Wednesday, December 20, 2017

Aling Pag-ibig pa kaya?



PAG-BIG
Ang sekreto sa relasyon ay mahalin mo ang iyong sarili. Sapagkat kung wala kang pagmamahal mismo sa iyong sarili, wala kang maibibigay na pagmamahal kung wala ito sa iyo. Ang magagandang tao ay hindi hinahatulan ang kanilang mga sarili at maging ang iba. Laging bukas ang kanilang isipan sa mga pagkakataon kalakip ng pagmamahalan. Iniisip nila ang tungkol sa pagmamahalan, at ipinapahayag nila sa bawat aksiyon ang kanilang pagmamahal. Batid nila na ang pagmamahal ay hindi lamang isang pakiramdam o emosyon, kundi siyang ultimong katotohanang umiiral sa mundo.

No comments:

Post a Comment