Wednesday, December 20, 2017

Supilin ang Sarili



KAPALARAN
Wala kang kapangyarihang kontrolin anumang bagay na nagaganap sa iyo, subalit magagawa mo namang kontrolin ang iyong saloobin tungkol dito at baguhin ang magiging resulta nito. Naisin mo man o hindi kung hindi ka magpapasiya, ikaw ang pagpapasiyahan. Walang mahihita sa paghihintay, lalo na kung wala kang nalalaman tungkol dito. Ang mga kaganapan ay tahasang mangyayari, subalit higit na makakabuti kung ikaw mismo ang nakapangyayari.

No comments:

Post a Comment