Wednesday, December 20, 2017

Mag-isip muna



REAKSIYON
Dalawang kapangyarihan ang mayroon ka: Pagpili, at Piliin ang tama. Tanging ikaw lamang ang makakagawa nito para sa iyo at wala nang iba pa. Ikaw ang higit pa sa lahat ang tanging may kapakanan para sa iyong sarili, anumang reaksiyon tungkol sa mga tao o mga kaganapan ay hindi ka maapektuhan kung wala kang pahintulot. Nasa iyong kapasiyahan kung positibo o negatibo ang iuukol mo sa mga pangyayari na nasa iyong harapan. Kung para sa pag-unlad, kabiguan, o ang nakasanayang kawalan ng pag-asa. Nasa iyong pagpili, kung Kabutihan o Kasamaan, Kaligayahan o Kalungkutan, at maging Pagkabuhay o Kamatayan. Alinman dito, makakatiyak ka na ito ang iyong magiging kapalaran.

No comments:

Post a Comment