Palatandaan ng isang matalinong tao ay ang kaalamang iwaksi
ang mga walang katuturan at asikasuhin ang mga mahahalaga.
Ang
simpleng buhay ay hindi ang maipakita kung papaano tayo nakakaraos sa karampot
na kabuhayan—isang karukhaan ito—bagkus kung papaano mahusay na unahin yaong
mahahalaga sa ating buhay. Kapag malinaw ang iyong hangarin at mga priyoridad, wala
nang hirap ang itapon at pag-aksayahan pa ang mga bagay na walang katuturan at
hindi nakakatulong para magtagumpay ka.
Dalawa
lamang ang prinsipyo para dito: Kailangang batid mo ang pagkakaiba kung ano
ang agaran at kung ano ang mahalaga. (2) Kailangang unahin mo muna
ang mahalaga.
Karamihan sa atin ay pinag-aaksayahan nang maraming
sandali ang mga agaran at wala ng panahon pa doon sa mga mahahalaga. Sa mundong
ito na puno ng mga mapamintas, mga kritiko, at kakumpetensiya, higit nating
pinipili ang pumalakpak at humanga sa iba. Magagawa naman nating tayo ang nasa
entablo o nasa parada, at sila naman ang nasa bangketa at pinapalakpakan tayo.
Ang
pinaka-mapanganib na sapalaran sa lahat ay yaong inaaksaya mo ang iyong
buhay na hindi ginagampanan ang nakatakda mong kapalaran. Sa halip, ang
pinagtutuunan mo ng pansin ay mga kalayawan at pagka-humaling sa mga
panandaliang aliw. Mga bagay na kusang sumisira upang hindi mo matupad ang
iyong mga pangarap.
Repasuhin ang iyong mga priyoridad, lapatan
ng tamang mga katanungan:
Papaano ko
mainam na magagamit ang aking panahon sa mga sandaling ito?
Ano ba ang aking
tunay na intensiyon at ginagawa ko ito?
Ano bang
pakinabang o kaunlaran ang makakamit ko kung uunahin ko ito?
Kung alam mo kung sino ka, nalalaman mo
kung ano
ang nararapat gawin bilang tunay na Pilipino.
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment