Ang pagpapaubaya sa walang katiyakang kapalaran na
darating ay
isang pagpapatiwakal.
Madalas nating naririnig ito, palasak
at kinaugalian na ng karamihan sa atin. Kahit na walang katiyakan ang
kakahinatnan, mapabuti o mapahamak, patuloy pa rin itong gagawin. Nagsimula ito
sa pag-usal ng, “Si bathala ang may awa.”
“Bathala na ang may kapasiyahan.” Noon
pa ito, nang ang relihiyon nating sinusunod ay Islam, mga muslim tayo,
at si Allah
ang ating patnubay. Dumating lamang ang mga Kastila at napalitan ito ng Kristiyanismo kaya naging
mga kristiyano
tayo, at si HesuKristo
ang ating patnubay. Subalit ang katagang bathala ay nagpatuloy at naging
karaniwang sinasambit kapag nalalagay sa alanganin at hindi alam ang mangyayari
o kahahantungan. Sa katagalan nang paggamit, nasanay na tayong bigkasin ito ng,
“Bahala na!”
Ano
ang kahulugan ng Misyon ng Buhay?
life mission n ulirang pagganap sa mahalagang mga tungkulin na kailangang tuparin sa
sariling buhay. Bawa’t isa ay mayroon na nakatakdang pakete o misyon na
kailangang magampanan. Walang makakagawa nito kundi ang angking sarili lamang,
hindi maaaring palitan, ilipat, ipagawa sa iba, at ulitin pa. Lahat tayo ay may
pambihira, natatatangi, walang katulad na kanya-kanyang misyon at nakalaang mga
pagkakataon upang ito ay maisa-katuparan. Hindi ito basta na lamang bahala na at pikit-matang tanggapin makaraos lamang.
Sa
buhay, ang marahas na kapasiyahan nang walang katiyakan o “Bahala na!” ay sukdulang
pagtanggap ng kapahamakan. Mistula itong pagpasok sa kadiliman nang walang
dalang tanglaw para ilawan ang daan. Hayagan na ipinauubaya ang sarili sa
anumang panganib na darating, at nagsasabing, “Heto ako, bahala ka na, kung
anuman ang nais mong mangyari sa akin.” Ganito din ang karamihang pananaw sa buhay, “bahala na,” pabaya, palaasa at
naghihintay na lamang sa kapalarang darating. Nagba-bakasakali na magkaroon
ng pagbabago at walang sawang umaasa na darating ito, iniiwasan ang kumilos at
gumawa para posibleng mangyari ang bagay na ninanasa.
Upang makaiwas, tinatakasan ang katotohanan; mahilig manood sa
telebisyon, ang usisain ang kapitbahay, ang punahin at pintasan ang mga masisikhay at
masisipag, ang manisi sa iba, ang manibugho, at kasiyahan na ang siraan ang mga
nagtagumpay, maliban ang sisihin ang sarili sa pagagamit ng katagang “bahala
na.”
Karamihan ng pagkilos ay walang
katiyakan at nakasandig sa paniniwala na may mapapala. Gayong ang katotohanan
ay nasa Diyos ang awa, subalit nasa tao ang gawa.
Ang
taong tamad ay palaasa at pabaya. Mga paraan niya ito para tanggapin ang mga
bagay na hindi maiiwasan at kusang nagaganap sa kanyang buhay. Natutuhan na ang
kawalan ng pag-asa at wala ng pakialam pa sa kinabukasang darating.
Ano ang bagay na magagawa ko upang huwag maging padalus-dalos o patama-tama sa aking mga gawain?
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment