Pasiglahin ang iyong buhay sa bawa't araw nang buong maghapon.
Nang
magising ka kaninang umaga, naging masaya
o malungkot ka ba?
Ito
ay isang PAGPILI na kailangan mong
magawa sa bawa’t araw na regalo sa iyo . . .
at kung
papaano mo sinisimulan ang araw na ito
ay nakokontrol
mo at napapaganda ang iyong maghapon.
Kaya
samantalahin ang pagkakataon na ito na itaas ang iyong mga ispirito at pagaanin
ang iyong mga dalahin . . .
Ang pasiglahin
ang iyong buhay sa bawa't araw nang buong maghapon.
Narito
ang ilang kamalayan na makapagsisimula nito:
Tungkol sa Saloobin:
Ang
pinakadakilang pagkatuklas na lubusang maintindihan ang kapalaran; ay ang magawa
ng isang tao na baguhin ang kanyang buhay, sa pamamagitan ng pagbabago ng
kanyang mga saloobin sa isipan.
Tungkol sa Pagbabago ng Iyong Buhay – Sa Araw na ito:
Tumingin
sa bawa’t bagay.
Pag-ibayuhin
ang pagmamasid.
Alamin ang magagawa.
Pagyamanin
nang bahagya.
Tungkol sa Pag-ibig
Ang
pinakamahalagang sangkap sa kaligayahan sa buhay na ito ay mga bagay na
magagawa, mayroon kang minamahal, kakayahang makapaglingkod, at mga bagay na inaasam.
Tungkol sa Iyong Gulang:
Hindi
pa huli na magawa mo ang nais mong pagkatao para sa iyo.
Tungkol sa Kasawian:
Sa
gitna ng mga kasawian, nakalatag at naghihintay ang mga pagkakataon.
Tungkol sa Kasiglahan
Napakahalagang
maintindihan na mapipili mong makadama ng kaginhawaan. Karamihan sa mga tao ay
hindi nalalaman na may kapangyarihan silang makapili.
Tungkol sa Pasasalamat:
Habang
ipinadarama natin ang ating pasasalamat, kailanman ay huwag nating kalimutan na
ang pinakamatayog na pagpapahalaga ay hindi ang mga binibigkas na mga kataga,
bagkus ang ipamuhay ang mga ito.
Tungkol sa Panahon:
Isang
taon mula ngayon, nanaisin mong sana’y nakapagsimula ka sa araw na ito.
Tungkol sa Kaligayahan:
Ang
kaligayahan ay wala sa mga bagay, sa mga pook, at mula sa ibang tao; nasa mga
puso natin ito.
Tungkol sa Takbo ng Buhay:
Magtiwalang
puntahan ang direksiyon ng iyong mga pangarap.
Isakatuparan
ang iyong mga imahinasyon.
Ipamuhay
ang buhay na iyong naiisip.
At tamasahin ang kaganapan ng iyong Kaluwalhatian.
Tungkol sa Maaliwalas na Buhay:
Ang
iyong mga Kaisipan, Kamalayan,
Kabatiran,
Katotohanan, Kaligayahan,
Kapayapaan,
ay buod ng iyong KALUWALHATIAN.
Ito ang dalisay at wagas mong buhay.
Hindi
sa panlabas mo ito tignan,
kundi
sa kaibuturan ng iyong puso.
Ito
ang sapat at siyang pinakamahalaga.
Simulang
itama at pasiglahin na ang araw na ito.
Ito
ay isang regalo at tanging para sa iyo.
Ano pa ang hinihintay mo?
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment