Wednesday, March 30, 2016

Kuya Susing



Mga Parunggit at Patutsada
ni Kuya Susing


1-Kailanman huwag makipagtalo o makipagbuno sa baboy. Pareho lamang kayong mapuputikan, ngunit ang baboy ay masisiyahan at kawiwilihan niya ito.

2-Huwag balikan ang nakaraan nang hindi magdamdam kapag ikaw ay may kasalanan.

3-Kung ikaw ay malinis wala kang dapat na ikagalit, at kung ikaw ay marumi ikaw ang masisisi.

4-Walang masama kung ikaw ay itinatama, ang masakit kapag ang kamalian mo ay ipinipilit.

4-Maging mabuting tao, subalit huwag sayangin ang panahon na patotohanan ito.

6-Dakilang paraan ang manahimik at hayaan ang iba na malaman nila na sila ay nakagawa ng kamalian.

7-Ang mga tao na nais manatili sa buhay mo ay laging makakagawa ng paraan.

8-Ang pinakamahusay mong guro ay ang iyong huling pagkakamali.

9-Sinuman tayo, anuman ang ating nagawa, at kung ano ang nais pa nating mangyari ay ating maipapakita sa mahinahong paraan.


10-Huwag mong paliitin ang iyong sarili na maging daga, dahil kapag ito ang iyong ginawa, kakainin ka ng pusa.


Pitong Manalad



Halaman ng Kapayapaan na nakatanim sa puso
Mabuhay nang walang pagkukunwari,
Magmahal nang walang inaasahan,
Makiayon nang walang paghihinala,
Magsalita nang walang kasakitan.
Makinig nang walang pagtatangol,
Makisama nang walang pag-aakala,
at
Manalangin para sa kapayapaan at kaunlaran ng lahat.

7 Patakaran



7 Simpleng mga Patakaran sa Maligayang Buhay

1-Huwag pabuhat sa iba at patuloy na umasa.
       Upang may mapala ay kumilos, nang hindi maghikahos;
2-Huwag huminto o, ang sumuko.
       Patuloy na magsikhay nang magtagumpay;
3-Huwag tumanda kundi manatiling bata.
       Alagaan ang katawan pati na ang isipan, mga problema ay tawanan.
4-Huwag gawing masalimoot ang buhay.
       Manatili sa simpleng pamumuhay upang maging mapayapa ang buhay;
6-Huwag makialam kung wala kang nalalaman.
       Manahimik sapagkat kailangan, nang hindi mapahamak sa mga awayan.
7-Huwag maramdamin at lubhang emosiyonal.
       Iwasang makalimot at palaging magdasal.