Ang pagbabago ay batas ng buhay. At doon na
laging nakatingin sa nakaraan at hinaharap ay makakatiyak na makakaligtaan ang nagaganap
ngayon.
Sa ngayon, napakaraming bagay sa ating kapaligiran ang
nag-aagawan para makuha ang ating atensiyon. Halos hindi na natin malaman kung
ano ang ating dapat na unahin. Nariyan ang selpon na kung saan sa isang saglit lamang
at pindot ay puwede mo nang makausap at makateks ang sinuman saan mang panig ng
mundo. Nariyan ang sosyal media tulad ng Facebook, Twitter, Google, at iba pa
sa internet para sagutin anuman ang hinahanap at itinatanong mo. Dangan nga
lamang nakakaligtaan natin kung para saan ang lahat ng mga ito. Sa kabila ng mga
makabagong teknolohiyang ito, sa halip na mapabilis at gumaan ang ating mga
gawain may mga bagabag pa tayo na palaging nagpapasakit sa ating mga ulo. Nakakalimutan
nating sumabay at maging bahagi ng mabilisang mga pagbabagong ito sa ating
paligid.
3
Susi na Nagtutulak para Magbago
Mga TAO
Narito ang
hayagang dahilan
kung bakit kinakailangan nating makipagsabayan at sumama sa agos. Parami nang
parami ang mga tao ngunit pangunti nang pangunti ang mga oportunidad at mga
panustos sa mga pangangailangan sa ating kapaligiran. Patuloy ang pagyaman ng
iilan at walang hinto sa pagdami ang naghihirap. Kung hindi ka gagawa ng mga
kaparaanan upang maiba ka sa karamihan, magiging katulad ka rin nilang hindi
makaahon sa kinasadlakan.
Kung
hindi ka kikilos para paunlarin ang iyong sarili, paghusayin ang iyong mga
kakayahan at dagdagan pa ang iyong mga kaalaman, maiiwanan ka sa karera
ng buhay. Katulad ng itak na hindi mo hinahasa, kakalawangin ito upang pumurol.
Teknolohiya
Talos natin na
ang teknolohiya
ay produkto ng nag-uunahang karera ng mga tao para umunlad, maaasahan natin na
ang mabilisang pagbabago ay sinusunod ang mabilis ding pagdami ng mga tao.
Hanggat patuloy ang paghahanap ng mga bagay para matugunan ang mga pangangailangan
ng lahat, patuloy din ang mga pagsasaliksik, mga paggawa, at mga inbensiyon.
Yaon lamang mga tulog, natutulog, at nagtutulog-tulugan ang palaging
napag-iiwanan.
Inpormasyon
Ito ang
pangatlong pangunahing nagtutulak para sa pagbabago. Batid natin na higit
na marami at malawak na inpormasyon ang naipamahagi sa loob ng 45 taon sa
pagitan ng 1970 at 2015 kaysa noon pang nakalipas na 3,000 taon hanggang 1970. Sa
katunayan ang bilang ng inpormasyon na magagamit natin sa ngayon ay nagiging
doble sa bawat 5 taon lamang. At karagdagan pa, lahat ng mga kaalamang ito at
inpormasyon ay nakalaan sa lahat ng tao at makukuha anumang naisin nila sa
lahat ng oras.
Ibayong kaalaman
na patuloy na dinadagdagan, at walang hintong nakukuha ng mga tao sa lahat ng
panig ng mundo nang higit na mabilis kaysa dati. Ang punto dito? Ang higit na inpormadong mga mamamayan ay may malaking
oportunidad at mga pagkakataon para magbago para sa kaunlaran. Kung wala kang nalalaman
wala kang masisimulan para makagawa tungo sa kaunlaran.
Marami ang hindi nakakapansin na ang
pagbabago ay patuloy at hindi ka nito hihintayin. Pagmasdan lamang ang iyong
sarili, hindi na ito katulad pa noong dati. Malaki na ang ipinagbago nito. Maging
ang dating paniniwala mo ay nagbabago na rin at sumasabay sa makabagong
panahon. Subalit ito ang reyalidad: kailanman, saanman, at anupaman hindi na
mababago pa ang iyong mga prinsipiyo at mga patakaran sa buhay.
Kung nais mong magbago ang mga
nasa paligid mo, simulan mo sa iyong sarili mismo.
No comments:
Post a Comment