Ang nililikha nating mga relasyon ay lubusang kritikal sa ating pagkatao
at tagumpay.
Kadalasan kaysa hindi, may mga pagkakataon
na dumaratal sa iyong buhay na napapaharap ka sa matinding pagsubok, at hindi
ka nakakatiyak kung ano ang magaganap. Wala kang tiwala sa iyong mga kakayahan.
May mga araw ding nais mo nang huminto at sumuko. Subalit kailangang
magpatuloy, at sa kalagayang ito at ibayong pagsisikhay, nagagawang lagpasan at
malunasan ang mga balakid. Ito ang nagpapatibay sa atin, nagpapaala-ala kung
saan tayo nanggaling at kung ano ang ating dinaanan at nalagpasan.
Sa karaniwan at maging mahusay na
pagtatalaga para magtagumpay, kailangan din natin ang magiliw na pagtanggap at
mainam na pakikisama, nang walang anumang pag-aalinlangan o pagkompormiso sa
isa’t-isa. At dito nakasalalay ang tamang pakikipag-relasyon.
Ang malaking PALAISIPAN
Maaaring nakakagulat at ikakabigla ito, subalit
NARITO ANG MALAKING PALAISIPAN:
Kapag nagawa mo
ang wagas at busilak na responsibilidad
para sa isang
relasyon, kadalasan kaysa hindi
ang taong
pinag-ukulan mo nito ay mabilis ding pipiliin
na maging
may responsibilidad din para sa iyo.
At magmula dito,
ang 100/0 na pakikipag-relasyon
ay mabilis na pinapalitan
ito sa sitwasyon
na umaabot sa 100/100
na
palagayang-loob sa bawa’t isa.
Kapag ito ang
naganap, ang tunay na pagkakaisa,
pagtutulungan, pakikisama,
at mga pagdamay
ay mamayani para
sa bawa’t KASAMA
sa kanilang mga PANGKAT,
sa kanilang mga ORGANISASYON,
at gayundin sa
kanilang mga PAMILYA.
kaninuman, saanman, at kailanman.
Tandaan,
ang Prinsipyo ng 100/0
Ano
ang pinakamabisang paraan na malikha at mapanatili ang mga dakilang
pakikipag-relasyon sa iba?
Ito ay ang prinsipyo ng 100/0: Hinaharap at tinutupad mo ito nang
buong responsibilidad (100%) para sa anumang relasyon, at
walang hinihintay na kapalit o inaasahang pakinabang (0) anuman.
Ang Prinsipyo ng
100/0
ay
tungkol sa
MAGBIGAY,
hindi
ang KUMUHA.
ANG
MAGLINGKOD,
Hindi
ang paglingkuran.
Ito’y
tungkol sa PUSO,
hindi
ang pairalin ang ulo,
at
maging maramot at walang pakialam.
Ito’y
tungkol sa kababaang loob
KABUTIHAN, RESPETO,
at PAGTITIMPI.
Ito
ay maliit na bagay na
NAKAKAGAWA
ng MALAKING
KAIBAHAN.
Maging
gabay ang 100 porsiyento . . .
MAGAGAWA NITONG BAGUHIN ANG IYONG
BUHAY
AT MAKAMIT ANG NAKATAKDANG
KAPALARAN!
Gawing mahusay ang
bawa’t gawain, likas
ito sa karamihan natin. Ang kailangan lamang ay mataos na pangangalaga sa
relasyon at mahusay na pagdadala ng sariling-disiplina na mag-isip, kumilos, at
ibigay ang 100
porsiyentong atensiyon.
Narito tayo sa daigdig para magmahal, tumawa, umiyak,
magsaya, magkamali at matuto mula dito. Ang makipagtalo at mangatwiran nang makabuluhan, madapa at
bumangon, sumubok muli at makipagsapalaran, at ang MAKIPAG-RELASYON.
At ang pinaka-mahalaga dito; ay magkaroon ng kamalayan,
pagtitiwala, at tamang pagpili sa bawa’t relasyong
namamagitan, dahil minsan lamang ang mabuhay, kaya nararapat lamang na pagindapatin
natin ito nang mabuti.
Hindi pipti-pipti (50/50) ang pagsasama, ito’y nakasalalay sa prinsipyo ng
100/0.
Ngayon na ang tamang sandali, huwag nang ipagpabukas pa . .
.
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Halaw at pinalawak mula sa Simpleng Katotohanan
na ipinadala ni Jell M. Guevara ng Lungsod ng Dagupan, Pangasinan
Halaw at pinalawak mula sa Simpleng Katotohanan
na ipinadala ni Jell M. Guevara ng Lungsod ng Dagupan, Pangasinan
No comments:
Post a Comment