Busilak -Pabatid Tanaw
Bayanihan -Ang Kapatiran
Batingaw -Pag-uulat sa Bayan
Balangay -Hanapbuhay, OFW
BayaniJuan (Turismo)
Mga Rehiyon at mga Lalawigan
Bantayog -Mga Bayani
Mga Pangulo ng Pilipinas
Mga Larawan ng Kasaysayan
Kulturang Pilipino/Filipiniana
Balangay -Hanapbuhay, OFW
BayaniJuan (Turismo)
Mga Rehiyon at mga Lalawigan
Bantayog -Mga Bayani
Mga Pangulo ng Pilipinas
Mga Larawan ng Kasaysayan
Kulturang Pilipino/Filipiniana
Banyuhay -Literaturang Pilipino
Mga Sanaysay
TIP (Tanging IsangPilipino)
Samutsari
Balangkas -Talahuluganan
Mga Kawikaan at Salawikain
Mga Parunngit at Bugtong
Mga Parabula at Alamat
Bungisngis -Patawanan
Balanga -Pagkaing Pilipino
Bulwagan -Sining Kayumanggi
Bathala -Taimtim na Pananalig
Mga Sanaysay
TIP (Tanging IsangPilipino)
Samutsari
Balangkas -Talahuluganan
Mga Kawikaan at Salawikain
Mga Parunngit at Bugtong
Mga Parabula at Alamat
Bungisngis -Patawanan
Balanga -Pagkaing Pilipino
Bulwagan -Sining Kayumanggi
Bathala -Taimtim na Pananalig
Ang pagkakaroon ng ADHIKAIN sa buhay ang nagbibigay ng kahulugan
upang tayo ay mabuhay.
upang tayo ay mabuhay.
Kinapapalooban ng mga natatanging kuwento ng buhay,
mga inspirasyong kapupulutan ng mabisang pag-aaral, at mga makabuluhang
kaalaman sa pagpapatibay ng kapasiyahan sa pagpili. Buong pusong
isinulat at inilathala para doon sa mga nagnanais na magkaroon ng
makahulugang pagbabago sa buhay--- na may matayog na ambisyon,
kumakandili sa mga kalahi, at nagmamalasakit sa kapakanan ng bansang
Pilipinas. Kung nasa iyong puso ang mga katangiang ito, ---Mabuhay ka!
IKAW ang dahilan kaya nilikha ang Blog na ito.
Lahat ng narito’y tungkol sa iyo at tanging para sa iyo - bilang Pilipino; upang manumbalik ang likas at tunay mong pagka-Pilipino. Sapagkat may dugo kang kayumanggi at tunay na isang kabayan ng ating lahi.
Ang ating mga kaibigan ay matimbang at laging may puwang sa ating puso, ganito din ang blog na ito bilang kabayan mo sa himpapawid ng internet. Ang mga kaibigan ay alam kung ano ang iyong nais, ano ang iyong naiibigan at minamahal, at maging yaong mga bagay na kahit mahirap ay ipinauubaya, kung ito'y makapag-papaligaya sa iyo. Iniisip ka nila kung anong pinagdadaanan mo sa maghapon, nagmamasid at idinudulot ang mga bagay na kailangan mong malaman at maunawaan, ang magawang mapangiti at tumawa ka, at ang ganap na masiyahan ka sa abot ng kanilang makakaya. Ganoon din ang blog na ito, patuloy na nagsisikhay na kahit sa maliliit na bagay ay maipaabot sa iyo ang katotohanan sa ating bansa, at ito'y upang mailayo ka sa anumang kapahamakan, na matutong humarap at magdala ng iyong pagkatao sa totoong buhay, upang ang minimithi mong tagumpay ay mapasaiyo at maging maligaya ka sa tuwina. At higit pa na mga kalabit-panggising ito doon sa mga tulog, natutulog, at nagtutulog-tulugan nating mga kababayan.

