Thursday, August 08, 2013

Ulirang Buhay


Nasa Diyos ang pagpapala, at nasa tao ang gawa.

Maraming siglo na ang nakakaraan, ang mga tao ay naiibigan ang kahinaan ni Jesus at hindi nauunawaan ang kanyang kapangyarihan.
   Hindi namuhay si Jesus na isang duwag at hindi namatay na nagrereklamo sa kanyang tinamong kapighatian. Namuhay siyang isang rebolusinaryo at ipinako sa kurus na isang rebelde.

“Hindi siya isang ibon na bali ang mga pakpak, kundi isang nagngangalit na bagyo.”
‘Hindi siya isang biktima ng kanyang mga tagausig at hindi namighati sa kamay ng kanyang mga berdugo—siya ay malaya sa harap ng sinuman.”
“Dumating siya para gisingin ang isang bago at matibay na kaluluwa, na kung saan nalikha sa bawa’t puso ang isang templo, isang dambana, at ang bawa’t tao ay maging isang pari.”

   Kung maingat na pag-aaralan ang kanyang buhay, mapapansin natin… na, kahit alam niya na ang kanyang simbuyo ng damdamin ay hindi maiiwasan, sinubukan niyang bigyan tayo ng pakiramdam ng kaligayahan sa bawa’t galaw.
   Maaaring pinag-isipan niya itong masidhi at matagal bago magpasiya kung ano ang unang milagro na magaganap.
   Maaaring kailangang isaalang-alang ang pagpapagaling sa isang paralitikong tao, ang pagbuhay sa isang patay, ang pagpapatapon sa isang demonyo, mga bagay na sa kanyang mga kaalinsabay ay ipinapalagay na “uliran.” Kung sabagay, ito ang unang pagkakataon na maipapakita na siya ay dumating bilang Anak ng Diyos.


At ito’y nasusulat: ang kanyang unang milagro ay ang baguhin ang tubig at gawin itong alak—para sa isang kasalang naganap.


Nawa’y ang kawatasan ng mga galaw na ito ay maging inspirasyon sa atin, at patuloy na manatili sa ating mga kaluluwa: Ang pagtuklas sa ispirito ay isang pagmamalasakit, pati na ang kasiglahan at kaligayahan.
 
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment