Huwag matakot nang mawala ang hapdi at kirot.
Kailangan
huwag akong matakot.
Ang
pagkatakot ay pinapatay ang isipan
na
maging duwag at walang kalaban-laban.
Haharapin
ko ang kinakatakutan ko.
Hindi
ko papayagan na manaig at talunin ako.
Hahayaan
ko na kusang dumaan at lumipas ito.
At
kapag nawala na at nanumbalik ang aking katatagan,
Aaapuhapin
ko ang tibay ng aking kalooban
kung bakit...
nakaramdam
ako ng takot at nagawa kong balewalain din ito,
saan
ito nanggaling at kinabahan ako.
…
at napatunayan ko, AKO rin pala ang may gawa nito,
at
AKO din ang may kagagawan na nagpaalis dito.
Wala ito noon sa akin…
Dahil
sa kaba, pinasok ako at naging abala na bilugin ang aking ulo
para ipahamak ang sarili ko.
…
guni-guni ko lamang pala ang lahat.
at may kapangyarihan akong ito ay maawat.
Piliin lamang ang aking nakatagong katapangan.
upang AKO ay maging palaban.
Wala
na ang pagkatakot.
Wala
nang natitira ni gahanip mang kaba.
…
AKO na lamang ang natira,
At
tanging mananatiling nag-iisa.
No comments:
Post a Comment