Hindi mo
minamahal ang sinuman dahil siya ay perpekto, kundi minamahal mo siya kahit na
alam mong hindi siya perpekto.
Mga katanungang nais nating maunawaan:
Kailangan ba ang magpatuloy at maghintay na
matutuhang mahalin ng iba?
Pakawalan
ang mga ligalig at tanggapin ang katotohanan, na may mga bagay na sadyang hindi
nakaukol at mananatili sa iyo. Ang kapalaran ‘di mo man hanapin ay kusang
dumarating. At nawawala ding kusa kapag walang nasumpungang pagpapala.
Kailangan bang patawarin ang mga nagkasala sa
atin?
Mahalaga
sa lahat at kailangang gawin. Sapagkat kapag natuklaw ka ng ahas, ang kamandag
nito’y patuloy na lalason sa iyo hangga’t inaaliw mo. Lahat ng bagay ay lalong
lumalaki kapag patuloy mong pinapansin ang mga ito. Nagkasugat ka na, huwag mo
nang palalain pa ito sa mga alaala at pag-aalala.
Kung
nagawa mong magpatawad ng mga kaaway, hindi mo makakalimutan ang kanilang mga
pangalan. Sapagkat ang sugat na malalim, may peklat na maiiwan kapag gumaling.
Kailangang magmahal pa ba ako, kung hindi naman niya
ako minamahal?
Sa
tagpong ito, lalo kang higit na kailangang magmahal, sapagkat ang pag-ibig ay
iniingatan at inialagaan na tulad ng isang halaman na nasa paso; dinidilig, nilalagyan
ng pataba, tinatabingan kapag naiinitan, at dinadamuhan, upang magpatuloy ang
pamumulaklak nito.
Iwasan
ang iba na maging iyong priyoridad kung ikaw para sa kanila ay isang opsiyon
lamang.
Huwag
iyakan ang mga bagay na natapos at nakaraan na, bagkus ang ngumiti dahil
naganap ang mga ito.
No comments:
Post a Comment