Tinatanggap
natin ang pagmamahal na iniisip nating karapatan natin.
Alamin natin kung totoo:
Papaano kung sawimpalad ka sa pag-ibig?
Walang
kinalaman ang sawimpalad dito, dahil kung may pag-ibig ka sa iyong puso,
patuloy kang magmamahal. Kung wala ito sa iyo, wala kang maibibigay.
Ito
ang kasawian. Yaon lamang may mga pagmamahal sa sarili ang makagagawang
magmahal ng iba. Sakaliman ang buhay ay binibigyan ka ng maraming kadahilanan
para umiyak, ipakita sa buhay na mayrooon kang sanlibong mga kadahilanan para
ngumiti. Ang buhay ay patuloy at hindi ka nito hihintayin.
Magtrabaho
na parang hindi mo kailangan ang pera, magmahal nang hindi kailanman ikaw ay
nasugatan, at sumayaw hanggang nais mo na tila walang nakakakita sa iyo. At
ipamuhay ang buhay na nais mo.
Lagi
kong alam na kapag binalikan ko ang aking mga pagluha, ako ay matatawa,
subali’t ang hindi ko alam kapag binalikan ko ang mga pagtawa, ako pala ay
mapapaiyak. Magkagayunman, tatamasahin ko ang buhay, … minsan lamang ito, at hindi na mauulit pang muli.
No comments:
Post a Comment