Sana hindi ako naging subsob sa trabaho.
Sa
ospital, lalo na doon sa ICU (Intensive
Care Unit), hinahanap-hanap nila ang kabataan ng kanilang mga anak, noong
maliliit pa ang mga ito, at maging noong
mga bata pa sila ng kanilang mga asawa at nagsisimulang magpamilya. Madalas
binabalikan nila ang mga nasayang na panahon noon at nagpapalaki ng kanilang
mga anak.
Ang mga pasyenteng babae ang higit na may
panghihinayang, lalo na doon sa mga may katandaan na, dahil karamihan sa kanila
ay nalublob sa kanilang mga gawain at nakaligtaan ang pagiging ina sa kanilang
mga anak. Doon naman sa mga pasyenteng lalake, sinisisi nila ang kanilang mga
sarili kung bakit nagumon sila sa trabaho at wala ng panahon para sa pamilya,
lalo na kapag dumarating ang mga kaarawan, mga pagtatapos sa paaralan, at mga anibersayo.
Naging subsob sila sa pagkita ng pera na siyang mahalaga para sa kanila sa
panahong higit silang kailangan ng pamilya.
Paala-ala: Gaya ng
kawikaan, “Walang sinuman na sinipa ang
kanyang sarili habang naghihingalo na sa banig ng karamdaman dahil lumiban siya
sa pagpasok sa trabaho.” Kung minsan higit na mahalaga kaysa pamilya ang
pumasok sa trabaho, walang pagliban sa araw-araw na tila ritwal na ito, at
madalas nakikisama at pinagbibigyan ang kahilingan ng iba. Hindi ba isang
kalapastangang maituturing na may panahon ka sa barkada mo, sa Facebook at
Twitter ngunit wala kang sapat na panahon para sa iyong mga mahal sa buhay?
Ano
nga ba ang tamang priyoridad para sa iyo? Ang ibang tao, o ang sarili mong
pamilya?
Mga pagunita ni
JesGuevara
wagasmalaya.blogspot.com
No comments:
Post a Comment