Wednesday, December 20, 2017

IKAW Lamang



IKAW
Isang Katangi-tangi at Angking Wagas. Sa napakaraming bilyong tao na lumitaw at lumakad sa mundong ito, ikaw ay sadyang kakaiba, kaisa-isa, katangi-tangi, at tahasang pambihira. Walang sinumang katulad, at kawangis.
Kailangan ang mga panaggalang na ito:
Pagtitiwala: Ilalagay ka sa kapahamakan, at maging ang mismong buhay mo ay malalagay sa
                     panganib.
Pagmamahal: Kung walang mabuting tinutungo, ilalagay ka sa matinding kapighatian at
                     kasawian.
Pagiging TOTOO: Kapag pawang kabutihan ang ipinapakita, maraming tao ang masasagaan nito, 
                                lalo na ang mga nagkakasala. Hindi nila matatanggap na naiiba ka sa kanila.
                               At dahilan ito upang iwasan ka, punahin, pintasan, pagselosan at kamuhian.
                               Ang resulta ay ang tuluyang pagwasak sa reputasyon at pagkatao mo.

Anuman pamumuna, pintas o mapanirang tsismis, para sa mga tunay o totoong tao, ang mga ito ay  ay walang pakialam, magustuhan man sila o hindi. Ang hangarin lamang nila ay ang igalang.
Ang toxic o mapanlasong tao ay walang nang magagawa pang pagkontrol sa iyo, kung wala kang pahintulot. Ang kakayahan lamang nila ay kontrolin, kung papaano papaniwalaan ng iba ang mapanira nilang layunin.  Ang paninira sa karakter  o pagkatao ng isang tao ay talaga namang walang katarungan, subalit manatiling matatag at nangingibabaw ka sa bawat sandali, gising at hindi pabaya, at may pagtitiwala na ang mga tao na higit na nakakalaam kung sino kang talaga ay nababatid ang katotohanan sa likod ng mga ito, katulad ng kabatiran mo sa iyong pagkatao.

Panaligan Mo



Makapangyarihan sa Lahat
Mayroong nangingibabaw na kalakasan sa Sansinukob, isang banal na puwersa na lumilikha sa atin; binubuhay tayo, at pinag-uugnay tayo sa isa’t-isa, sa samut-saring mga gawain na pinag-iisa sa ating mga kaisipan, mga pananalita at mga aksiyon na nagbibigay kahulugan sa ating mga karanasan sa buhay. Kapag kinilala natin at natutuhang makipag-ugnay sa banal na kapangyarihang ito, magiging makapangyarihan at maestro tayo ng ating sariling kapalaran.
   Ang simpleng pormula na ito ang maghahatid sa atin para paunlarin ang kalidad ng ating buhay. Kapag ito ay ginamit, at natutuhang pagkatiwalaan, binubuksan nito ang maraming mga oportunidad at mga biyaya na nakatakdang ipagkaloob sa atin upang ganap nating malasap ang mga pagpapalang ito.

Kumplikado ang Ating Buhay



Pansinin ang mga ito at maglimi:

Malungkot at nangungulila? … Tumawag (gamit ang selpon)
Nais na magkita kaagad ……...Mag-anyaya o mag-imbita
Hindi ka maunawaan?..............Magpaliwanag
Hindi mo maintindihan?...........Magtanong
Ayaw at hindi mo naibigan…...Magpahayag
Nagalak at nais mo pa………...Ipaalam
May mahalaga kang nais?.........Humiling
Nakapinid ang pinto?................Kumatok
May alinlangan?........................Tuklasin
Kapag nagmamahal………..….Ipadama
   Maging totoo, walang personalan, iwasan ang akala, maging mabuti, mapagmalasakit, at tunay na umibig.
   Walang saysay o kapupuntahan kung palaging may duda, akala, at hinala. Kung walang katanungan, walang kasagutan. Hindi maaaring malaman o maintindihan ng iba o nang mismong karelasyon kung pawang paliguy-ligoy, mga panunumbat sa kamalian, mga hinaing at mga pasaring na nakakasugat ng damdamin ang mga ipinadarama, sa halip na tuwirang pagpapahayag ng niloob.
   Walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang nagaganap sa iyong isipan. Walang manghuhula o madyikero ang tahasang makakalam ng iyong kaisipan kung ito ay pasulong, pabalik, at nais lamang ng atensiyon. Higit na mainam ang ipahayag ito nang deretso, klaro at sa maikling mga kataga, walang bahid ng drama o paawa effect, kaysa ang umasa, maghintay at manggalaiti sa isang sulok.
   Sa bawat hangarin, kung hindi ka aaksiyon, katiyakan na ang HINDI ang kasagutan, subalit kung kikilos, magtatanong, makikiusap, ipaparamdam ang tunay na saloobin, makakatiyak ka ng Oo.
   May isa lamang tayong buhay sa mundong ito, at huwag naman nating sayangin ito sa walang saysay na pag-aaksaya ng mga sandali –Simplehan naman natin ang ating pamumuhay!

   “For who knows a person’s thoughts except their own spirit within them? In the same way no one knows the thoughts of God except the Spirit of God. What we received is not the spirit of the world, but the spirit who is from God, so that we may understand what God has freely given us . . . For who has known the mind of the Lord so as to instruct him? But we have the mind of Christ.”  (Corinthians 2:11, 12 and 16)

Kilala Mo ba AKO?




Kahit SINO Ka
Ang Sansinukob ay walang kinagigiliwan o kinikilingan, mabuti o masama man, maganda o pangit man, mayaman o mahirap man, sapagkat ang sikat ng araw ay kusang nagbibigay ng init at ng liwanag, at ang buwan ay kusang tumatanglaw, ang lahat ng iyong mga nakikita, sa ayaw mo man o nais mo, ay  kusang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Wala silang kinalaman, anuman ang relihiyon mo, lahi, tribo, bansa, pamilya, karakter o pagkatao mo. Ang pagkakaiba lamang ay kung may sapat kang kaalaman kung bakit ka lumitaw dito sa mundo, sino ka,  ano ang mga nais mo, at saan ka patungo. Kung batid mo ito, ang Sansinukob ay kapanalig mo.

Tama nga ba?



TAMA O MALI
Isang pagkakamali ang matinding magtiwala kung tama ang iyong kapasiyahan, na tila umaasa ka na ang sansinukob ay lagi kang pinagpapala, at lagi ding pinaparusahan yaong may mga kamalian. Hindi ganito kumikilos ang tadhana, bagamat ang mabuting tao at masamang tao ay parehong nababasa ng ulan kung walang mga dalang payong, sila ay pinapagpapala o pinaparusahan nang naayon sa kanilang mga ginawa, mga nagagawa, at mga gagawin pa.