Higit na mabuti
ang umibig at mabigo, kaysa huwag nang umibig pa kailanman.
Ang pagmamahal ba ay paghanga? Malaki ang pagkakaiba ng
dalawang ito. Ang paghanga ay
nagpapakilala ng paggalang sa mga makabuluhang nagawa mo. Samantalang ang
pagmamahal ay nagpapahalaga sa iyong pagkatao at diwa kung sino ka. Sa Pag-ibig, kapag ang paghanga ang ipinairal mo, makakalimutan mo ang iyong tunay na layunin, at pawang makasariling atensiyon lamang ang iyong gagawin. At kapag ito ang nangyari, lahat ng iyong mga pakikipagrelasyon ay nakatuon palagi para lamang sa iyong sarili, kung ano ang mabuti at maganda para sa iyo. Hindi katakataka na dahil dito, ay nagiging maramdamin, mainggitin, at mapaghinala ka.
Mapapansin
na hinahangaan ang mga tao na matatagumpay, mga tanyag, at kinikilala, ngunit
hindi nangangahulugan ito na minamahal natin sila, tulad ng pagmamahal na iginagawad
natin sa ating mga pamilya at mga kaibigan. Karaniwan na ang purihin natin ang naitulong
nila sa bayan, bilang pagkilala sa kanilang mga nagawa, sapagkat sa kaibuturan
ng ating mga puso, tayo man ay may kakayahan ding matularan sila, kung
magsisikhay lamang tayo at hindi ang patuloy na humanga lamang.
Ang paghanga, kung tumatagal at lumalalim,
ito ay isa ng pag-iidolo. Nagiging matibay ito, at kahuhumalingan na—para
makalimutan natin ang ating mga sarili at malunod sa kahibangan. Pamarisan ang
iba, na natutuhan nila kung papaano ang humanga nang hindi naiinggit at
nanghihinayang, sumusunod ngunit hindi nanggagaya, pumupuri ngunit hindi nangduduyan
at may mga palabok ang pananalita. Sila ay nangunguna nang hindi nagsasamantala at
may makasariling paghahangad sa iba.
Napatunayan
ko, na kapag ang aking hinahangaan ay katulad ko rin pala, nasasaktan at
nanghihinayang ako sa panahong dinakila ko siya, dahil isa itong insulto sa
aking pagseselos. Na ang paghanga ko pala sa isang tao ay isang masiglang
pakiramdam na kahalintulad din pala niya ako.
No comments:
Post a Comment