Monday, February 04, 2013

Puwede Ba?



May isang bagong ahente ng seguro na nais makakilala ng maraming parukyano ay sinubukang tumawag sa telepono.
Sa una niyang pagtawag, isang paanas na, “Hello?” ng isang bata ang sumagot sa kanya.

Tinanong kaagad ito ng ahente, Hello, ano ang pangalan mo?”    

Paanas pa rin ang naging sagot, “Tommy.”

“Ilang taon ka na, Tommy?”

“Apat po.”

Good. Ang nanay mo ba ay nasa bahay?”

“Opo, kaya lamang ay abala siya.”

“Okay, ‘yong tatay mo naman nariyan sa bahay?

“Abala din po ang tatay ko.”

“Ganoon ba, eh, sino pa ba ang mga nariyan sa bahay ninyo?”

“May mga pulis po dito.”

May pulis diyan? Puwede bang makausap ko ang isa sa kanila?

“Lahat sila ay abala.”         

“Mayroon bang matatanda diyan na puwede kong makausap?

“Mga kapitbahay po namin na narito sa bahay.”

Puwede ko bang makausap kahit na isa man lamang, please …”

“Hindi po maaari, lahat sila ay abala.”

Ano ba ‘yan Tommy, lahat ng tao sa inyong bahay ay pawang abala, at hindi ko makausap man lamang kahit na isa sa kanila. Bakit, ano ba ang mga ginagawa nila?

“Hinahanap po ako, “ ang bungisngis na pabulong tugon ni Tommy.


No comments:

Post a Comment