Wednesday, November 29, 2017

Magsimula nang Kumilos

Ang landas tungo sa tagumpay ay isagawa ang maramihan at determinadong mga pagkilos.
Kailangan ikaw ay nakapokus at sinusunod ang tama at kailangang aksiyon para magtagumpay. Sakalimang nahihirapan ka at nais nang humito …mabuti ito, patunay lamang na malapit ka na sa iyong destinasyon. Ang paghinto ay hindi isang pagsuko, kundi lalong magpunyagi at ibuhos ang lahat ng makakaya para magtagumpay!
   Kung nais ng pagbabago at kaunlaran, ang kahulugan nito ay lalong pag-ibayuhin ang paggawa at piliting mahigitan pa ang nagawa kahapon. Maging masikhay at mahusay sa araw-araw na mga pagkilos: Determinado, disiplinado, at buong katapatang nakapokus sa iisang direksiyon.

Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment