Friday, February 14, 2014

Maging Magkaibigan



Hindi ang kakulangan ng pagmamahal, bagkus ang kawalan ng pakikipagkaibigan ang lumilikha ng masasaklap na pagsasama.


Magtanong nang may masagot:
Kailangan bang maging kaibigan mo siya kahit nagkalayo na kayo?
Ang matalik na kaibigan ay ang uri na magagawa mong umupo na katabi siya sa duyan, nang walang katagang sinasambit, tulad ng mga pag-aalala at pagsupil, …at lumayo na nararamdamang ito ang pinakamabisang pag-uusap na nangyari sa iyo. Sapagkat ito ang totoo;  na ang kahalagahan ng anumang bagay ay nagiging mahalaga kapag ito’y wala na. Hindi natin alam ang halaga hangga’t itoy nasa atin pa, subalit totoo din na hindi natin nauunawaan kung ano ang nawawala sa atin hanggang sa ito’y dumating.
Lahat ba ng mga ito ay kailangan sa buhay?
   May nagwika, “Kung hindi ka marunong magmahal (sa iyong “sarili”—wika, at bayan) ay higit ka pa sa hayop at malansang isda.”
Sapagkat kung wala kang paggalang sa iyong sarili, walang gagalang sa iyo. Kung nais mong ibigin ka, matuto kang umibig muna sa iyong sarili. Hindi mo maibibigay sa iba ang wala sa iyo.
May katiyakan ba ito, paaano kung abala ako sa trabaho?
   Kung matututuhan na iwasan mo sa iyong mga pananalita, ang: sana, dapat, marahil, akala ko, isang araw o pagdating ng araw, hindi ka na mapaparalisa pa at makakakilos nang ganap para matupad ang iyong mga pangarap.
   Pagyamanin at pahalagahan ang lahat ng sandali sa iyong buhay! Higit na pagindapatin ang Ngayon, upang maibahagi sa mga malalapit sa iyong puso, at mga tunay na minamahal para maligayang aksayahin ang iyong panahon para sa kanila. Tandaan lagi na ang panahon ay hindi ka hihintayin at ang mga pagkakataon ay may kanya-kanyang kabanata sa iyong buhay.
Ang batang nakatingala sa iyo ngayon ay siya naman mong titingalain pagdating ng araw.   
   Mahalin mo siya nang higit pa sa nalalaman mong makakaya mo, sapagkat siya ang magpapasiya kung kukupkupin ka niya o ilalagak ka niya sa bahay ampunan.

No comments:

Post a Comment