Mahal kita maging sinuman ka man.
Dahil AKO ay ikaw, at ikaw ay AKO.
Sa pagbigkas ng katagang “Namaste!” Nabibigyan nito ng malalim na
pagpapahalaga at paggalang ang pagkatao ng kaharap. Kultura ito ng mga Hindu sa
Indiya tuwing may dumarating at umaalis; parehong nakadaop ang mga palad na nakadikit
sa dibdib at yumuyukod na magkaharap. Isang paniniwala na mayroong Banal na nagniningas
sa kaibuturan ng bawat isa sa atin; pakikipag-isa ng kaluluwa sa kaluluwa.
Ang kahulugan nito ay;
“Aking pinapahalagahan ang nasa kaibuturan
mo na kung saan ang buong sansinukob ay naninirahan. Dinadakila ko ang nasa
kalooban mong liwanag, pag-ibig, katotohanan, kapayapaan, at kawatasan.’
Mapitagan kong pinahahalagahan ang
Kabanalan na nasa kaibuturan mo.
Makumbaba kong iginagalang ang iyong
mga likas na katangian.
Kinikilala ko ang iyong mga mahusay
na kakayahan.sa iyong mga gawâ.
…at
Nagpupugay
ako sa pambihira mong pagkatao at natatanging kahalagahan.”
Makikita
din ang kaugaliang ito sa mga Hapon at Koreano. May nahahawig ito sa ating
kultura; ang pagmamano sa matatanda, isang uri din ng paggalang kung dumarating
at umaalis, ngunit unti-unting nawawala na ito at bihira ko nang makita maging
sa mga lalawigan. Sa panahon ngayon, tuluyan ng nahawa tayo sa mga kulturang
kanluran. Pati na ang pantawag na kuya, ate,
sangko, dite, ay kumukupas na rin at lalo na ang pamumupo. Bagamat
magkakaiba ang gulang, may bata at matanda, sa relasyon ay wala nang galangan.
Huwag pagtakhan kung karaniwan na ang mga alitan, mga pagtatalo, at hiwalayan
sa pamilya.
Tuluyan nga bang nakakalimot na tayo? Magkagayunman, …
Nagpupugay AKO at bumabati ng Pagpapahalaga, Pagkilala, at Pagkakaisa sa Iyo.