Ang
toxic o mapanlasong tao ay walang nang magagawa pang pagkontrol sa iyo, kung
wala kang pahintulot. Ang kakayahan lamang nila ay kontrolin, kung papaano
papaniwalaan ng iba ang mapanira nilang layunin. Ang paninira sa karakter o pagkatao ng isang tao ay talaga namang walang
katarungan, subalit manatiling matatag at nangingibabaw ka sa bawat sandali,
gising at hindi pabaya, at may pagtitiwala na ang mga tao na higit na nakakalaam
kung sino kang talaga ay nababatid ang katotohanan sa likod ng mga ito, katulad
ng kabatiran mo sa iyong pagkatao.