Saturday, December 31, 2011
Wednesday, December 28, 2011
The Prayer by Kuh Ledesma & Zsa Zsa Padilla
Labels:
Bulwagan
Monday, December 26, 2011
SANA: Mga Panghihinayang sa Buhay
Ang kamatayan ay katulad ng isang mahabang nobela na may katapusan---ang tangi lamang na pinanghihinayangan ay kung ang paglalakbay mo ay naging kawiliwili at nais mo pang magpatuloy.
Sa mga nakakaunawa na ang buhay ay may hangganan, pinag-uukulan ng ibayong pansin ang lahat ng mga sandali. Napakahalaga nito, laluna’t kung ikaw ay nasa dapithapon na ng buhay. Malimit ay sinasariwa mo ang mga nakalipas na panahon kung saan mayroon kang nakaligtaang gawin, hindi natapos at nalunasang alitan, mga pangungusap na hindi nagawang ipahayag, at marami pang bagay na nagdudulot ng patuloy na mga bagabag at panghihinayang.
Ang pagpanaw ay isang bagay na hindi natin maiiwasan o matatakasan. Katulad ng binyagan, kasalan, at buwis, bahagi ito ng ating buhay. Anumang may buhay na ipinanganak, ay nakatakdang pumanaw. Dangan nga lamang, bihira sa atin ang humaharap at tinatanggap na ang paglisan dito sa mundo ay tila hindi mangyayari. Laging abala at nalilibang, hindi inaalintana na sa anumang sandali . . . maaaring maganap ito.
Ito ang katotohanan, sa sandaling tayo’y ipanganak . . . lahat tayo ay laging nasa hukay ang isang paa, anumang sandali, sa isang kisapmata o pagkurap . . . ang lahat ay matatapos. Kaya, maging nasa dapithapon ka na at malimit ay hawak ang bibliya na mistulang nagrerepaso sa haharaping huling eksaminasyon o maging nasa umaga at katanghalian ka ng buhay, para sa iyo ito. Narito ang makahulugang mga panghihinayang na kinakailangang masagot ng bawa’t isa sa atin. Hindi pa huli ang lahat upang ang mga ito'y hindi maisakatuparan.
Lantarang ipinapahayag at kadalasang sinasambit ito ng matatanda na may panggigipuspos at kasabay ang paulit-ulit na pag-iling ng kanilang mga ulo: ang mga ito ay:
1- “Sana . . . nagkaroon ako ng katapangan na maipamuhay ang nais kong buhay na totoo ako sa aking sarili, hindi ang klase ng buhay na inasahan sa akin ng iba.”
2- “Sana . . . hindi ako masyadong nagpakagumon sa pagtatrabaho, at nadulutan ko ng maliligayang sandali ang aking pamilya.
3- “Sana . . . naging matapang ako na ipahayag ang aking niloloob at nagpapahirap ng aking kalooban kahit kanino.”
4- “Sana . . . habang buhay pa ang aking mga magulang, napag-ukulan ko sila ng pagpapahalaga, naipasyal, napaligaya, at ibayong pinasalamatan na ako’y naging anak nila.
5- “Sana . . . binigyan ko ng mahahalagang sandali ang aking mga kapatid bilang pagpupugay sa aking mga magulang, sapagkat ang kanilang kaligayahan o maging kapintasan man ay malaking bahagi ng aking pagkatao.”
6- “Sana . . . kaysa nag-aksaya ako ng panahon sa mga walang katuturang mga libangan at mga bagay, itinuon ko na lamang ang aking panahon na maging huwaran at sa paghubog ng magagandang asal para sa aking mga anak.
7- “Sana . . . kaysa naluma at natapon lamang ang mga bagay na hindi ko na kailangan, naipagkaloob ko ang mga ito sa mga nangangailangan.
8- “Sana . . . nakapag-ukol ako ng tamang atensiyon at matalik na pagpapahalaga sa aking mga tunay na kaibigan.”
9- “Sana . . . bilang bahagi ng aking pamayanan, nakapaglingkod ako kahit na mumunting mga bagay ito . . . ay nakagawa ng kaibahan sa buhay ng iba.
10- “Sana . . . nagawa kong maging masaya sa bawa’t sandali ng aking buhay.”
Sana . . . ay mapatawad ako ng Panginoon sa nagawa kong mga pagkukulang. . . . SANA.
-------
Sa panahong ito ng kapaskuhan at nalalapit na panimula ng bagong taon, minsan pa nating balikan ang nakaraan at apuhapin ang nakaligtaang mga mahahalagang sandali. At kung papaano sa kasalukuyan, ay magawa nating mabago at mapalitan ang mga pagkukulang na ito para doon sa mga kapiling pa natin na mga mahal sa buhay. Marapat lamang na ituon natin ang ating ibayong atensiyon at mga priyoridad doon sa mahahalaga sa atin. Alalahanin lagi na ang bagay na hindi mo pinahalagahan, ikaw ay iiwanan.
At . . . huwag kalilimutan, "Palaging nasa huli ang pagsisisi at ibayong panghihinayang."
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Busilak
Saturday, December 24, 2011
Isang Solitaryong Buhay
Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nakatanggap ka ng paglingap sa Diyos. At ngayon, maglilihi ka sa iyong sinapupunan at magsisilang ka ng isang anak na lalaki, at tatawagin mo siya sa pangalang Jesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan.” Lucas 1:30-32
Isang Wagas na Pagdakila
Ipinanganak Siya sa isang di-kilalang nayon
na anak ng isang magbubukid na babae.
Siya ay lumaki sa isa pang di-kilalang nayon
na kung saan Siya ay nagtrabaho sa isang karpinteriya
hanggang umabot Siya ng tatlumpong taong gulang,
at matapos ito, sa loob ng tatlong taon . . .
Siya ay naging masidhing tagapagbalita.
Kailanman ay hindi Siya sumulat ng aklat.
Kailanman ay hindi Siya humawak ng isang opisina.
Kailanman ay hindi Siya nagkaroon ng sariling pamilya.
Kailanman ay hindi Siya nagkaroon ng sariling bahay.
Kailanman ay hindi Siya nakatuntong ng kolehiyo.
Kailanman ay hindi Siya nakapasyal
sa isang malaking lungsod.
Kailanman ay hindi Siya nakapaglakbay ng higit pa
sa dalawang daang kilometro mula sa pook
na kung saan Siya ay ipinanganak.
Hindi Niya nagawa ang mga bagay na nagagawa ng iba
na karaniwang pinagbabatayan ng kadakilaan.
Wala Siyang gaano mang mga kredensiyal kundi ang Kanyang sarili.
Tatlumpong-tatlong taong gulang lamang Siya
nang ang malawakang paghatol ng sambayanan
ay ituon laban sa Kanya.
Ang Kanyang mga kaibigan ay nagtakbuhan
at nangawalang lahat.
Ipinagkanulo Siya at isinuplong sa Kanyang mga kaaway.
At dumanas ng huwad at balatkayong paglilitis.
Ipinako Siya sa kurus sa pagitan ng dalawang magnanakaw.
Lahat ng paghamak at pag-aalipusta ay ipinataw sa Kanya.
May isang kawal ang nahabag,
at upang matapos ang Kanyang paghihirap,
ay tinuhog siya sa dibdib ng isang sibat.
Habang Siya ay naghihingalo . . .
Ang Kanyang mga mamamatay ay pinagsugalan ang Kanyang damit,
ang kaisa-isang pag-aari na mayroon Siya sa mundo.
Nang Siya ay patay na
Inilibing Siya sa isang hiniram na libingan
mula sa awa ng isang kaibigan.
Mahigit ng dalawang libong taon ang sumapit at nakalipas,
at ngayon si Jesus ay pangunahing sentro
ng sangkatauhan,
ang pinuno ng sangkatauhang pagluluwalhati.
Sa lahat ng mga sandatahang hukbo na kailanma’y nagmartsa
Sa lahat ng mga hukbong pandagat na kailanma’y naglayag
Sa lahat ng mga parliyamento at batasang na kailanma'y nagpulong
Sa lahat ng mga hari na kailanma'y naluklok sa kapangyarihan
na kung pagsasama-samahing lahat ang mga ito
Ay hindi nakaapekto sa buhay
ng sangkatauhan saan mang panig ng mundong ito
nang makahihigit pa sa . . .
ISANG SOLITARYONG BUHAY
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
BATHALA
Thursday, December 15, 2011
Ang Bagong Salta at ang Biyahero
Naikuwento ito sa akin ng aking anak na si Jell; May isang bagong salta sa isang bayan sa Bataan ang nagtanong sa isang matandang lalaki na nakasalubong niya sa daan, "Pare, kamusta ang mga taong nakatira sa bayang ito; mga mababait ba, mga masunurin at marunong makisama?
Naudlot pansamantala ang matanda, subalit patanong ang naging tugon nito, "Bakit, ano bang mga pag-uugali ng mga tao sa pinanggalingan mo?"
Tumaas ang kilay at nakasimangot ang bagong salta nang sumagot, "Doon sa pinanggalingan ko, masasama ang mga pag-uugali, puro tsismoso at tsismosa ang mga tao. Mga pakialamero sila sa buhay ng may buhay. Mga peste sila!"
Pailing-iling at banayad na nagpahayag ang matanda, "Pasensiya ka na iho, ang mga tao din dito . . . ay katulad din ng mga tao sa pinanggalingan mo."
Nagbubusa na nagpatuloy sa paglakad ang bagong salta, pailing-iling ang ulo at sinisisi ang mundo kung bakit palagi siyang minamalas sa buhay.
Maya-maya, habang naglalakad ang matanda ay may humintong sasakyan sa kanyang tabi. At ang sakay nito ay nagtanong, "Magandang araw sa inyo, magtatanong lamang ho ako. Tagarito ho ba kayo?
"Oo naman, iho. Bakit mo naitanong? Ang mahinahong tugon ng matanda.
"Biyahero po ako, at balak ko ho sanang lumipat ng tirahan dito para mapalapit sa trabaho kong pinapasukan. At nais ko hong may malaman tungkol sa mga kababayan ninyo. Mababait at mabubuti ho ba naman silang mga kapitbahay para sa inyo? Ang paliwanag ng lalaki.
Napangiti ang matanda at nagtanong din, "Kamusta naman ang mga kapitbahay mo sa bayan ninyo?”
Masiglang tumugon ang lalaki, “Doon po sa amin ay mababait at may mabubuting kalooban ang mga tao. Sila ay mga matulungin at handang dumamay sa anumang sandali, kahit kaninuman.”
“Ganoon ba?” Ang malumanay na pagsang-ayon ng matanda, “Ang mga tagarito ay mababait at may mabubuting kalooban din. Sila ay mga matulungin at handang dumamay din sa anumang sandali, kahit kaninuman.”
“Maraming salamat ho. Nawa'y pagpalain ho kayo ng Dakilang Maykapal!” Ang masayang tugon ng lalaki at sumisipol pa ito nang umalis. Buong pasasalamat na umuusal sa sarili na sadyang napakapalad niya sa mga pagpapala na patuloy niyang natatanggap sa bawa’t sandali.
Dalawang uri ng saloobin ang namagitan dito, at dalawang kapalaran din ang tahasang magaganap. Hindi malayong makakamtan mo ang anumang bagay at sitwasyon kung sa simula pa lamang ay umiiral na ang posibleng kaganapan nito.
Sa bawa’t pag-usad ng mga sandali, buong tibay itong maisasakatuparan. Dahil anuman ang nasa iyong kaisipan, ito ang siyang magiging pananalita at magpapakilos sa iyo. At sa kalaunan, ay siya mong magiging kapalaran.
Kung ang hangarin mo'y maligayang buhay, iwasto mo ang iyong mga SALOOBIN at ang mga ninanasa mo'y kusang ipagkakaloob sa iyo. Simulan kaagad at ang lahat ay madali na lamang.
Ano ba ang kahulugan ng saloobin? Upang ganap na maunawaan, pakitunghayan ang "Magandang Relasyon sa Buhay," Disyembre 14, 2011.
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Banyuhay
Wednesday, December 14, 2011
Mahalagang Relasyon sa Tagumpay
Prinsipyo 1: MATURING /Saloobin (Attitude) –anumang pagturing na nararamdaman o emosyong umiiral, naiisip, at nangingibabaw ay siyang ipinapalagay na TAMA sa anumang sitwasyong kinahaharap.
Pangungusap: Itinuturing kong isang malaking kalapastanganan ang ginawa mong pagtataksil sa akin.
Mistula itong salamin sa mata na may grado (ang saloobin) na sa tuwing tumitingin ka ay iyong ginagamit na parang salaan na magpapalinaw (ang paghatol) at umaayon sa iyong pangmasid. Tinuturingan o nilalakipan mo ang bawa't bagay ng kaukulang pamantayan. Kung minsan, ang 'salaming' ito ay hindi kailangan, higit na makabubuti na tamang pag-iisip at umuunawang puso ang pairalin, hindi ang paniniwala at kinagisnan. Hangga’t may ikinakapit kang label, pangalan o tatak sa isang bagay, pangyayari, o pagkatao, ito ang iyong pagbabatayan.
Naala-ala ko noong nasa kolehiyo pa ako, sa pagsisimula ng aming klase sa pilosopiya, isa sa aking kamag-aral ang nagsabing ang aming propesor ay mahigpit (terror), mababa magbigay ng marka (kulot -3.0, o pasang-awa), at halos ikatlong bahagi ng klase ay bumabagsak. Anupa't sa buong semestre, nakaapekto ito sa aking saloobin sa kanya. Higit kong pinaniwalaan ang udyok ng aking kamag-aral kaysa husay ng pagtuturo. Pumasa naman ako, ngunit ang kamag-aral ko'y bumagsak. Sa isang banda, nakatulong din ito, dahil pinaghusay ko ang aking pag-aaral. subalit doon sa aking kamag-aral na sa simula pa lamang ay 'talunan' na sa kanyang iniisip, anumang kanyang gawinng pagsisikap, wala ng mangyayari pa.
Walang ikabubuting gawain kung sa simula pa lamang ay nilapatan mo na ito ng pagkatalo at masamang paghihinala. Higit na mainam na huwag mo ng ituloy ang anumang balak kung sa kaibuturan ng iyong puso ay may pag-aalinlangan ka. Walang saysay na kumilos kung hilaw ang mga pagsusumikap mo.
Naala-ala ko noong nasa kolehiyo pa ako, sa pagsisimula ng aming klase sa pilosopiya, isa sa aking kamag-aral ang nagsabing ang aming propesor ay mahigpit (terror), mababa magbigay ng marka (kulot -3.0, o pasang-awa), at halos ikatlong bahagi ng klase ay bumabagsak. Anupa't sa buong semestre, nakaapekto ito sa aking saloobin sa kanya. Higit kong pinaniwalaan ang udyok ng aking kamag-aral kaysa husay ng pagtuturo. Pumasa naman ako, ngunit ang kamag-aral ko'y bumagsak. Sa isang banda, nakatulong din ito, dahil pinaghusay ko ang aking pag-aaral. subalit doon sa aking kamag-aral na sa simula pa lamang ay 'talunan' na sa kanyang iniisip, anumang kanyang gawinng pagsisikap, wala ng mangyayari pa.
Walang ikabubuting gawain kung sa simula pa lamang ay nilapatan mo na ito ng pagkatalo at masamang paghihinala. Higit na mainam na huwag mo ng ituloy ang anumang balak kung sa kaibuturan ng iyong puso ay may pag-aalinlangan ka. Walang saysay na kumilos kung hilaw ang mga pagsusumikap mo.
Kalatas: “Walang mabuti o masamang bagay, kundi ang mabuti at masamang saloobin. Ang pagkakaiba lamang sa pagitan ng mabuting araw (suwerte) at masamang araw (malas) ay ang iyong saloobin.”
Ang kaligayahan ay isang saloobin. Nasa ating kapangyarihan kung nais natin na maging masaya, malungkot, masaktan, tumawa o umiyak. Ang kapaguran ay magkakatulad, lahat ay naaayon sa antas ng ating kabatiran. Ang nakakapinsala lamang ay ang mga maling saloobin. Kung ikaw ma’y namimighati, o namamanglaw, ang iyong kaisipan ang nagdurusa, hindi ikaw. Baguhin mo ang iyong iniisip at mababago din ang iyong nararamdaman.
Ang hapdi at mga pasakit ng loob ay isa lamang kasagutan sa kaiisip ng mga pagkatakot, mga bagabag, panghihinayang, pangakong napako, mga maling pagtitiwala, mga kabiguan, at gumuhong pangarap. Ito’y mga saloobin lamang na naranasan mo at tinanggap ng kasawian, subalit HINDI IKAW ANG MGA ITO. Alisin mo lamang ang pagkahumaling mo sa mga saloobing ito at ikaw ay malaya na.
Kalatas: “Kumbinsido ako na ang buhay ay 10 porsiyento kung ano ang nangyayari sa akin, at 90 porsiyento naman ang aking reaksiyon dito.”
Magkakatulad tayo sa maraming bagay; subalit may isang maliit na ipinagkaiba ang bawa’t isa sa atin na siyang lumilikha ng pinakamalaking kaibahan. Ang maliit na kaibahan na ito ay ang SALOOBIN. Ang positibong saloobin ay siyang pinagmumulan ng magkakabit na reaksiyon ng positibong kaisipan, mga pangyayari, at mga kaganapan. Ito ang pinaka-pandikit o sugpungan . . . isang sindi na mag-aapoy at lumilikha ng mga pambihirang resulta. Na sa kalaunan, ay magiging iyong kapalaran.
Kalatas: “Ang ating buhay ay hindi ibinabadya ng kung ano ang nangyayari sa atin, bagkus kung anong reaksiyon natin sa nangyayari; hindi kung ano ang maibibigay ng buhay sa atin, bagkus kung anong saloobin ang ating ipapataw at paiiralin sa buhay.
Ang saloobin ay nakakahawa, at sa bawa’t pagdaan ng panahon, kailangan nating tanungin ang ating mga sarili . . . “ako ba’y nakakatulong? O, nakakapinsala?” Sapagkat ang lahat ng iyong mga nalalaman, mga naranasan, at mga pinaniniwalaan ang siyang pinagmumulan ng iyong mga saloobin. Anuman ang nakikita sa iyo, mabuti o masama man ito ay siyang batayan ng iyong pagkatao.
Kalatas: “Sa simula, tayo ang lumilikha ng ating mga saloobin. Matapos ito, ang ating mga saloobin naman ang lumilikha kung sino tayo.”
Ang saloobin ay lahat ng bagay. Ito mismo ang iyong batayan na nagpapagalaw sa iyong imahinasyon sa lahat ng mga bagay na iyong maiisip. Anumang saloobin mayroon ka, ito ang tahasang nakapangyayari sa iyo. Higit kong pinaniniwalaan ito, at sa mahabang panahon; nakita at naranasan ko ang bagsik ng kapangyarihan nito sa iyong tagumpay at kabiguan sa buhay. Marami sa atin ang bigong nauunawaan na ang saloobin ay hindi lamang may malaking kinalaman sa iyong kaligayahan at tagumpay, ito rin ang siyang puno’t dulo ng kaligayahan at tagumpay ng mga taong nakapaligid sa iyo . . . ang iyong pamilya, ang iyong mga kaibigan, at maging ang iyong mga kasamahan sa trabaho.
Kalatas: “Kaya lamang tayo nababahala ng mga bagay, sapagkat nakakabahala ang ginagawa nating pangmasid dito. Palitan mo ang iyong iniiisip tungkol dito, at kusa ding mapapalitan ang kahalagahan nito. At sa paraang ito; magagawa mong baguhin ang iyong buhay, kung magagawa mong baguhin ang iyong saloobin.”
Paala-ala: Makikilala ka sa iyong niloloob; Kung ang iyong pagtrato sa bawa't taong iyong nakakatagpo ay para siyang pinaka-importanteng tao sa mundo, naipadarama mo sa kanya ang iyong saloobin na siya ay karapatdapat sa iyo.
Araw-araw nahaharap tayo sa libu-libong mga pagpili at kapasiyahan. Pinipili natin ang damit na isusuot, saan tayo pupunta, sino ang nais nating makilala, pinaplano ang paglilibangan, sinusuri ang sasakyan sa paglalakbay, anong tanghalian ang pagsasaluhan, ano ang gagawin, ano ang mabuting pasiya, at marami pang samutsaring mga kaabalahan bago pumili. At ang pinaka-mahalaga sa lahat; pinagpapasiyahan din natin kung ano ang tamang iisipin at maghahari sa ating kalooban. Mga bagay na ating niloloob na mangyari. Bakit hindi natin piliin na lamang ang makagaganda, makatutulong, at makapag-papaunlad? Isaisip nating palagi na ito lamang ang siyang nararapat na pairalin sa ating buhay. Mga bagay na kung isasaloob natin sa tuwina ay siyang magiging hagdanan upang maabot natin ang minimithing tagumpay . . . ang piliin ang tunay nating mga SALOOBIN na makapag-papaligaya sa atin . . . bilang mga tunay na Pilipino.
SULYAPAN: "Ang Bagong Salta at ang Biyahero," Disyembre 15, 2011
Araw-araw nahaharap tayo sa libu-libong mga pagpili at kapasiyahan. Pinipili natin ang damit na isusuot, saan tayo pupunta, sino ang nais nating makilala, pinaplano ang paglilibangan, sinusuri ang sasakyan sa paglalakbay, anong tanghalian ang pagsasaluhan, ano ang gagawin, ano ang mabuting pasiya, at marami pang samutsaring mga kaabalahan bago pumili. At ang pinaka-mahalaga sa lahat; pinagpapasiyahan din natin kung ano ang tamang iisipin at maghahari sa ating kalooban. Mga bagay na ating niloloob na mangyari. Bakit hindi natin piliin na lamang ang makagaganda, makatutulong, at makapag-papaunlad? Isaisip nating palagi na ito lamang ang siyang nararapat na pairalin sa ating buhay. Mga bagay na kung isasaloob natin sa tuwina ay siyang magiging hagdanan upang maabot natin ang minimithing tagumpay . . . ang piliin ang tunay nating mga SALOOBIN na makapag-papaligaya sa atin . . . bilang mga tunay na Pilipino.
SULYAPAN: "Ang Bagong Salta at ang Biyahero," Disyembre 15, 2011
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Busilak
Friday, December 09, 2011
Bungisngisan #005
Mapagbirong Asawa
May isang mapagbirong lalake na
tuwang-tuwa sa pagkakaroon ng walong anak. Sa kayabangan niya na matawag na
isang barako, sinimulan niyang
tawagin ang kanyang asawa ng "Nanay ng walo!" Kahit na matindi
ang pagtutol ng asawa ay walang humpay pa rin niya itong tinatawag nang
malakas, na "Nanay ng walo!"
Isang gabi, dumalo sila sa isang malaking
pagtitipon. Maraming nagdatingang bisita ang kakilala ni Mister. Kamustahan at huntahan ang namagitan kasama na rin ang madalas na pagbanggit ng "nanay ng walo" kapag may nagtanong tungkol kay Misis. Matapos ang
kasayahan ay nagpasiya ang lalaki na umuwi na sa kanilang bahay, at nais niyang
malaman kung nais na ring makauwi ng kanyang asawa na abala noon sa sariling mga amiga. Hinanap
si Misis, at nang hindi makita, katulad ng nakagawian ni Mister, ay malakas na
sumigaw muli ito ng; "Nanay ng walo!’ ‘Nanay ng walo!’ Nasaan ka?" Mayabang
at nananadyang ipinaparinig pa ito sa mga tao na may pakindat-kindat pa sa isang
mata. "Puwede na ba tayong umuwi, Nanay ng walo?”
Napahinto sa tsismisan si Misis, tumindig at kinawayan si Mister sabay
inilagay ang kanang hintuturo sa kanyang nakatikom na na mga labi. “S-h-h-h-h-h-,
nariyan na ako.”
Subalit nagpatuloy si Mister nang makitang
nakatingin sa kanila ang maraming bisita. “Bakit , Nanay ng walo? Tototo
naman, ahhh.”
“S-h-h-h-h-h-h-” Nakakunot ang noo na nakikiusap
si Misis, “Huwag kang sumigaw at palapit na ako.”
“Oo, na, “Nanay ng walo, magpaalam
ka na at uuwi na tayo, Nanay ng walo!” Nakapameywang na
pagyayabang ni Mister at iniliyad pang maigi ang dibdib sa mga tao.
Sa matinding kahihiyan at pagkainis sa asawa, at sa kawalan ng respeto sa kanya ng
nagyayabang na Mister, ay hindi na nakatiis pa si Misis at mabilis na sumagot
ito ng pahiyaw din, "Anumang sandali na nais mo, 'Tatay ng
lima!"
Labels:
Bungisngis
Wednesday, December 07, 2011
Mga Dakilang Prinsipyo ng Buhay
Ang mga leksiyon sa nakaraan
ay tuntungang bato sa kinabukasan.
Sa isang madramang pelikula, limang magkakaibigan ang nanood sa isang sinehan. Ang isa ay arkitekto, isa ay enhinyero, isa ay guro, isa ay manggagamot, at ang huli ay isang manunulat. Matapos ang pinanood, palabas na ang lima ngunit hindi pa rin matapos ang paliwanagan kung ano ang tama at mali sa ginawang paghatol ng hukom, kung bakit nauwi sa trahedyang kinasangkutan ang pangunahing tauhan sa pelikula. Bawat isa sa lima ay may kanya-kanyang interpretasyon batay sa pananaw at mga karanasan ng bawa't isa. Dahil iba’t-ibang larangan ang kanilang ginagalawan, ang resulta ay magkakaibang katwiran.
Ang arkitekto ay sinisisi ang maling kaayusan ng gusali at madaling nakapasok ang salarin. Walang sapat na seguridad at nakakaakyat sa bintana ang sinumang may interes na pasukin ito. Ang enhinyero ay binabatikos ang paggamit sa tulay na walang barikada, na naging sanhi upang mahulog ang kotse ng pangunahing saksi sa krimen at ikamatay nito. Ayon sa guro, ay hindi mahusay ang itinuturo sa paaralan at halos barkada pa ng maestro ang estudyante paglabas ng paaralan, mahilig sa droga ito at hindi huwaran. Hindi naagapan at pinalala ang karamdaman ng bida ayon sa manggagamot. Kulang ang mga kagamitan at hindi naasikaso ang pasyente. Ang pasaring ng manunulat naman ay hindi ugma at malabo ang pagtalakay sa mga pangyayari, kung kaya’t naging trahedya sa halip na masaya ang pelikula.
Ito ang karaniwang nagaganap sa ating buhay, may kanya-kanyang uri ng pagsagot o pagtalima ang bawa’t tao sa anumang kaganapan nangyayari sa kanilang harapan. Kung anumang pagpili ang iyong sinunod sa pakikibaka sa gulong ng buhay, ikaw ay tiyak na naniniwala na ito ang tama. ( Dahil kung hindi, bakit mo ito ginawa?) Papaano mo maipapaliwanag ang iyong pangngatwiran sa ibang tao, lalo na’t ito’y kaanak mo, kung saliwa at magkaiba ang inyong paniniwala? Kahit na iisang lipunan ang ating kinalakihan ay magkakaiba ang ating mga pananaw. Likas na mabubuti ang mga tao, subalit bawa’t isa ay naniniwala na ang kanyang kagustuhan at mga kadahilanan ang pinakamahalaga, tama, at dapat masunod, kahit na ito ay ibayong naiiba at salungat sa paniniwala ng marami. Papaano natin malalaman at masasabi kung ano ang tunay at pinakatamang solusyon, kahit sinuman ang tumitingin sa problema.
Ang kasagutan ay nakapaloob lamang sa pitong simpleng mga prinsipyo:
1-Huwag manakit
2-Gumawa ng mabuti
3-Igalang ang iba
4-Maging pantay
5-Laging magmahal
6-Paglingkuran ang iba
7-Magpuri sa Dakilang Maykapal
-Alam mo na ang mga prinsipyong ito.
-Ang mga ito ang basehan o pundasyong tradisyon ng mga mananampalataya at maka-relihiyong mga lipunan. (Kristiyano, Muslim, Hudyo, atbp.)
-Talagang kalunos-lunos at mahirap itong ipamuhay.
-Walang makakagawa nito at maging sakdal o perpekto sa buong buhay niya.
-Kahit papaano, higit na mainam ang may panuntunan, kaysa wala. Sapagkat magagawa mong malunasan ang bawa't balakid sa iyong harapan.
-Kahit papaano, higit na mainam ang may panuntunan, kaysa wala. Sapagkat magagawa mong malunasan ang bawa't balakid sa iyong harapan.
Anumang nasa likod natin at anumang nasa ating harapan ay maliliit na bagay lamang kung ihahalintulad ng nasa ating kalooban.
Ang mga prinsipyong ito ang magkakatulad na nga panghunahing panuntunan ng mga tradisyonal na relihiyon ng mga taga silanganan at kanluraning mga bansa. Anupa’t hindi natin mawari o maging sa ating imahinasyon kung bakit ang ating lipunan o kultura ay nabibigong ipatupad at ipamuhay ang mga prinsipyong ito. Gayong ang pitong simpleng mga prinsipyo na ito ang siyang pinakapandikit (glue or catalyst) na mag-uugnay para tayo magkaisa bilang isang nagsasariling bansa, nakatindig, may pagtitiwala, may kakayahan, at may ipagmamalaki, at bilang mga mamamayan na may pananampalataya at pinaniniwalaan, na higit pa sa bawa’t relasyon na mayroon tayo o sa mga susunod pang mga relasyon.
Ang mga prinsipiyong ito ang humuhubog sa kaibuturan ng ating pagkatao. At upang lubos natin itong maunawaan, kailangan nating magkaroon ng mga pananglaw sa kadiliman. Narito ang mga tunay na prinsipyong tatanglaw upang magliwanag ang tinatahak mong landas. Ang mga karagdagang prinsipyong ito ay magdudulot sa iyo ng kailangang matibay na pundasyon para makagawa ng tamang pagpili sa bawa’t larangan o kabanata ng iyong buhay.
Kailangan lamang na pag-aralan natin ang bawa’t isa, na may masusing pangmasid upang maunawaan; kung papaano ang mga ito magagawang sumanib o maging patnubay sa iyong buhay na makahulugan, at pinagyayaman ang iyong pakikipagrelasyon sa iyong kapwa.
Nagmula ito sa mga dakila at kilalang tao noon; at magpahanggang ngayon ay napatutunayang pinakamahalaga, kung nagnanasa kang magkaroon ng matiwasay at maligayang pamumuhay. Kung masusubaybayan mo ang mga serye na ipapaskil dito: Ang mga kawikaan, mga salawikain, at mga parunggit na nakapaloob sa bawa’t isa ay hinango sa ating kultura at tradisyong Pilipino. Ang iba naman ay sinipi mula sa mga magagaling na pilosopo sa literatura, sa mga relihiyon, at sa tamang edukasyon. Inayos, sinala, at inilapat para sa ating kabatiran. Wala itong sinusunod na una at huli. Nasa iyo nang pagpili kung ano ang higit na kumakatawan at angkop na mapagpa-pasiyahan mo para sa iyong pagkatao.
Ang Mga KATANGIAN sa PAGIGING ULIRAN
Ang maging ULIRAN ay isang kapuri-puri at natatanging pagkatao. May dangal, iginagalang, at siyang huwaran sa kanyang kapaligiran. Kung alinman sa mga katangian na narito ay bahagi na ng iyong pagkatao; malimit kaysa hindi, ikaw ay inililigtas ng mga ito sa nakaumang na mga kapahamakan. Dahil kung mapag-suri ka, sa pagbabasa pa lamang ng pahayagan, panonood sa telebisyon, pakikinig sa radio, sa mga usapan; ay pawang mga negatibo, mga kabuktutan, mga kapariwaraan, mga patayan, mga awayan, at marami pang tulad nito ang walang hintong bumubomba at humahalina sa iyong kamalayan. Hindi kataka-takang karamihan sa atin ay nahahawa at nagiging katulad nila ang kanilang pinag-uukulan ng atensiyon. Dahil kung ano ang ipinapasok mo sa iyong utak, ito din mismo ang siyang lumalabas. Bihira ang mga positibo at mabubuting balita o ang mga nakakatulong sa pag-unlad. Sapagkat hgit na kinagigiliwang at mabili ang mga mali, (sensational, gossip, movie stars, zodiac/ planetary signs, basketball, azkal, etc.) At tuwang-tuwa at yumayaman naman ang mga taga-pagdulot o nagpapakalat nito.
Subalit kung sa pagiging mabuti at matuwid na paggawa ng kabutihan sa iba ang bibigyan ng pansin, dadaigin mo pa ang pumapasok sa butas ng karayom. Marami ang umiiwas na tila isa itong ketongin na nakakahawa. Dahil bihira na ang nagtitiwala at nananalig sa kabutihan.
Bakit???? Pakisagot lamang po ito:
Pagpapatunay, ilang susi mayroon ka sa bulsa? -Sa takot mawalan, nang hindi mag-alala.
Bakit nais mong tumawad sa binibili mo? -Walang paniwala, baka sakaling makamura.
Kailangan pa bang bilangin ang sukli? -Kawalan ng tiwala, ayaw malamangan.
Alam ng bawal, bakit ayaw pang hintuan? -Hindi palasunod, baka makalusot.
Bakit???? Pakisagot lamang po ito:
Pagpapatunay, ilang susi mayroon ka sa bulsa? -Sa takot mawalan, nang hindi mag-alala.
Bakit nais mong tumawad sa binibili mo? -Walang paniwala, baka sakaling makamura.
Kailangan pa bang bilangin ang sukli? -Kawalan ng tiwala, ayaw malamangan.
Alam ng bawal, bakit ayaw pang hintuan? -Hindi palasunod, baka makalusot.
Ang tanong sadya nga bang napakahirap maging MABUTI? O, napakadali ang maging MASAMA? Kakaunti lamang ba sa atin ang nakakaalam na pinupuri at ipangpapatayo pa ng bantayog ang mabubuti?
. . . at ang MASASAMA, ay lehitimong pinaparusahan, ikinukulong, at binibitay pa? Subalit mapapansin na marami ang nagpupunta sa daan na ito. Dahil ba . . . wala silang kabatiran kung ano ang mga nararapat na sundin? O, naaayon sa ‘pansariling kapasiyahan at ikagagalak ng kalooban’? Kahit na MALI at labag sa batas ng tao, at huwag ng idamay pa maging sa mata ng Diyos?
