Friday, February 14, 2014

Umiibig Ka ba?



Higit na mainam ang kamuhian ka kung sino kang tunay, 
kaysa mahalin ka nang balatkayo lamang.

Itanong natin upang maunawaan:
Papaano ba ang umibig?
Dalawang bagay para makilala ang isang tao; kapag umiibig at nalalasing. Dito sa una, isa siyang baliw. Dito naman sa huli, lango na at wala na sa katwiran. Pagpapatunay lamang na ang pag-ibig ay bulag.
   Marami ang uri ng pag-ibig, nasa antas ito ng ipinaparamdam na pagmamahal. Kusa itong nalilikha kapag nakaramdam ka na tumigil na ang mundo sa pag-ikot, at ang minamahal mo na lamang ang mahalaga para sa lahat. Dangan nga lamang, madaling humanga kaninuman kahit sa ilang sandali lamang na pagkikita, isang oras na magkagusto, at isang araw na ibigin siya, subalit nangangailangan ng buong buhay ang malimutan siya.
   Huwag maakit sa panlabas na kaanyuan, dahil ito’y mapanlinlang. Huwag pansinin ang katanyagan o yaman, maging ito man ay naglalaho. Iwasan ang mga mapanghalina at balatkayong pakikiayon na may makasariling hangarin. Dumuon at maglagi sa taong nagpapangiti sa iyo at nagagawang maging masaya ka sa maghapon, dahil ang ngiti lamang ang pumupukaw kapag nalimutan mong magmahal. Subalit doon sa mga nakakalasong tao na basta pinili mo, pawang mga bangungot ang makakapiling mo.

No comments:

Post a Comment