Wednesday, December 20, 2017

Magbigay



IBIGAY MUNA
Huwag asahan na mahalina o maakit sa iyong buhay ang mga tao na mabuti, may pagtitiwala, may pananalig, mapagmalasakit at mapagbigay, kung ikaw ay laging mapanakit, walang tiwala, walang kinikilala, walang pakikisama, at maramot. Anuman ang ninanais mo, kailangan munang ibigay mo. Nais mong igalang ka, gumalang ka muna. Nais mong maunawaan ka, umunawa ka muna. Kailangan mong mahalin ka, magmahal ka muna. Dahil hindi mo magagawang ibigay ang bagay kung wala ito sa iyo.
Nais mo ng pagbabago, simulan mismo sa sarili mo.

No comments:

Post a Comment