Magkagayunman, kahit puyat na bagong gising po tayo, ipaglalaban pa rin natin ang kapakanan at ikauunlad ng ating mga kababayan. Sapagkat hangga’t may dalawang ‘toothpick’ na nakatukod sa talukap ng aking mga mata, (BAWAL ang 'makatulog nang tuluyan o umidlip man') ay walang sawang ipagpapatuloy ang pagpaskel ng kumikinang na mga gintong prinsipyo na ito:
45 Mga PRINSIPYO ng ULIRANG KATANGIAN
Prinsipyo 1: MATURING / Saloobin (Attitude)
SULYAPAN: Ang mga pahinang ito: "Mahalagang Relasyon sa Buhay," Disyembre 14, 2011, at "Ang Bagong Salta at ang Biyahero," Disyembre 15, 2011
Prinsipyo 2: MABUTI / Katangian (Character)
Prinsipyo 3: MATULUNGIN / Kawanggawa (Charity)
Prinsipyo 4: MAPURI / Kabasalan (Chastity)
Prinsipyo 5: MALINIS / Kalinisan (Cleanliness)
Prinsipyo 6: MATUPAD / Katuparan (Commitment)
Prinsipyo 7: MAALAM / Kabatiran (Common Sense)
Prinsipyo 8: MASUYO / Pagmamalasakit (Compassion)
Prinsipyo 9: MAWAKSI / Pakikiisa (Cooperation)
Prinsipyo 10: MATAPANG / Katapangan (Courage)
Prinsipyo 11: MALUGOD / Kaluguran (Courtesy)
Prinsipyo 12: MAAASAHAN / Kapitaganan (Dependability)
Prinsipyo 13: MASIGASIG / Kasikhayan (Diligence)
Prinsipyo 14: MADAMAY / Damayan (Empathy)
Prinsipyo 15: MAGALING / Kagalingan (Excellence)
Prinsipyo 16: MAHUBUGIN / Pakikisama (Flexability)
Prinsipyo 17: MATALIK / Pakikipagkaibigan (Friendship)
Prinsipyo 18: MATATAG / Katatagan (Fortitude)
Prinsipyo 19: MATIPID / Kasinupan (Frugality)
Prinsipyo 20: MASAGANA / Kasaganaan (Abundant)
Prinsipyo 21: MAPAGBIGAY / Bigayan (Giving)
Prinsipyo 22: MATUWID / Katuwiran (Honesty)
Prinsipyo 23: MABABANG-LOOB / Kaabahan (Humility)
Prinsipyo 24: MASIKAP / Pagpupunyagi (Industry)
Prinsipyo 25: MAY KUSA / Pagkukusa (Initiative)
Prinsipyo 26: MARANGAL / Karangalan (Integrity)
Prinsipyo 27: MAKATWIRAN / Katarungan (Justice)
Prinsipyo 28: MATAPAT / Katapatan (Loyalty)
Prinsipyo 29: MAASAM / Pag-asam (Optimism)
Prinsipyo 30: MAHUSAY / Kahusayan (Order)
Prinsipyo 31: MAKABAYAN / Kagitingan (Patriotism)
Prinsipyo 32: MATIYAGA / Pagtitiyaga (Perseverance)
Prinsipyo 33: MAPITAGAN / Kawastuan (Propriety)
Prinsipyo 34: MATIBAY / Katibayan (Resiliency)
Prinsipyo 35: MAPAGPASIYA / Kalutasan (Resolution)
Prinsipyo 36: MAGALANG / Paggalang (Respect)
Prinsipyo 37: MATUGON / Pananagutan (Responsibility)
Prinsipyo 38: MASUNURIN / Disiplinado (Self-Discipline)
Prinsipyo 39: MAPAGLINGKOD / Paglilingkod (Service)
Prinsipyo 40: TAHIMIK / Pananahimik (Silence)
Prinsipyo 41: MATAOS / Kawagasan (Sincerity)
Prinsipyo 42: MATIMPI / Pagtitimpi (Temperance)
Prinsipyo 43: MAHIGPIT / Paghihigpit (Tenacious)
Prinsipyo 44: MAPAGPASALAMAT / Pagpapasalamat (Thankfulness)
Prinsipyo 45: MAPAYAPA / Katiwasayan (Tranquility)
Mga Tagubilin:
1-Ang mga prinsipyong ito ay mahahalagang kalasag sa pagdadala ng buhay. Malaking tulong ito sa posibleng paggawa ng tamang mga kapasiyahan, sapagkat kinakatawan nito kung ano ang nakalulugod, nakakatulong, at magpa-paunlad sa iyo.
2-Ang buhay ay nagiging madali; kapag ikaw ay matapat, sapagkat hindi mo na kailangan pang tandaan kung anong kasinungalingan ang binigkas mo, kailan mo ito isinalaysay, at kung kani-kanino mo ito isiniwalat. Wala kang pinangangambahan at taas-noo mong kayang harapin ang sinuman nang buong katotohanan.
3-Kung mangangalakal/negosyante ka, maraming sistema kung papaano ka makahahalina sa pagtitinda, subalit may namumukod-tanging paraan lamang upang mapanatili na lagi kang tinatangkilik, ay ang makuha ang pagtitiwala ng iyong mga parukyano/kustomer. Ang pinaka-mabisang paraan tungkol dito ay patakbuhin ang iyong negosyo nang naaayon sa mabuti at tamang pakikipag-relasyon. Nakapaloob ito sa uri at katangian ng iyong mga tauhan/empleyado na nakikiisa sa iyong mga hangarin at patakaran ng kompanya. Kung papaano mo sila inaasikaso o tinatrato – maging ang iyong sarili – ng paggalang, pantay-pantay/parehas, at pagmamahal.
4-Marubdòb na mabuhay nang naaayon sa pangunahing pitong simpleng mga prinsipyo – kahit na mahirap itong mangyari – datapwa’t ito lamang ang tanging nakatitiyak na paraan upang makamtan ang mga bagay na iyong hinahangad sa buhay.
5-Piliting magampanan ito. Ito ang magpapalinaw at magpapatatag ng iyong pagkatao; marangal at kagalang-galang, kapuri-puring mga kaparaanan sa pagdadala ng iyong buhay. Ang paggalang sa karapatan ng iba at pagmamalasakit sa kanilang kapakanan – sa kalauna’y nagtatapos sa matiwasay na pagsasama ng bawa’t isa – na siya namang nagpapaligaya sa iyo.
-Durugtungan, laging SUBAYBAYAN ! . . .
Bawa’t isang katangian ay may sariling pahina ayon sa pamagat at petsa ng paskil nito.
Halimbawa: Ano ang kahulugan ng SALOOBIN? Disyembre 14, 2011
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Busilak
Subscribe to:
Posts (Atom)