Ang kapatawaran ay hindi ang baguhin ang nakaraan, bagkus ang itama ang kinabukasan.
Ang
monghe ay tinalo ng isang profesor sa isang paligsahan. Anumang
salita ng monghe ay hindi pinaniniwalaan ng profesor. Magkagayunman, ang
maybahay ng profesor ay isang tagasunod ng monghe, at pinakausapan ang kanyang
asawa na humingi ng paumahin dito.
Bagama’t mabigat ang loob, at walang
kakayahan na tanggihan ang kahilingan ng maybahay, nagtungo ang profesor sa
templo kasama ang maybahay at umusal ng ilang mga kataga ng pagsisisi sa monghe.
“Hindi
kita mapapatawad,” ang sumbat ng monghe, “umuwi ka na at ipagpatuloy ang anumang
iyong ginagawa.”
Nagimbal ang maybahay at natakot sa narinig
mula sa monghe, “Napahiya ang aking
asawa, at hindi ka man lamang na nagpakumbaba o tinanggap ang paumanhin niya?” Bakit??? ang panaghoy ng maybahay sa monghe.
At mahinahong tumugon ang monghe:
“Sa kaibuturan
ng aking puso ay walang bahid ng sama ng loob. Ngunit hindi naman tunay na nagsisisi ang iyong asawa.
Higit na makabubuti para sa kanya na kilalanin niya ngayon na siya ay
nasusuklam sa akin. Kung tatanggapin ko ang kanyang paumanhin, lilikha lamang
kami ng maling sitwasyon sa pagkakasundo, at lalong magdaragdag pa ito ng ibayong
pagkamuhi sa akin ng iyong asawa.
Bakit hindi natin pabayaang kusang maghilom
ang sugat na sapilitan niyang pinadudugo. Siya lamang ang higit na makalulunas
para dito. Gaano man ang aking pagnanais na patawarin siya, kung hindi naman
niya makayang patawarin ang kanyang sarili, mistula lamang akong sumusuntok sa buwan.”
Umiiling na binatak sa kamay ng maybahay ang
kanyang asawa, at umuwing nanlulumo.
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment