Wednesday, November 29, 2017

5 Katanungan na Kailangang Masagot

Kung magagawa, isulat ito sa kapirasong papel at pakaisiping mabuti bago sagutin. Sapagkat sa limang katanungang ito, dito nakasalalay ang iyong magiging kapalaran.

Tanong #1:  Ano ba ang ginagawa ko ngayon, ito ba ay nakakatulong nang malaki sa aking pag-unlad o inaaksaya ko lamang ang aking panahon?

Tanong #2:  Ano ang aking ginagawa kapag buong sigla at mahusay akong nagtatrabaho?

Tanong #3: Sa aking pang-unawa, anong 5 mahalagang bagay na magaganap sa pagitan ngayong araw na ito at sa darating na Disyembre 31?

Tanong #4:  Sino ang magiging ako, kapag nakamit ko nang lahat ang aking mga nais?

Tanong #5:  Sino ang 5 tao na handang tumulong sa akin kapag ako may matinding pangangailangan?

Tanong #6:  Kung may 1 milyong piso ako, ano ang tatlong bagay na  uunahin kong gagawin.

Tanong #7:  Ako ba ay naniniwala sa Diyos? At kung ito ay totoo, isinasabuhay ko ba naman?

Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment