Sunday, August 05, 2012

Damahin ang Kaligayahan


  
                   Ang mahusay na bitamina para laging masaya ay B1

Simpleng mga Sekreto
sa Masayang Buhay

Ang buhay at maaaring kumplikado, subalit …
Ang Kasiyahan ay wagas at simpleng maganda.


Kaya magpatuloy sa pagbasa, linawin ang pagtunghay
     at tamasahin ang ilang narito . . .

Simpleng mga Sekreto
   sa masayang buhay.

Kamangha-mangha ka sa pagiging tunay na ikaw.

Sa balat ng lupa, isang tao lamang ang tunay na  makapagpapaligaya sa iyo,
   at ang taong ito ay ikaw.

Kung hindi mo nais ang isang bagay, baguhin ito.
   Kung hindi mo ito mabago, baguhin ang saloobin mo dito.

Ang pusong nagbibigay, umaani.

Baguhin ang iyong kaisipan at simulang baguhin ang iyong daigdig.

Kung hindi mo titindigan ang mga bagay,
   madadapa ka sa anumang bagay.

Hindi mo maaasahan ang iyong mga mata, kung ang imahinasyon mo ay wala sa tinititigan.

Maglagablab nang hindi naaapula ang pag-aalab.

Walang magaganap… kundi ang magsimula sa pangarap.

Ito ay isa sa pinakamagandang mga kabayaran sa buhay…
   Walang sinumang matapat na masusubukan ang tumulong sa iba
      nang hindi niya tutulungan muna ang kanyang sarili.

Kung minsan sa mga alimpuyo ng hangin sa pagbabago ay natatagpuan ang ating tunay na direksiyon.

Ang kagandahan ay hindi matatagpuan, ito ay nakikita.

Pakawalan ang iyong puso sa labas ng bakod
   at ang kabubuan ay susunod.

Sa isang kisapmata ang lahat ay nagbabago. Huwag mag-alala, ang Diyos kailanman ay hindi kumukurap.

Gawing mapayapa ang nakaraan upang hindi nito mawasak ang kasalukuyan.

Ang katapangan ay hindi laging umuungol,
   kung minsan isa itong tahimik na tinig sa dapithapon,
      na nagsasabing… “Susubukan kong muli bukas.”

Ang pagtawa ay isang biglaang bakasyon. Walang kahapon, walang bukas, kundi ngayon ang tawanan.

Iwaksi ang mga bagay na hindi nagagamit, hindi nakakaganda, hindi nakakatulong, 
   at hindi nakapagpapaligaya.

Ang pinakamainam na mga sermon ay ipinamumuhay,
   hindi ipinapangaral.

Ang mga bagay na nakahalang sa pagitan ng tao
   ay kung ano ang kanilang mga naisin sa buhay,
     na tahasang simulan ito at ang pananalig
         na paniwalaan ito na posibleng mangyari.

Kung nais mong magamit nang wasto ang panahon mo, kailangang batid mo
   ang makabuluhan at ibuhos dito ang lahat ng makakaya mo.

Tamasahin ang mumunting mga bagay;
   sapagkat sa isang araw na mabalikan mo ang alaala nito,
      ay mapapatunayang ... ang mga ito pala ay mga malalaking bagay.

Nasa ating pagpili – hindi pagkakataon – ang nagtatalaga ng ating kapalaran.

Napansin ko, habang ako’y patuloy na ibayong gumagawa, lalo akong nagiging mapalad.

Ang magmahal at ang mahalin
   ay madama ang init ng araw sa magkabilang tabi.

Tatlong kataga lamang ang sekreto ng mahabang pagsasama: Oo, aking mahal.

Itunghay ang iyong mukha sa silahis ng araw
   at hindi mo makikita ang mga anino.

Hindi AKO naniniwala na nilikha ka ng Diyos na maging karaniwan lamang.

Ang mga mapitagang kataga ay maaaring maikli
   at madaling bigkasin, ngunit ang mga alingawngaw nito
      ay tunay namang walang hanggan.

Ang pinakamahalagang tuklasin na magagawa mo sa iyong buhay,
   ay tahasang kilalanin mo ang iyong kahalagahan.

Kahit na ikaw ay nasa tamang daan,
   ikaw ay masasagasaan kung ikaw ay sadyang nakaupo na lamang.

Kung ang hanap mo ay kaligayahan sa buhay, walang sinuman ang makakahadlang sa iyo.


Ang kaligayahan ay isang liwanag na tumatanglaw
   at nagpupuno sa iyo ng Pag-asa, Pananalig, at Pag-ibig.

Walang sinuman ang may hawak ng iyong kaligayahan kundi ikaw lamang.

Hanapin mo sa kaibuturan ng iyong puso ang kaligayahan, at …
   Ibahagi ito sa iba!

Huwag nang maghintay pa. Simulan na!
   At ang lahat ay madali na lamang.



Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment