Wednesday, August 07, 2013

Mabisang Paghahanda




Kung ikaw ay nakahanda, ang suwerte 
ay laging kaulayaw mo.

Sino ang hindi nakakakilala kay Ernest Hemingway sa larangan ng pagsusulat? Siya ang may-akda ng klasikong The Old Man and the Sea. Kaugalian na niya ang gumawa ng mabibigat na gawain para magpapawis at maging aktibo. Ginagawa rin niya ang magpahinga nang walang anumang ginagawa sa maghapon at mga linggo. Bago umupo at simulang magsulat ng ilang pahina para sa bagong nobela, inuubos niya ang mahabang oras sa pagtatalop ng balat ng kahel at pagmamasid sa lagablab ng apoy sa kanyang apuyan.
   Isang umaga, isang peryodista ang pumasyal sa kanyang bahay at napansin ang kakaiba at pambihirang ugali ng manunulat.
   “Sa palagay mo ba sa pamamahinga mong iyan, hindi mo sinasayang ang iyong talento at mahalagang panahon para magsulat? Ang patambis ng peryodista.Ikaw ay tanyag na manunulat, hindi ba nararapat lamang na lalo kang magsikhay na magsulat at lumikha pa ng maraming nobela?”
   Inihahanda ko lamang ang aking kaluluwa bago magsulat, katulad ng mangingisda na inihahanda ang kanyang mga kagamitan at lambat bago pumalaot sa dagat,” ang paliwanag ni Hemmingway.
   “Kung hindi ko ito gagawin, at iniisip ko lamang ay ang mahuhuling mga isda, kailanma’y wala akong masisimulan kahit anuman.” Ang dugtong pa ng manunulat.


Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment