Papaano Makakamtan ang Buhay na Hinahangad Mo?
Bakit may mga taong PATULOY NA
NAGTATAGUMPAY?
Habang ang iba naman ay laging
NABIBIGO?
Mayroon bang susi sa
TAGUMPAY
at KABIGUAN?
Marami na ang naisulat na mga alituntunin, mga patakaran, at mga samutsaring mga paraan upang magtagumpay sa anumang larangan o trabaho na iyong pinasukan. Subalit naroon pa rin ang mga pagkakamali at hindi maiiwasang mga kabiguan. Ngayon, narito na ang makapagbubukas sa iyong isipan tulad ng naranasan ng marami at nagawang magtagumpay. At ito’y karaniwan na nating ginagawa sa araw-araw. Dangan nga lamang, kinukulang tayo sa tiyaga at madaling sumawa. Halos abot-tanaw na ang tagumpay, ay doon pa humihinto at hindi na nagpapatuloy pa. Ito ang paulit-ulit na ginagawa ng nakararami sa atin.
Kung minsan naiisip natin, “Sana ang tadhana ay mayroong tamang pormula, instruksiyon o kautusan na patnubay sa ating mga pagkilos, para magawa natin ang nararapat unahin sa ating buhay.”
Kaya lamang . . . sa tunay na pakikibaka sa buhay, may kanya-kanya tayong personal na diskarte na sadyang nangyayari. Mula sa iyong napag-aralan, natutuhan, nadinig, at naranasan . . . at maliban dito, bahala ka na sa sarili mo.
Ang isang bagay lamang na humahadlang sa pagitan ng isang tao at kung ano ang tunay niyang lunggati sa buhay ay ang matinding pagnanais na subukan ito, at ang matibay na pananalig na paniwalaan itong mangyayari.
Ano ba ang LUNGGATI?
Ang LUNGGATI ay isang natitiyak, nasusukat, at mayroong sapat na panahong inilaan para ito matapos, na kung saan lahat ng iyong mga itinakdang gagawin ay itinutuon lamang dito hangang sa MAKAMTAN ito.
Sa isang panayam, tinanong ng isang mamamahayag ang batikang doktor sa pilosopiya, “Doktor, anong mali sa mga tao ngayon?” Nanatiling tahimik ang doktor sa ilang saglit, mahinahong tumitig ito sa nagtanong, at malinaw na tumugon, “Ang mga tao ngayon ay hindi na makatotohanang nag-iisip!”
Tungkol dito ang nais kong isiwalat nang maunawaan ninyong mabuti. Dahil narito ang mahalagang susi sa inyong ikatatagumpay sa buhay.
Nabubuhay tayo ngayon sa gintong panahon. Ito ang siglo na pinaka-aasam ng sangkatauhan, ating pinangarap ito, at pinaghirapang makamtan sa nakalipas na libu-libong mga taon, subalit ngayong narito na, pinababayaan na lamang at hindi na pinapansin. Nasa modernong kabihasnan na tayo, at simbilis ng kidlat ang lahat ng komunikasyon kahit saan mang sulok ng mundo. Subalit higit nating pinag-uukulan ng panahon ang mga panandaliang aliwan, walang katuturang panoorin, mga nakababagot na mga usisaan at hungkag na usapan. Gayong sa ilang saglit lamang ay kumakalam ang ating mga sikmura at kailangang kumain, magbihis, magbayad, magpaaral, umangat ang pamumuhay, at maging maligaya sa tuwina. Bihira sa atin ang may makabuluhang atensiyon kung ano ang tunay na mahalaga sa ating buhay.
Sa bansang Pilipinas, tayo ay natatanging mapalad na naninirahan sa isa sa pinakamayamang lupain sa buong mundo . . . tayo lamang ang mayroong 7,107 na naggagandahang mga pulo na naglalaman ng mga masasaganang lupain; at sa mga ilog, sa mga lawa, at nakapalibot na mga karagatan sa buong kapuluan; ay mabiyaya sa mga lamang-dagat at iba’t-ibang kayamanan; sa mga kagubatang nagbibigay-buhay at pangangalakal, sa mga kabundukang nagtataglay ng mga mineral at yamang-likas. . . at sa pagiging pangunahing sentro nito sa Asya at pandaigdigang kaganapan. Karampatan lamang na tawagin ang ating bansa ng; “Perlas ng Silangan”.
Pagpapatunay lamang ito na halos lahat ng ating kapaligiran ay mayroong naglipanang mga pagkakataon para sa bawa’t isa sa atin. KUNG mamarapatin lamang na pagtuunan natin ang mga ito ng ibayong pansin, napakalaki ang ipagbabago ng ating bansa.
Dangan nga lamang, walang pagbabagong nagaganap upang ito’y mapakinabangan. Narito ang kasagutan; kung kukuha tayo ng 100 mga tao na magsisimula lamang sa gulang na 25 taon, mayroon ka bang hinagap kung anong mangyayari sa mga lalaki at babae na ito kapag narating nila ang gulang na 65 taon? Ang 100 na mga taong ito na magsisimulang lahat sa gulang na 25 taon, ay naniniwala na sila ay magiging matagumpay. Kung tatanungin mo kahit isa sa kanila; kung nais nilang magtagumpay, sasabihin nila sa iyo nang harapan na ito talaga ang kanilang hangarin. At mapapansin mo din na masigla nilang hinaharap ang kinabukasan, may kislap ang kanilang mga mata, at may ibayong pag-asa---na ang buhay sa kanilang paningin, ay nakahahalina at punong-puno ng mga pakikipagsapalaran.
Subalit pagdating ng panahon na sila’y 65 taong gulang na,
. . . ang isa ay magiging mayaman,
. . . ang apat ay magiging bastante at nakakaraos sa buhay,
. . . ang lima ay patuloy na namamasukan at suwelduhan,
. . . at ang natitirang 90 sa kanila ay patuloy na nagdarahop
(mahirap at wala halos na pinagkakakitaan).
Kaya nga, sa kabubuang 100, lima lamang ang nagwawagi o nakalalasap ng tagumpay!
Bakit napakarami ang mga nabibigo? Ano ang nangyari sa kislap ng kanilang mga mata, sa kanilang mga kasiglahan na puno ng pag-asa noong sila’y nasa gulang na 25 taon? Anong nangyari sa kanilang mga pangarap, sa kanilang mga pag-asa, sa kanilang mga plano sa buhay . . .bakit napakalaki ang agwat sa pagitan kung ano ang kanilang hangaring magawa at kung ano ang kanilang tunay na naisakatuparan?
Kapag binabanggit natin ang tungkol sa 5 porsiyento na palaging matagumpay, kailangan muna nating malaman ang kahulugan ng tagumpay. Narito ang angkop na kahulugan sa aking pagkakasaliksik:
“Ang tagumpay ay ang makatotohanang pagpapaunlad ng isang makabuluhang lunggati.”
Sinuman na gumagawa patungo sa isang itinakdang lunggati, at alam kung saan ang kanyang destinasyon, ang taong ito ay isang tagumpay. Kung hindi naman niya ito ginagawa, siya ay isang kabiguan. Laging ikintal sa isipan;“Ang tagumpay ay ang makatotohanang pagpapaunlad ng isang makabuluhang lunggati.”
Ang isang mahusay na plano upang makamit ang isang makabuluhang lunggati ay katulad ng isang mapa sa daan: malinaw na itinututro nito ang patutunguhang destinasyon at ang nararapat na mabuting paraan ng pagtahak upang madaling makarating dito.
Ang tangi lamang na kailangan ay ang plano, ang mapa sa daan, at ang katapangan na magpatuloy sa iyong makabuluhang lunggati---ang iyong nakatakdang destinasyon!
Nasa simbuyo o silakbo ito ng iyong damdamin, at ito ang nagpapatapang sa iyo. Kung wala ka nito; laging pinanghihinaan ka ng loob na magpatuloy pa at sumunod na lamang sa agos ng buhay, katulad ng iyong mga nakikita sa nagdarahop na karamihan sa iyong kapaligiran.
Ang isang mahusay na plano upang makamit ang isang makabuluhang lunggati ay katulad ng isang mapa sa daan: malinaw na itinututro nito ang patutunguhang destinasyon at ang nararapat na mabuting paraan ng pagtahak upang madaling makarating dito.
Ang tangi lamang na kailangan ay ang plano, ang mapa sa daan, at ang katapangan na magpatuloy sa iyong makabuluhang lunggati---ang iyong nakatakdang destinasyon!
Nasa simbuyo o silakbo ito ng iyong damdamin, at ito ang nagpapatapang sa iyo. Kung wala ka nito; laging pinanghihinaan ka ng loob na magpatuloy pa at sumunod na lamang sa agos ng buhay, katulad ng iyong mga nakikita sa nagdarahop na karamihan sa iyong kapaligiran.
May nagwika, “Ang kabaligtaran ng katapangan sa ating lipunan ay hindi ang kaduwagan . . . ito ay ang pakikiayon.”
Mayroong mga tao na kusang tinanggap ang kapalaran ng pagiging talunan. Bahagi na ng kanilang mga buhay ang samutsaring mga kabiguan sa araw-araw. Hindi pa nagsisimula, talos na nila na sila ay mabibigo lamang at wala ng kalunasan pa ito. Kinalakihan o kinagisnan na ang matinding kahirapan at hinayaan na itong tahasang maganap sa kanilang buhay. (By default!) Kung ano ang nakikita, naririnig, at nararanasan ay sapilitang pinaiiral ang balintunang katotohanan. Higit na madali ang umayon; kaysa ang makibaka at harapin ang nagdudumilat na katotohanan. Patuloy silang naghihintay sa kawalan.
Sa halip na tanggaping isang paghamon ang mga balakid, minabuti pa ang tumahimik at hayaang maganap ang anumang sitwasyong kinahaharap. Ang kanilang mantra o bukambibig sa tuwina, “Huwag sumalungat at sumunod na lamang sa agos, nang hindi magka-problema.”
Gayong sa bawa't paroroonan mo na wala kang kabatiran, napakahalaga na may hawak kang mapa para dito.
Maaaring ding wala kang kabatiran sa pamimighati sapagkat naging manhid na ito sa iyo. Ang karaniwang nadarama mo ay ang walang kakayahan, walang katiyakan, at kawalan ng pag-asa dahil wala kang patnubay o sandigan tulad ng 'mapa' sa iyong paglalakbay sa buhay. Ang pagkalito at hindi makapagpasiya ay mga kaganapan na pinipilit na pagbaguhin ka at gumawa ng panibagong landas.
Gayong sa bawa't paroroonan mo na wala kang kabatiran, napakahalaga na may hawak kang mapa para dito.
Maaaring ding wala kang kabatiran sa pamimighati sapagkat naging manhid na ito sa iyo. Ang karaniwang nadarama mo ay ang walang kakayahan, walang katiyakan, at kawalan ng pag-asa dahil wala kang patnubay o sandigan tulad ng 'mapa' sa iyong paglalakbay sa buhay. Ang pagkalito at hindi makapagpasiya ay mga kaganapan na pinipilit na pagbaguhin ka at gumawa ng panibagong landas.
At ito ang sanhi kung bakit tayo ay naliligalig at laging balisa sa ngayon, dahil sa:
Pakikiayon ---
Ang mga tao ay kumikilos katulad ng sinuman . . .
. . . nang hindi nalalaman kung bakit ???????
at kung saan sila patungo >>>>>>>
Dito mismo sa Pilipinas ngayon, ay mayroong 22 milyong mga tao na may gulang na 65 taon at pataas pa . . . na karamihan ay nagdarahop at dumaranas ng matinding kahirapan; umaasa na lamang sa pagkakandili ng iba para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw. Gayong napakayaman ng ating bansa, at kung mabibigyan lamang ito ng karampatang pansin at panahon, mula sa ating pamahalaan patungo sa mga lalawigan, sa mga lungsod, sa mga bayan hanggang sa mga kanayunan . . . walang magugutom sa ating mga kababayan.
Ang masaklap at nakapanlulumo kung patuloy ang walang makabuluhang pagkilos para sa ating mga sariling kaunlaran, . . . at tayo’y mapabilang sa pangkat ng 90 porsiyento na nagdarahop, ang ating mga bagabag ay nakatakdang maganap sa hinaharap.
Hindi ba nakapanlulumo ito, sa harap ng katotohanang napakayaman ng ating bansa sa halos lahat ng bagay tungkol dito, maliban lamang sa mga mamamayan natin? Kung ihahambing sa mga bansang Switzerland (2011 population: 7.8 million) at Hapon (2011 population: 125.77) sa Pilipinas (2011 population: 94 million). Ang napakaliit na bansang Switzerland ay bulubundukin, matindi ang taglamig, at walang gaano mang yamang likas sa kanilang kabubuang lupain, at ang bansang Hapon na halos ikawalong bahagi lamang ng kanilang mga lupain ang natataniman at napapakinabangan, bakit higit na maunlad sila at patuloy ang pagyaman? Huwag na nating banggitin pa ang mga bansang napakaliliit at maging ang kanilang populasyon; tulad ng Singapore, Taiwan, at Israel, at baka tumulo pa ang ating luha sa matinding pagkasiphayo!
Ang nagdudumilat na kasagutang dito ay;
Dahil iba ang uri at klase ng mga mamamayan nila, . . . mayroon silang mga katangi-tanging saloobin at atensiyon sa kanilang makabuluhang kakayahan at dakilang pagmamalasakit sa kanilang bayan! Ito'y nasa kanilang pagnanais na maisakatuparan ang kanilang mga makabuluhang lunggati!
Hindi ba nakapanlulumo ito, sa harap ng katotohanang napakayaman ng ating bansa sa halos lahat ng bagay tungkol dito, maliban lamang sa mga mamamayan natin? Kung ihahambing sa mga bansang Switzerland (2011 population: 7.8 million) at Hapon (2011 population: 125.77) sa Pilipinas (2011 population: 94 million). Ang napakaliit na bansang Switzerland ay bulubundukin, matindi ang taglamig, at walang gaano mang yamang likas sa kanilang kabubuang lupain, at ang bansang Hapon na halos ikawalong bahagi lamang ng kanilang mga lupain ang natataniman at napapakinabangan, bakit higit na maunlad sila at patuloy ang pagyaman? Huwag na nating banggitin pa ang mga bansang napakaliliit at maging ang kanilang populasyon; tulad ng Singapore, Taiwan, at Israel, at baka tumulo pa ang ating luha sa matinding pagkasiphayo!
Ang nagdudumilat na kasagutang dito ay;
Dahil iba ang uri at klase ng mga mamamayan nila, . . . mayroon silang mga katangi-tanging saloobin at atensiyon sa kanilang makabuluhang kakayahan at dakilang pagmamalasakit sa kanilang bayan! Ito'y nasa kanilang pagnanais na maisakatuparan ang kanilang mga makabuluhang lunggati!
Natututo tayong bumasa sa panahong tayo ay 7 taong gulang. Natututo din tayong makahanap ng pagkakakitaan pagdating sa gulang na 25 taon. Pangkaraniwan din sa panahong ito. . . na hindi lamang tayo naghahanap-buhay, sumusuporta pa tayo ng pamilya. At ang nakapanggigipuspos dito, pagdating natin sa edad na 65, hindi natin natututuhang maging independyente sa pananalapi o umangat man lamang sa buhay, gayong nasa harapan lamang natin ang mga pagkakataon at mga kapalarang naghihintay sa atin upang maisagawa ito.
Ano ang tunay na dahilan?
At bakit nangyari ito?
Tayo po ay nakiayon
. . . sa takbo ng buhay.
Tinanggap na lamang kung anumang kapalaran ang inihatid ng tadhana. Naging manhid at paralisado na sa hungkag na katotohanang ito. May taguri ito sa Ingles; learned heplessness! Ang tawag naman natin dito ay ang palasak na; Sawimpalad ako! Kapag may narinig kang bumigkas nito sa iyong mga nakakausap; igalang sila, sapagkat nagsasabi sila ng totoo. At kung may pagkakataon ka, iwasan mo sila . . . at takbuhang palayo! Dahil mahahawa at matutulad ka sa kanila.
Bakit nangyari ito sa kanila?
Bakit nangyari ito sa kanila?
. . . Nasa kanilang maling saloobin!
Tamang saloobin:
Ang isang pinakamagandang kabayaran sa buhay . . .
. . . ay hindi natin magagawang tumulong sa iba,
nang hindi natin tinutulungan ang ating mga sarili.
Ang pagkakamali ay kumikilos tayo katulad ng maling
pangkat --- ang 90 porsiyento na hindi nagtagumpay.
Bakit ang mga taong ito ay umayon? Sapagkat wala silang kabatiran sa mga tunay na kaganapan sa kanilang mga kapaligiran. Kung anong uso, ginagaya. Kung ano ang kinahuhumalingan ng lahat, naroon ang paningin, panahon, at ginagawa na itong libangan. Masabi lamang na nakakariwasa din sila, kahit puro utang ang kanilang pamumuhay. Ang mga taong ito ay nanininiwala na ang kanilang mga buhay ay pinakikilos at bunsod ng mga pangyayari . . . ng mga bagay na nagaganap sa kanila . . . ay buong sanhi ng mga panlabas na puwersa. Sila ay mga taong tuwirang sumusunod sa kanilang natutunghayan, napapakinggan, at nararanasan mula sa iba. Idagdag pa rito ang nasagap na tsismis na sa paulit-ulit na pagkakalat ay nagiging makatotohanan na!
Ang taguri naman sa mga taong ito ay BALATKAYO ! Sapagkat nabubuhay naman sila sa mga pagkukunwari at pagpapakitang gilas sa kanilang mga kauri. May kumalabit sa akin at sinabing, IPOKRITO daw ang tamang palayaw! Kaya nga, magkapatid ang BALATKAYO at IPOKRITO, dahil iisa ang kanilang kulay.
Ang taguri naman sa mga taong ito ay BALATKAYO ! Sapagkat nabubuhay naman sila sa mga pagkukunwari at pagpapakitang gilas sa kanilang mga kauri. May kumalabit sa akin at sinabing, IPOKRITO daw ang tamang palayaw! Kaya nga, magkapatid ang BALATKAYO at IPOKRITO, dahil iisa ang kanilang kulay.
Bihira at iilan lamang sa ating mga kababayan ang nakatuon sa tunay na nakapangyayari sa lipunan. Napakalaki ng agwat ng mayayaman at mahihirap. Ilang pamilya lamang ang totohanang nagpapalakad, makapangyarihan, at may kontrol sa ating lipunan. Kapag may pagmamalabis, pananamantala, at mga kabuktutang nagaganap . . . iilan lamang sa atin ang nagpoprotesta at bumabatikos. Karamihan ay naghihintay na lamang na sila ang mabiktima at doon lamang sisimulan ang magpalahaw sa galit at ipakita ang kanilang mga pagtutol. Sila ay nananatiling tahimik, sinusupil ang damdamin, naghihintay, at patuloy na NAKIKIAYON.
Marami ang sa atin ang tulog, natutulog, at nagtutulog-tulugan sa lahat ng mga kaganapang ito. At ito ang nagiging pamantayan kung bakit marami sa atin ang laging nabibigo at hindi man lamang makatikim ng masasabing tagumpay sa buhay.
May idinaos na survey sa mga manggawa ng isang pabrika, nang sila ay tanungin ng, “Bakit ka nagtatrabaho? Bakit ka gumigising sa umaga?” Labing-siyam sa kanila sa kabubuang 20 ang walang mainam na ideya. Kung pipilitin mong tanungin ang mga ito, kadalasa’y ito ang kanilang simpleng kasagutan, “Eh, lahat naman tayo ay gumigising sa umaga, at pumapasok sa trabaho upang kumita ng pera!” At ito ang kanilang katuwiran kung bakit nila ginagawa ito---sapagkat kahit sinuman ay ginagawa ito. Ang kumita lamang ng pera ay tama na.
Ang tanong; Kumakain ka ba para mabuhay o ang mabuhay para kumain?
Ang tanong; Kumakain ka ba para mabuhay o ang mabuhay para kumain?
Ngayon, balikan natin ang kahulugan ng tagumpay.
Sino ang
nagtatagumpay?
nagtatagumpay?
Ang tangi lamang tao na nagtatagumpay ay ang taong makatotohanang pinauunlad ang isang makabuluhang lunggati.
Siya ang taong nagsasabing,
“Ako ay magiging ganito”
. . . at sisimulan kaagad itong isagawa
patungo sa lunggating ito.
I K A W --- at wala ng iba pa . . .
Kung mayroon tayong maayos, malinaw at simpleng lunggati, magagawa nitong mahagilap ang imahinasyon at mapatindi ang simbuyo ng damdamin. Wawasakin at tatagos ito sa anumang balakid na humahalang dito. Ito ang nakatakdang katotohanan na inilaan ng tadhana para sa iyo.
IKAW
. . . ngayon ay mayroong target o tutudlain;
sa lahat ng iyong mga gagawin.
IKAW
. . . ang tanging responsableng tao;
para gawin ito sa iyong sarili at mapatunayan sa mga resulta kung sino kang talaga. Sapagkat dito nakasalalay at makikilala ang iyong tunay na kakayahan at pagkatao---sa kalansing ng bulsa, sa dami ng mga nagmamahal sa iyo, sa mga kaibigan, at natutulungan, hindi sa pangangarap, mga palabok at maindayog na mga salita.
IKAW
. . . ay patuloy pang narito sa mundo; para makuha mo ang hindi mo pa nakakamit na kaunlaran at kaginhawaan sa iyong buhay, na kailangang gawin mo ang bagay na hindi mo pa ginagawa.
IKAW
. . .ang taong gumagawa at nakalilikha ng iyong mga pangarap;
at ikaw din ang kikilos para ito maisakatuparan. Ang mga bagay na sa iyong pagkakaalam na kapag iyong sinubukang gawin ay ikakatagumpay mo. Ikaw lamang at wala ng iba pa ang makagagawa nito.
IKAW
. . .ang kailangang mag-iisip para sa iyong sarili. At nagiging ikaw . . .
anuman ang iyong iniisip, saanman, kailanman, at magpakailanman!
Ito ang iyong magiging tunay na pagkatao sa tanang buhay mo.
Sapagkat ang iyong kaisipan ay tulad ng computer. Mayroon itong software na nagbubuo at nagbabalangkas ng lahat ng iyong iniisip at pag-uugali. Sa dami ng mga taong nakahalubilo ko sa maraming taon, natutuhan ko na karamihan ng problema nila ay sanhi ng negatibong programa na tumatakbo sa kanilang natutulog na kaisipan.
Sapagkat ang iyong kaisipan ay tulad ng computer. Mayroon itong software na nagbubuo at nagbabalangkas ng lahat ng iyong iniisip at pag-uugali. Sa dami ng mga taong nakahalubilo ko sa maraming taon, natutuhan ko na karamihan ng problema nila ay sanhi ng negatibong programa na tumatakbo sa kanilang natutulog na kaisipan.
Ngayon, ilan bang mga pagpili na kailangan mo upang magawang baguhin ang iyong buhay?
Anuman ang iyong piliin, panatilihin lamang na ang mapait na nakaraan ay tuluyang limot na; at harapin ang mga totohanang mga posibilidad sa iyong ikauunlad at ikaliligaya.
Ang Tagumpay ay ----
-ang guro na magiliw na nagtuturo sa paaralan;
sapagkat ito ang kanyang pangarap at hangarin niyang gawin.
-ang babae na isang maybahay at ina;
sapagkat nais niyang maging ulirang maybahay at ina na
masuyong ginagampanan ang kanyang tungkulin.
masuyong ginagampanan ang kanyang tungkulin.
-ang tindera na nais maging pangunahing tagapagtinda;
upang makatulong na mapaunlad ang kanilang negosyo.
-ang lalaki na sumanib sa sandatahang lakas bilang sundalo; sapagkat nais niyang maging tagapagtanggol ng sambayanan.
-ang estudyante na masigasig sa kanyang pag-aaral;
sapagkat nais niyang maging doktor at makapaglingkod sa mga kanayunan.
. . . at IKAW rin, matapos mong mapagbulay-bulay ang lahat ng mga kaganapan nangyayari sa iyong buhay at nagpasiyang simulan na ang makabuluhang lunggati na sadyang nakatakda para sa iyo; PARA GANAP KANG LUMIGAYA . . . MAGPAKAILANMAN!
. . . at marami pang iba na gumagawa ng malaking kaibahan upang magkaroon tayo ng isang matiwasay at maunlad na lipunan.
. . . at IKAW rin, matapos mong mapagbulay-bulay ang lahat ng mga kaganapan nangyayari sa iyong buhay at nagpasiyang simulan na ang makabuluhang lunggati na sadyang nakatakda para sa iyo; PARA GANAP KANG LUMIGAYA . . . MAGPAKAILANMAN!
Sa halip na makipagtagisan kung sino ang magwawagi;
ang kailangan lamang nating gawing lahat ay ang lumikha!
Sinuman ay isang tagumpay kung tahasang ginagawa niya ang kanyang itinakdang gawain, sapagkat ito ang ipinasiya niyang gagawin . . . nang tahasan. Subalit 1 lamang sa kabubuang 20 ang nakakagawa nito!
Kaya nga kung bakit sa ngayon ay tuluyan ng naglalaho ang kumpetisyon, o ang pagiging malikhain natin. Namamayani na lamang ang pauli-ulit na sistema, na pinatungan lamang ng munting dekorasyon o palabok ay tama na, . . . at bago na sa mata. “Puwede na 'yan!" "Sige na, wala namang nakakakita o nakakaalam!" Kahit peke ito, puwede na rin kaysa wala.” Mga pamatay ng pag-asa at walang katiyakang pamumuhay ang mga ito.
Sa maraming trabaho na aking pinasukan, sa mga pagkakamali at mga kabiguan na aking naranasan, at higit doon sa aking mga napagtagumpayan . . . napatunayan ko na mayroong mahalagang susi na makapagbubukas ng kaisipan upang makamit ang tagumpay nating inaasam.
Ito ang kalutasan na kailangang maitanim sa ating isipan at wagas na maisapuso;
ang mahalagang susi;
ang mahalagang susi;
Ang mga tao na may mga makabuluhang lunggati ay nagtatagumpay sapagkat nalalaman nila kung saan sila patungo.
Marami ang nagtataka kung bakit may mga tao na subsob sa maghapon sa kanilang mga trabaho at buong katapatang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, subalit kailanma’y hindi magawang maiangat o mapabuti ang kanilang buhay, samantalang ang iba naman na pahapyaw lamang ang paggawa at kadalasan ay naglilibang kasama ang pamilya; ay patuloy na umuunlad at gumiginhawa pa sa buhay? Na tila mayroon silang mahiwagang panghaplos. Nadinig na natin ang mga katagang, “Anumang bagay na kanyang mahawakan ay nagiging ginto (kumikita).” At kapansin-pansin din na ang mga taong nagtagumpay ay sadyang patuloy na lalong nagiging matagumpay---at, ... sa kabilang panig naman, mapapansin din na ang mga taong nabigo ay sadyang patuloy na nabibigo anumang larangan ang kanilang pasukin?
Ito ang katotohanan, ang namamagitan dito ay ang pagkakaroon ng mga lunggati. Napakasimple lamang, ang mga tao ay nagwawagi at matagumpay; sapagkat alam nila kung saan sila patungo.
Sa paglalarawan; Isipin na mula sa piyer ang isang barko ay maglalayag sa karagatan. At isipin din na ito ay inihanda ang lahat ng gagamitin at may kumpletong plano sa gagawing paglalakbay. Ang kapitan at mga tripulante ay eksaktong alam kung saan patutungo ang barko at gaano katagal ang magiging biyahe nito---mayroon itong tuwirang lunggati. At 9,999 na beses mula sa 10,000,--- ito ay makakarating sa kanyang patutunguhan.
Ngayon, umisip pa tayo ng isa namang barko---katulad ng nauna---mula sa piyer o pantalan ay maglalayag din ito sa karagatan, kaya lamang. . . wala itong mga tripulante, o maging kapitan na mamamahala dito. Wala din itong direksiyon, walang lunggati, at walang destinasyon. Paandarin lamang natin ang makina at hayaan na itong maglayag ng kusa niya. Nakakatiyak ako na ikaw ay papayag na kahit man ito’y makalabas ng pantalan, maaari itong bumangga, lumubog, o mapadpad sa isang mabatong dalampasigan---bilang nasirang barko. Hindi ito makakarating sa pupuntahan, sapagkat wala itong destinasyon at patnubay. Kundi ang anurin at saklitin lamang ng nag-aalimpuyong mga alon ng karagatan hanggang sa ito’y mawasak.
Ganito din ang nagaganap sa isang tao kapag hindi nalalaman ang kanyang patutunguhan. Ang manatiling bigo at dumanas ng mga bagabag at kapighatian sa tuwina. Kapansin-pansin sa kanila ang pagiging malungkutin at mayamutin, maingay at padalos-dalos, at laging humihingi ng atensiyon (pansinin mo naman ako) sa tuwina sa dahilang wala silang kabatiran sa pagitan ng kung ano ang mahalaga at walang katuturan.
Ang buhay ay madalas na inihahalintulad sa isang laro. Dangan nga lamang hindi ipinapaalam sa atin kung papaano ito lalaruin o kung papaano ang magwagi para dito.
Kaya napakahalaga para sa atin na malaman ang susi ng tagumpay at kaagad na isagawa ito. Yakapin at panatilihing bukas ang kaisipan bilang mag-aaral ng buhay. Dahil ang iyong buhay ay nakasalalay dito.
Pakalimiin lamang itong mabuti . . .
ISA LAMANG!
Ngayon, ilan bang mga pagpili na kailangan mo upang magawang baguhin ang iyong buhay?
ISA LAMANG!
. . . isa lamang kapasiyahan
na magagawang baguhin ang iyong buhay magpakailanman!
At ang pinakamahalaga . . .
. . . ay KUMILOS KA!
Tandaan . . .
bukas ay isang sariwa, malinaw, at tigib ng pag-asa . . .
at ang iyong imahinasyon ay walang hangganan.
B A K I T ?
Sapagkat ikaw ay lagi lamang mayroong isang kapasiyahan
para baguhin ang iyong buhay!
Magpasiya
Lumilitaw ang iyong pagkatao sa mga desisyong iyong ginagawa. Ang direksiyon ng iyong buhay ay nagbabago sa sandaling nagpasiya ka kung anong makabuluhang lunggati ang iyong gagawin.
Alam mo bang sa sandaling itinuon mo ang iyong kaisipan, puso, at kaluluwa, ang iyong mga pagkilos patungo sa iyong makabuluhang lunggati ay nagiging mistulang batubalani ito na humahatak sa iyo at humahalina sa mga tao at mga kaganapan na sama-samang tumutulong sa iyo upang ito’y matupad?
Ang disiplina ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng lunggati at tagumpay.
Hindi natin makukuha ang anumang bagay na kailanman ay hindi napasaatin, hangga’t wala tayong hangarin na gawin ang anumang bagay na kailanman ay hindi natin ginawa.
At lalong mahalaga sa lahat; kailanman, ang ating mga pangunahing problema ay hindi magagawang lunasan o mapagtagumpayan ng katulad ding mga kaisipan nang ating likhain ang mga ito.
Upang malunasan ang ating mga alalahanin, mga bagabag, at pagkatakot . . . kailangan natin ang mabilisang pagbabago sa ating kaisipan----ang pagkakaroon ng makabuluhang lunggati para makamit ang hinahangad na tagumpay!
At lalong mahalaga sa lahat; kailanman, ang ating mga pangunahing problema ay hindi magagawang lunasan o mapagtagumpayan ng katulad ding mga kaisipan nang ating likhain ang mga ito.
Upang malunasan ang ating mga alalahanin, mga bagabag, at pagkatakot . . . kailangan natin ang mabilisang pagbabago sa ating kaisipan----ang pagkakaroon ng makabuluhang lunggati para makamit ang hinahangad na tagumpay!
Ang tagumpay ay ang kakayahan na gawin ang tatlong pagkilos na ito;
Una; Alamin ang oportunidad o pagkakataon.
Pangalawa; Magsagawa ng plano at mga estratehiya na bumabalangkas
at nagtataguyod sa oportunidad.
Pangatlo; Pagyamanin ang kinakailangang kakayahan upang mahalagang
maisagawang maayos ang mga estratehiyang ito.
maisagawang maayos ang mga estratehiyang ito.
Panatilihin lamang sa iyong kaisipan, puso, at kaluluwa ang iyong makabuluhang lunggati at saksihan ang pinakamakapangyarihang pagbabago sa iyong buhay.
At siyanga pala, Walang kinalaman kung saan ka nanggaling,
ang mahalaga lamang ay kung saan ka patungo.
At ang sanlibutan ay patuloy na makikiisa sa iyo
upang ang lahat ng ito’y maging katuparan!
-------Doon sa magigiting at matiyagang sumusubaybay ng blog na ito na may katapangang tuklasin ang kanilang mga pangarap, isang natatanging handog ang pahinang ito para sa inyong TAGUMPAY!
Ang paksang ito ay malaki ang maitutulong sa iyo na magsagawa ng malinaw at tiyak na lunggati, isaayos ang iyong saloobin, tanggapin ang pagbabago, mamuhay na tigib ng pasasalamat, at makagawa ng kaibahan kailanman at saanman na makakaya mo.
Ang pagpapahalaga ay isang regalo na magagawa mong maibigay kaninuman na iyong nakakaharap o kinagigiliwan---narito ang kabubuan ng iyong kapasiyahan. At sa bawa’t pagkakataon na nagpapasalamat ka sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga piling-pili na mga paksang narito, nakakagawa ka ng kaibahan sa araw na ito, gaano man ito kaliit ay may kalalagyan din.
Kung nakatulong sa iyong kaalaman ang paksang narito, mangyari lamang po na kopyahin, ibahagi at ipaalam ito sa iba. Isa itong dakilang patnubay na maibabahagi (Facebook, Twittter, etc.) mo rin sa iyong mga kaanak, kaibigan, kasamahan sa trabaho, at malalapit na kakilala.
Maraming Salamat Po!
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment