Thursday, November 26, 2015

Para sa PAGBABAGO: DUTERTE TAYO

Duterte saying what voters want to hear

 (The Philippine Star) |
“Unlike in most seaside cities, our fish in Davao are chewy – because they eat people – criminals thrown into the waters. Why bury them, when the stink will lead to discovery of the corpses?”
“A man being scolded will hold his balls. It’s primordial instinct, to protect his means to transmit his genes from his generation to the next. Whenever I need to discipline lawbreakers, I point my gun to their groin. Invariably they mend their ways.”
“Why are foundlings always left by the church door? Because they’re children of the priests, that’s why.”
“I’m too old and lazy to work 25 hours a day, eight days a week, as President. The pay is low. Meals would be free, but then I own an eatery. Still there’s a call for me to serve, and I want to do something significant for the country.”
“I warn criminals: you do not have a monopoly of evil. I can be cruel, although I don’t need to be.”
Such words turn Filipinos on or off with presidential wannabe Rodrigo Duterte. The eight-term mayor of Davao City made some frown but most laugh, some leave but most stay at a forum this week with a group of professionals. Voters might see in him a madman who brags about murdering crime suspects, or a provincial simpleton way out of his league in national politics. But more view him as savior of this blighted land. Two weeks ago on the eve of reentering the presidential race, he zoomed past four earlier aspirants in a survey of Metro Manilans. One in three, 33 percent, liked his tough talk against crime and abuse. That could well be the trend in Greater Manila, or the so-called Lingayen-to-Lucena Corridor, where resides nearly half the voting population.
Opinion ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
   It’s what he’d do to criminals that voters prefer to hear more from Duterte. They want him to rid the country of crime the way he did to Davao City. “I’ll start with the drug lords,” he says. Drugs not only lead to other crimes against persons and property, but also corrupts officials. With what he’d do to narco-traffickers, Duterte says he’d surely go to prison after his presidential term. Then there’s kidnapping for ransom, which “has become a cottage industry.” He would send the Army Scout Rangers after the abductors with orders to level their lairs, “with no banana tree left standing.”
Abusers of authority would be treated with no mercy too. There is no “tanim-bala” extortion racket in Davao, Duterte says, because they know he would make them eat the bullets they plant on shakedown victims. One time a tricycle driver cried to him about being bullied by the passenger barker. Duterte reportedly ordered the latter at gunpoint to swallow all the coins he had collected that day. The next morning he checked with the city hospitals if anyone had died of metal ingestion. “I sighed in relief that there was none,” he recalls.
   Being once a city prosecutor, Duterte knows that the justice system as it is does not work. The five supposed Pillars of Justice are so weak, it’s a wonder it hasn’t collapsed yet, he says. “Law Enforcement is weak because top-heavy,” he notes. “The National Police has 148 generals – too many, that it’s like a general merchandising. I can make do with only 60.” Too many rules tie down the Prosecution, he adds, and the Courts are bribable. He need not expound on the Correctional: lurid are news about Very Important Prisoners manufacturing meth in cottages, guarded by lower convicts with assault rifles. The will of the Community has been sapped, Duterte laments.
   Duterte promises to change all that. “I will not prolong anymore the agony of the people in the past 18 years under three Presidents,” he vows. And if Congress disagrees with him and tries to impeach him, he says he would dissolve it and declare a revolutionary government. “If Cory Aquino could do it, so can I,” he deadpans, referring to the post-Marcos period of constitutional rewriting and administrative purging.
   The man takes care not to overpromise. “Crime I can solve, but traffic gridlock on EDSA is unsolvable,” Duterte says. “Perhaps we should use the Pasig River.”
“I will not lie because I have no obligation to,” he adds. “I am always so vocal, especially against crime, because you cannot scare criminals if you do things in secret.” The only problem left with his candidacy, he says, is money – “because I cannot bring myself to ask other people for money.”

Wednesday, November 18, 2015

AKO Mismo

Walang higit na magmamalasakit at wagas na magmamahal sa Pilipino kundi ang kanyang mga kapwa Pilipino. Napatunayan na ito ng ating mga bayani, na walang maaasahan sa mga banyaga at mga tagasunod nito kung palagi na lamang maghihintay sa kadiliman. Kinakailangang mula sa iyong sariling pawis at dugo makakamtan lamang ang tunay na kalayaan.
   Kung nais mong maging malaya at magampanan nang tuluyan ang iyong mga sagradong karapatan, bilang tunay na mamamayan ng Pilipinas, at hindi maging alila at palaboy ng lansangan, panindigan mo ang iyong tunay na pagka-Pilipino. May dugong kayumanggi, matapang, at nakahandang ipaglaban ang mga makataong karapatan, kaninuman, saanman, at magpakailanman.

Bilang AKO, ikaw, siya, at tayo, lahat ay magkakasama, walang iwanan at handang magpakasakit alang-alang sa bayan.

Ipalaganap natin ang pagmamahal sa kapwa Pilipino sapagkat . . .
Ang mga kabatirang Pilipino ay lumalaganap lamang kung ang mga ito’y pinagtutulungang palaganapin ng mga kapwa Pilipino na may pagmamahal at pagmamalasakit sa kanyang pinanggalingan, kasaysayan, at kinabukasan.
1Nais kong ipaalam ng AKO, ikaw, sila at tayo ay mga Pilipino rin at tunay na nagmamahal sa ating sariling bayan.
May paninindigan tayo, bilang AKOAlay sa Karapatdapat na Opisyal
2-      sapagkat mayroon AKOng isang lahi, isang wika, isang kapatiran, at isang bansa.
3-      sapagkat lagi kong nararamdaman na AKO’y may tungkuling nararapat gampanan para sa ikakapayapa at ikakaunlad ng aking bansa.
4-      sapagkat nais kong ipagbunyi at ipagmalaki na AKO ay mula sa diwang kayumanggi.
5-      sapagkat dito ko lamang maipapakita na AKO’y nakikiisa sa mga adhikaing maka-Pilipino.
6-      sapagkat batid ko na Pilipino lamang ang higit na makauunawa sa kapwa niya Pilipino.
7-      sapagkat sa pamamagitan lamang ng pagkakaisa, magkakaroon ng pagbabago sa aking bansa.
8-      sapagkat naniniwala AKO na ang pakikiisa sa mga adhikain maka-Pilipino ay pagiging makabayan.
9-      sapagkat pinatutunayan nito na AKO’y may kasaysayang natatangi at maipagmamalaki sa buong daigdig.
10-   sapagkat nais kong malaman ng lahat kong kababayan na may mga adhikaing nakikipaglaban para ating mga karapatan at kapakanan.
11-   sapagkat ang aking mga kaibigan, kaanak, at kakilala ay makikinabang kung malalaman nila ito.
12-   sapagkat kung ang lahat ng Pilipino ay magmamahal sa sariling bayan, patuloy ang ispirito ng bayanihan saan mang sulok ng ating kapuluan at maging sa buong mundo.
13-   sapagkat marami na ang nakalilimot at hindi maunawaan ang kahulugan ng pagkakaisa at ispirito ng bayanihan para sa kaunlaran ng ating bansa.
14-   sapagkat dito ko lamang mapapatunayan na AKO’y may karapatan na tawaging Pilipino.
15-   sapagkat naipapakilala ko na may sarili AKOng lahing Pilipino na lubos na nagmamahal sa akin.
16-   sapagkat pinalalakas nito ang aking pagtitiwala sa sarili na mayroon AKOng pinanggalingan, pupuntahan, at mauuwian sa lahat ng sandali.
17-   sapagkat mayroon AKOng mga magigiting at dakilang bayani na nakipaglaban para sa aming Kasarinlan.
18-   sapagkat ikinagagalak ko at inaanyayahan ang lahat sa likas na kagandahan ng ating kapuluan.
19-   sapagkat nagmamalasakit AKO sa kapakanan at kaunlaran ng aking sambayanan.
20-   sapagkat ang tagumpay ng kapwa ko Pilipino ay tagumpay ko rin. At ang kanilang kapighatian ay pagdadalamhati para sa akin.
21-   sapagkat nais kong magkaroon ng pagbabago, kapayapaan, at kaunlaran sa aking bansa.
22-    …sapagkat kung hindi AKO tutulong, sino ang makakatulong naman sa akin, kapag AKO’y nangailangan ng tulong? Higit na makauunawa ang kapwa ko Pilipino kaysa banyaga na walang kabatiran sa aking bansa.
23-   …sapagkat nais kong matupad ang aking pagiging ganap na Pilipino.
24-   sapagkat bilang Pilipino, maipapahayag ko kung sino ako, ano ang aking mga naisin, at kung saan ako patungo. Hindi ko matatanggap ang pagiging Pilipino kung wala akong pakialam sa mga kaganapan ng sarili kong pamayanan.
25-   sapagkat ang lumilingon sa pinanggalingan ay makakarating sa paroroonan.

26-   sapagkat magagawa kong makiharap at makipagsabayan kahit sinumang banyaga, kung iginagalang at inuuna ko ang aking sariling bansa. Hindi ang gumagaya, nangungopya, at nagpupumilit na maging katulad nila.
27-   sapagkat sa anumang larangan na aking ginagawa, isang katangian ang kabatiran kung AKO ay tunay na Pilipino.
28-   sapagkat nagdudumilat ang katotohanan; sa anyo, kulay ng balat, hugis ng ilong, at punto ng aking pananalita na AKO ay tunay na Pilipino.
29-   sapagkat kahit na AKO ay bawalan, takpan, itago, at supilin, lilitaw pa rin ang aking pagiging Pilipino. Kailanma'y hindi ko ito maitatatwa o maipagkakaila sinuman ang kaharap ko.
30-   sapagkat mula sa kaibuturan ng aking puso, kaisipan, at kaluluwa, AKO ay tunay na Pilipino.
31-   sapagkat ang magmamahal lamang nang higit sa Pilipino, ay ang kapwa niya Pilipino
Kaya bilang Pilipino tumutulong AKO sa pagpapalaganap ng mga katutubo at kabatirang Pilipino. Lumalaban at handang magpakasakit alang-alang sa Inang-bayan. At malaki ang ating paniniwala, maraming mga Pilipino kahit saan mang panig ng mundo ang nakikiisa at nagtataguyod para dito. 
SAPAGKAT may pagmamahal at pagmamalasakit tayo sa pagiging PILIPINO, sa ating SAMBAYANAN, at sa bansang PILIPINAS, ang Perlas ng Silangan.
 MABUHAY TAYONG LAHAT!

Wednesday, November 11, 2015

Haplos-personal



Ang hanapin ay respeto, hindi ang atensiyon.
Pagmamahal. Koneksiyon. Kapayapaan. Kaligayahan.
Tayo ay mapaghanap nang higit pa sa ating buhay. Lalo na doon sa mga bagay na higit na magpapasaya at pumapayapa sa ating kalooban. At kahit na mayroon tayong mga paraan na makipag-ugnay sa iba, ang maabalang paghila ng sosyal media (facebook, twitter, instagram, atbp.) at teknolohiya ay madalas na nag-iiwan sa atin ng pakiramdam na kulang pa ang koneksiyon, kulang ang kasiyahan, kulang ang relasyon, at pahapyaw lamang ang pagmamahal.
Bakit?
Sapagkat kinukulang ng haplos na personal. Mga bagay na nagagawa lamang nang harapan, nakikita, nahahawakan, nayayakap, at napaglilingkuran. Ito ang mga pagkilos na nakapagbibigay ng maaliwalas na koneksiyon, para sa ating mga sarili, sa ating mga mahal sa buhay, sa ating mga kaibigan, mga kasamahan at maging sa mga estranghero sa araw-araw.
   Kahit na tayo ay abala sa sosyal media;
     Huwag nating kalimutan na ngumiti, at bigkaisn ang "Magandang umaga" sa bawat isa na makakasalubong para masinulang masigla ang maghapon na positibo ang enerhiya. Walang mawawala at may pakinabang pa kung bibigkasin nang harapan ang, "Maraming salamat."
     Huwag nating sayangin ang araw na ito na walang haplos ng tawanan at kasayahan. Ang tumawa ay medisina.
     Huwag nating kaligtaan na tumawag o mag-email sa mga mahal natin sa buhay at mga kaibigan. Ang simpleng pangungumusta ay nag-iiwan ng makabuluhang ugnayan at ikakapayapa ng ating kalooban. Bagay na hindi pinahalagahan ikaw ay iiwanan.
     Huwag nating palipasin ang mga sandali na hindi tayo nakakatulong sa pangangailangan ng  iba. Ibigay muna bago makuha.
     Huwag tayong lubhang magpagumon o mawili sa sosyal media at masidhing nakapokus sa selpon.
Lahat tayo ay nakadarama hindi lamang ng koneksiyon, kundi sa mga bagay na nakapag-iiwan ng malalim na pagtanggap at pagpapahalaga; ang maalab na pakiramdam ng matalik na pakikiisa, pagdadamayan, at pagmamalasakit sa isa't-isa: na nagagawa lamang ng haplos-personal.  

jesseguevara
wagasmalaya.blogspot.com

Hindi Matagpuan



Kapag nalilito, ...katiyakan ito na hindi ka nakapokus.
Hindi ba taliwas at nakakasuyâ na... tayong lahat dito sa mundo ay bilyung-bilyon ang bilang, na anumang sandali ay may mabilis na paraan, isang pindot lamang... at sa isang iglap lamang ay kunektado ka na sa sosyal media, ngunit nakadarama tayo ng kakulangan pa, na tila hindi tayo nakakonekta sa isa't-isa. Mayroon pang hinahanap na hindi matagpuan? Kung hindi pisikal, o emosyonal, lalo na kung ispiritwal ang pakiramdam.
   Tayo ay kumukolekta ng mga kakilala sa internet na tila barya na nakakalat sa lamesa, sa parehong paraan, ngunit tila kulang pa at tila hindi mahalaga. Parang nagpapalipas lamang ng oras sa pagkabagot at may tinatakasang iba. Oo na nga, at marami ang natutuwa, sabay pindot ng "like" dito at doon, at marami ang sumusubaybay kaysa iyong komento o panibagong balita sa umaga, sa iyong agahan, sa iyong berdey, sa dinaluhang pagtitipon, o sa iyong unikang bunso, o bagong-silang na sanggol, at isang simpleng selebrasyon, atbp. Subalit sa lahat ng ito, para naman parehas, nasaan ang mahalagang ugnayan? Yaong mga bagay na malalim, makahulugan at makabuluhan na ugnayan. At higit pa sa lahat, kung patungo ito sa iyong pag-unlad para maging masagana at maligaya sa buhay.
   Marami sa atin na patuloy ang pagdami ng mga taga-subaybay, ng mga komentaryo, mga papuri o mga pagpuna man ito, subalit matapos ito... paano na? Kapag hindi na nakaharap sa computer o hawak pa ang selpon? Naroon muli tayo kung saan tayo nagsimula... ang maghanap ng ikakapayapa ng kalooban para lumigaya. 
   Lahat tayo ay nahahangad hindi lamang ng koneksiyon, kundi ng atensiyon at validasyon, ang matanggap at pahalagahan ng iba. Kailangan natin na maramdaman na may mga tao na nariyan sa ating tabi, na may pagdamay, may pagmamalasakit at pagmamahal. Ipinaglalaban ka at walang iwanan. Ito ang higit nating mga kailangan para lalo tayong maging masigla sa pagharap sa buhay. Ano nga ba ang talagang hangad natin sa sosyal media? Ang panandaliang aliwan, o ang matagalang makabuluhan para sa ating kapakanan?
Anuman ang piliin mo dito, narito ang iyong kapalaran. Kasalatan o Kasaganaan? Kahirapan o Kaunlaran? Kapighatian o Kaligayahan?
... at may narinig ako sa kabilang silid, "Ah...ewan, basta nakaharap ako sa computer, o may hawak akong selpon, maligaya na ako. Wala akong pakialam sa iba."

Amen.
jesseguevara
wagasmalaya.blogspot.com

Mailap na Kaligayahan

Sinuman ay nangangailangan ng bahay upang matirhan, subalit ang matulunging pamilya ang siyang nagpapatibay ng tahanan.


Sa gulang kong ito, at sa buong buhay ko, ang lahat ng aking kalakasan ay nakatuon kung papaano ko mapagbubuti ang aking mga kaalaman at mga kakayahan. Bawat sandali ay mahalaga at nakapokus palagi sa pag-unlad ng aking sarili at mga pagkakataon sa aking paligid. Sa dahilang iniisip ko, para ako pahalagahan ng iba kailangang paghusayin at paunlarin ko ang aking sarili.
   Subalit sa maraming panahon na pagpupumilit na makilala ako, upang lingunin at bigyan ako ng atensiyon at pagpapahalaga, sa mga nagdaang paninikis at pagtitipid na makaipon pa, kung minsan ay pagpapabaya sa aking sarili na makagawa pa sa ikasisiya ng iba, naroon pa rin ang mga kakulangan, mga pagpuna, at mga kapintasan. Sadyang hindi mo mapapasaya nang tuluyan ang puso ng iba. Sapagkat mayroon din silang hinahanap na hindi matagpuan; ang mailap na kaligayahan.
   Napatunayan ko ang tudyò o panunuyâ: Hindi ko kailangan ang iba o magpunta pa sa malayo para lamang makuha ang nais ko. Ang mahusay at mabisang paraan lamang ay matutuhan kong tanggapin kung sino ako ay tindigan nang puspusan ang aking kinatatayuan. Ito lamang ang sekreto, para pumayapa nang lubusan ang aking mga bagabag at mga kalituhan.
Bakit po?
Sapagkat ngayon, sa mga sandaling ito... habang ako ay nakapukos sa sosyal media at pindot dito at pindot pa sa aking selpon o computer, ... kailangan ako ng aking pamilya, ng mga kaibigan na naghihintay, ng mga kasamahan na kailangang tulungan, at mga kaanak na may pangangailangan. Maraming bagay na mapaglalagyan ng aking makabuluhang sandali, kaysa nakapukos lamang ako sa aking sarili at sa panandaliang aliwan na walang kapupuntahan kung wala rin lamang na maitutulong ito para sa kapakanan ng aking mga mahal sa buhay.
Bakit nga ba hindi?
Marami akong pagmamahal at kailanma'y hindi ito mauubos, kung lagi lamang na naghahanap ako ng mababaw na kaligayahang ibibigay sa akin ng iba. Ang kailangan lamang ay harapin ko nang nakabukas ang aking isipan, na walang katapusan ang mga bagabag kapag naghahanap ako ng pagmamahal na hindi ko naman ibinibigay.
jesseguevara
wagasmalaya.blogspot.com

Kakilala ba Kita?

Ang lalim ng pagkakaibigan ay hindi nakadepende sa haba ng pagkakakilala.

Bawat isa sa atin ay nagnanais na matagpuan ang sarili kung sino nga ba tayo at maramdaman na, ... mahalagang bahagi tayo ng mundo. Hindi bilang isang tao na kumakain lamang para mabuhay at nabubuhay para kumain lamang. Kundi ang madama natin ang pagtanggap at pagpapahalaga ng ibang tao, hindi lamang makilala ang ating mga kahusayan at mga pagtulong na nagagawa, bagkus kasama na rin ang ating mga kakulangan at mga kapintasan. 
   Hindi mo mahahawakan ang dulo ng isang patpat nang hindi maisasama ang kabilang dulo nito. Hindi mo makukuha ang iyong asawa nang hindi kasama ang mga kaanak nito. Hindi mo makakain nang buo ang isda, nang hindi aalisin ang lamang-loob at kaliskis nito, o ang saging kung kasama pati ang balat. Anupat lahat ng bagay ay may puwing na kalapat. Walang bagay dito sa mundo na kapag kinuha mo ay perpekto at kumpleto, kahit papaano ay may kapintasan ito.
   Bawat isa sa atin ay may hangaring maglaan ng panahon at makapagtatag ng mabuting relasyon. Sino ba sa atin ang ayaw na magkaroon ng matalik na kaibigan? Ng mapagmahal na asawa? Ng masunuring anak? Ng mabait na kapatid, kaanak, at kasamahan? At sinuman sa atin ay makakayang magawa ito, kahit na simple, karampot, at kalabit lamang. Basta iparamdam na may atensiyon ka at pagpapahalaga sa iba. Nariyan ang itaas ang kilay o kindat mo upang ipakita ang iyong pagsang-ayon o pagpayag. Nariyan ang pagngiti na nagpapahiwatig ng iyong pagkagiliw at kagalakan. Nariyan ang pagyakap mo na nakapagbibigay ng ginhawa. Nariyan ang paghaplos mo na nagsasabing narito ako sa tabi mo, at hindi kita kailanman iiwan. Nariyan ang pag-akbay bilang pagpapatunay na ipaglalaban mo siya. At marami pang iba... kung masigasig kang talaga na ipakilala ang iyong sarili para sa mabuting relasyon ay magagawa mo at madali lamang ito.
Kung sadyang gagawin mo.

jesseguevara
wagasmalaya.blogspot.com