Sunday, January 29, 2023

Bawal ang Tulog, Natutulog, at Nagtutulog-tulugan

Magising Ka Naman 

Ang dahilan kung bakit gising ang ilang tao, ay sapagkat tumigil na silang pumayag sa mga bagay na nang-iinsulto sa kanilang kaluluwa.

Makakabuti ang Pagtalikod
Nangyayari lamang ang mga bagay kung ikaw ay may pahintulot at lalo na kung may partisipasyon. Magagawa naman na talikuran at iwasan na ang mga ito, ...kung nanaisin mo.
Talikuran ang walang saysay na mga pagtatalo na humahantong sa alitan at kapahamakan.
Talikuran ang mga tao na humahamak at nagmamaliit sa iyo na hindi nakikita ang iyong kahalagahan.
Talikutan ang mga tao na kilala ka lamang kapag may kailangan sa iyo at may amnesya kapag kailangan mo sila.
Talikuran ang nakasanayang pagsunod sa kapritso o pagiging masunurin sa hilig ng iba.
Talikuran ang mga bumabalisa at nagpapagulo sa iyong isipan. Stress at dis-ease ang hatid nito.
Talikuran ang mga kritiko, mapamintas, at mapaghatol na mga tao. Papatayin ka nila sa konsumisyon.
Talikuran ang mga pagkatakot at mga kamalian na sumisira ng iyong hangarin na magtagumpay.
Talikuran ang mga walang saysay na mga libangan na umaagaw ng iyong mahahalagang sandali.
... at HARAPIN ang mga paghamon na gumigising at nagpapalakas sa iyo upang magtagumpay sa 
buhay.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment