Ang Patnubay
ni Jesse Guevara
Ikaw,
ang Aking Patnubay...
Ikaw,
ay aking nadarama sa kaibuturan ng aking kaluluwa.
Ikaw,
ang siyang lumikha ng daigdig at sansinukob.
Kahit
saanman ako tumingin, kilatisin ang mga ito, at unawain, ay natatagpuan kita.
Naroon
ka sa lahat ng dako; pisikal man o nalilirip man ay nadarama ko ang iyong
kadakilaan.
Ikaw,
ang aking Patnubay.
Ikaw,
ang tinaguriang Makapangyarihan sa Lahat.
Siyang
tinatawag na Ama,
Siyang
tinatawag na Tagapaglikha,
Siyang
tinatawag na Tagamasid,
Siyang
tinatawag na Tagaganap,
…at
Pangkalahatang Tagadisenyo nang walang hangganang Pagkakakilanlan!
Ikaw,
ang aking kaisipan, katawan, at kaluluwa.
Mula
sa iyong pagpapala, napagkaisa mo na maging Ispirito ko ito.
Napapasunod
mo ako na makipag-talastasan sa Iyo.
Ikaw
na kumakatawan sa aming lahat.
Siyang
pumapasan sa aming mga kaligaligan.
Siyang
kumakandili kapag kami ay naliligaw.
Siyang
nagpapatawad sa aming mga kasalanan.
Siyang
nagpapalakas kung nanghihina kami.
…at
Manunubos at Tagapagligtas nang walang hangganang Patnubay!
Ikaw,
ay laging nasa kaibuturan ko at siyang kaharian mo.
Habang
buhay ako, walang hinto ang iyong mga pagpapala.
Ikaw,
ang tanglaw at lagablab na palaging gumigising sa akin.
Kung
wala ka, bulag ako at nasa kadiliman.
Ang
pagmamahal mo’y hindi makakayang tumbasan.
Kundi
ang maging halimbawa ng iyong kaluwalhatian.
…Maraming
salamat, kailanma’y hindi kita maiiwan.
O,
aking Patnubay …maraming salamat po.
No comments:
Post a Comment