Kahit na kailangan mo ng tanglaw upang pukawin ang iyong
kamalayan sa tamang direksiyon, sa mga pag-iingat, sa mga angkop na
kapasiyahan, sa mga batayan sa sariling paglilimi, sa makabuluhang
aliwan, o dili kaya ang katuwang sa pagpapatibay ng iyong pananalig,
narito na ang iyong tunay na kabayan na kumakatawan sa lahat ng ito sa internet. Dahil tulad sa panghimagas na halo-halo, gatas na lamang ang kulang para dito. Ang blog na ito'y mistulang isang magasin sa pagpapahayag. Lahat ng pangunahing sangkap sa kabatirang Pilipino
ay nasa isang bubong na lamang. At . . . kahit papitik, at kaunting
pilantik ay may maida-dagdag na inpormasyon sa iyong iwing kaalaman.
Ito ang buod ng adhikain kung bakit espesyal at natatangi ang pagpupugay sa iyo, na makabahagi ka sa lumalagong pagbabago na nakatakdang maganap sa ating minamahal na bansang Pilipinas. Tulad ng nagdadalantaong ina, ang pagbabagong ito ay likas na ipapanganak. Dahil kung hindi magaganap pagdating sa hustong kabuwanan, ikakamatay ito ng sariling katawan.

Pinagtuunan ng ibayong pansin ang mga inpormasyong narito; hinango, sininop at sinala lamang
ang mahahalaga na kapupulutan ng magagandang aral, pagkakaisa, at
kaunlaran. Nagmula pa ito sa mga dakila, huwaran, at matatagumpay na mga
tao mula sa kanilang iba’t-ibang larangan at industriya. Kung tutuusin,
napakaraming kalatas ang pinagkunan, mula sa kultura, relihiyon,
pilosopiya, at karanasan ng mga sumulat, subalit nananaig ang dumadaloy
na pangkalahatan at pangunahing layunin; Ang makamit ang tagumpay at maging maligaya ang bawat isa sa atin.
Ito ang wagas na adhikain ng AKO, tunay na Pilipino, ang maglahad, magpabatid, at magpalaganap ng katotohanan sa sambayanang Pilipino.
Madalas kong nababanggit at naiikuwento
ang mga ito sa maraming talakayan, sa mga usapan, at mga paliwanagan,
at marami ang nagmungkahi na isulat ko ang mga ito. Madalas ang tugon
ko’y, “Hindi ako manunulat, at wala akong sapat na kaalaman tungkol sa pagsusulat.”
Subalit ang makabayang katotohanan, gaano mo man ito pigilan, itago at
kimkimin; lulutang pa rin ito at kusang mag-uumalpas, at gagawa ng
landas upang matupad. Baluktot man at wala sa tamang direksiyon ang
paglalapat ng mga kataga sa aking sinusulat, paumanhin na lamang po . . . kung nakakangilo man, nananatili naman ang tunay na pakay: Ang tagumpay at kaligayahan para sa ating lahat!
Ang blog na ito ng wagasmalaya.blogspot.com ay laging binabago, dinadagdagan, pinaghuhusay, pinagaganda, at walang sawang magpapatuloy ng paglilingkod para sa mga Pilipinong mapagmahal sa kanilang Inang-Bayan. Muling binabalikan ang dating paskil at itinatama. Dinadagdagan ayon sa kasalukuyang kaganapan upang maipabatid ang kahalagahan nito.

Kung ang mga inilalahad dito ay tuwirang magagampanan,
malaking panimula at ambag ito sa ating hinahangad na pagbabago sa ating
mga sarili, pamayanan, at mahal nating bansang Pilipinas. Ang kabatiran
dito ang nagpabago sa akin at sa marami pang iba. Maging sa iyo ay
mangyayari din ito, manatili lamang na sumusubaybay. Dahil ang lahat na
ito’y tanging para sa iyo.
PABATID: Sakaliman na hindi maunawaan ang kahulugan ng mga nilalaman dito, at lubhang hindi maarok ang daloy ng mga kataga, paumanhin lamang po, hindi ito para sa inyo. Makabubuting lisanin ang blog na ito at patalimin pa ang inyong pananaw at pang-unawa. Doon lamang po ito sa nakakaunawa ng kagalingang Pilipino. "Batu-bato sa langit ang tamaa'y huwag magagalit." Kung hindi alam, huwag panghimasukan . . . dahil ang kamangmangan ay kapatid ng katamaran at pinsang buo ng kapighatian.
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment