Mga
Parunggit at Patutsada
ni Kuya Susing
1-Kailanman
huwag makipagtalo o makipagbuno sa baboy. Pareho lamang kayong mapuputikan,
ngunit ang baboy ay masisiyahan at kawiwilihan niya ito.
3-Kung
ikaw ay malinis wala kang dapat na ikagalit, at kung ikaw ay marumi ikaw ang
masisisi.
4-Walang
masama kung ikaw ay itinatama, ang masakit kapag ang kamalian mo ay ipinipilit.
4-Maging
mabuting tao, subalit huwag sayangin ang panahon na patotohanan ito.
6-Dakilang
paraan ang manahimik at hayaan ang iba na malaman nila na sila ay nakagawa ng
kamalian.
7-Ang
mga tao na nais manatili sa buhay mo ay laging makakagawa ng paraan.
8-Ang
pinakamahusay mong guro ay ang iyong huling pagkakamali.
9-Sinuman
tayo, anuman ang ating nagawa, at kung ano ang nais pa nating mangyari ay ating
maipapakita sa mahinahong paraan.
10-Huwag
mong paliitin ang iyong sarili na maging daga, dahil kapag ito ang iyong
ginawa, kakainin ka ng pusa.
No comments:
Post a Comment