Huwag manghinayang sa nakaraan, sapagkat ito ang eksaktong nais mo
noon.
23- Italaga na lubusang madama ang iyong kaganapan, kailanman
at saanman ikaw naroroon.
Ang pinakamahalagang bagay para
sa iyo ay maging
tunay na kaibigan ka ng iyong sarili. Walang sinuman na magmamahal sa iyo kung
hindi mo tunay
na minamahal ang iyong sarili. Maaaring nasa relasyon ka at nakakaranas ng
iba’t-ibang emosyon na tulad ng pag-ibig, subalit kung hindi mo iniibig ang
iyong sarili, kung wala kang paggalang, makakatiyak ka na walang sinumang tunay
na magmamahal at gagalang din sa iyo.
Kailangan tanggapin natin kung anuman ang
mayroon sa ating sarili, maging maganda o may kapintasan man ito, gayundin ang mga
pagkakamali at mga pagtatagumpay. Kailangang tunay nating
pagmasdan ang ating mga sarili sa salamin at kilalaning maigi ang taong
nakatingin sa atin.
Alalahanin din na
anumang iyong ginagawa
at sitwasyong kinakaharap – huwag mong maliitin at ipahamak ang iyong sarili. Pakaiwasan
na malagay ka sa alanganin at mangako na hindi makakayang tuparin. Itanim sa
isipan na lahat ng mga bagay ay hindi magaganap sa iyo kung wala kang
kooperasyon. Unti-unti, simulang tuklasin ang mga bagay na umaayon sa iyo at
nagpapahayag ng iyong kaganapan. Ilabas ang lahat ng nakatago mong mga
potensiyal at masiglang damahin ang kaganapan nito.
Kung ang iyong
problema ay may solusyon, bakit ka naman nababalisa tungkol dito? At
kung wala namang solusyon, bakit ka naman nababalisa pa rin? Nangyayari lamang
ito, dahil nalilito ka pa at hindi nadarama ang tunay mong hangarin. Kung wala
ka pang matibay na lunggati at direksiyong pupuntahan, saan ka man naroroon,
pawang mga bagabag lamang ang iyong kaulayaw. Lunasan kaagad ito para luminaw
ang iyong layunin sa buhay. Alamin kung sino
ka, ano ang nais mo, at saan
ka pupunta?
Hangga’t wala
kang kabatiran sa mga ito, ang iyong paglalakbay sa buhay ay
mananatiling urong-sulong. At kung mabatid mo naman, ay kusa mong madarama ang
iyong kaganapan sa patuloy na pagsasaliksik nito saan ka man naroroon. Dahil nasa kaibuturan ng iyong puso ang mga hinahanap mong kaligayahan. Madali ang
panghinaan ng loob kaysa pasiglahin ang layunin, subalit kung nais mong mahalin
ang iyong sarili, kailangang baguhin mo ang iyong pananaw. Kailangang
paniwalaan mo na ikaw ay karapatdapat sa pagmamahal na ito at nakahandang
tuklasin ang mga positibong bagay at potensiyal na nasa iyo. Baguhin mo ang
paraan kung papaano ka mag-isip tungkol sa iyong sarili at ang lahat ay aayon
dito.
Tamasahin ang
mga sandaling ito. Lahat ng mga bagay na nangyari sa nakaraan ay
hinubog ang iyong pagkatao kung sinuman ka ngayon, kailangan lamang yakapin at
ipagdiwang ang makabuluhang nagawa nito para sa iyo. Buhayin ang kalooban at
magsaya, libangin ang sarili nang matuto mula dito. Nang sa gayon, sa paglipas
ng mga taon, hindi ka lamang liligaya, bagkus mapagyayaman mo pa ang mga
ginintuang alaala ng kahapon. Ito ang mga katotohananang nagaganap tungo sa
iyong kaganapan at nakatakdang kaluwalhatian.
Paminsan-minsan ang ating mga mata ay kailangang hugasan ng ating mga luha,
upang magawa nating makita ang buhay na higit na maliwanag kaysa dati.
Pag-alabin ang Iyong Kaganapan
1-Paniwalaan ang iyong
mga abilidad. Walang
mahusay na maniniwala sa iyo nang higit pa kaysa iyo. Ikaw lamang ang
makakagawa nito para sa iyo.
2-Pangalagaan ang iyong
isipan at katawan. Kapag
isinasaayos mo ang iyong isipan at katawan sa tamang pangangalaga, higit ang
iyong pagtitiwala sa iyong mga kakayahan.
3-Pagtibayin ang iyong mga
kalakasan. Ituon
ang iyong buong atensiyon sa makabuluhan lamang at iwasang aksayahin sa mga
walang saysay.
4-Lagpasan ang mga
balakid. Iwasan
ang mga tao na ayaw sumuporta sa iyo at mga gawaing hindi nagpapakita ng tunay
mong kakayahan.
5-Durugin ang mga
hadlang. Huwag paghinaan ng loob, harapin
ang mga paghamon upang lalong tumibay at maging matatag na makamit ang
pangarap.
6-Maging ikaw at wala nang
iba. Kaisa-isa
ka lamang at walang katulad, mahusay na gawin ang lahat nang makakaya mo na umaayon kung
sino ka. Huwag yumao na isang kopya.
7-Tanggaping magiliw
ang mga papuri. Karapatan
mo ang mga papuri sa mahusay mong pagtupad sa tungkulin. Patunay ito ng iyong
kahalagahan sa iba.
8-Ihayag ang iyong
Ispirito. Apuhapin
sa iyong kaibuturan ang tunay mong kaganapan. Pakinggan ang tunay mong pagkatao
– ang diwa na naniniwala na makakamtan mo ang anumang iyong pinaniniwalaan na
magagawa mo.
Kung may mga katanungan, ay may mga kasagutan.
-Maligaya
ka ba sa iyong gawain, sa pamilya, at sa mga relasyon?
-Madalas ka bang may reklamo tungkol sa mga balita, pagtaas ng mga bilihin, pulitika, atbp?
-Nakadarama ka ba ng pagod at pagkabugnot sa mga kausap mo?
-May pagtitiwala ka ba sa iyong sarili na magagawa mo ang iyong
pinaniniwalaan?
-May nadarama ka bang ningning at kasiglahan sa iyong mga pagkilos?
-Nag-aalala ka ba na ikaw ay mabibigo sakalimang may humadlang sa iyong
pangarap?
-Papaano ka mag-reaksiyon sa tagumpay, sa kabiguan, at mga bagabag?
-Anong pagbabago ang iniiwasan mong gawin sa iyong buhay, at bakit mo
ito iniiwasan?
-Kilala mo bang mabuti kung sino ka, anong nais mo, at saan ka patungo?
Tagumpay o Bigo? Panalo o Talo? Masaya o Malungkot? Kaligayahan o
Kapighatian?
Alinman
dito, ay nasa iyong kapangyarihan ang pumili. At ito ang iyong magiging
kapalaran.
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Subaybayan ang 31 na
mahahalagang mga paksa:
Matatag
na Sariling-Pugay at Tanging Pag-ibig
No comments:
Post a Comment