Thursday, May 14, 2020

MAGBAGO na Tayo Bago pa Mahuli ang Lahat


Nasa Pagbabago lamang makakamtan ang tunay na kaunlaran at ang minimithing kaganapan. At marapat lamang na ang pangunahing layunin ng bawat isa sa atin ay tahasang PAGBABAGO. Hanggat hindi natin tinatanggap ang katotohanan na ang lahat ay nagbabago at binabago, hindi kailanman mapapanatag ang ating mga sarili. Ang panahon ay nagbabago at hindi ka nito hihintayin. Sa ayaw at nais mo ikaw ay MABABAGO.