Sino nga ba ako na naturingan, kung wala namang nagagawa sa lipunan. Mabuti pa ang langgam, sa bawat kilos ay may kabuluhan na patutunguhan.
Gaano
man kahirap ang ating pinapasan, sa mga balakid sa ating daraanan, at sa mga
problema na umaalipin sa atin… Kahit papaano, palagi, at lalaging may bagay sa
ating buhay na dapat nating pasalamatan.
Sa huling yugto ng ating buhay,
hindi tayo hahatulan kung gaano karami ang ating
mga diploma,
mga medalya ng karangalan, mga napanalunan,
o, katanyagan man.
Gaano karami ang salaping ating nakamtan, karangya
ang ating mga ari-arian,
at mga bagay na ating naitatag at mga papuring
tinanggap.
Tayo ay hahatulan ng
“AKO ay nagugutom at iyong pinakain.’
‘AKO ay hubad at iyong dinamitan.’
‘AKO
ay palaboy at iyong kinupkop.’
‘AKO ay walang tirahan at sa iyong bahay ay pinapasok.’
‘AKO ay wala nang pag-asa at iyong
pinasigla.’
‘AKO ay walang-wala at iyong pinagpala.’
‘AKO ay naligaw ng landas, at iyong
iniligtas.’
Sa
lahat ng ito…
Marami pong salamat Diyos ko!”
No comments:
Post a Comment