Kahit SINO Ka
Ang
Sansinukob ay walang kinagigiliwan o kinikilingan, mabuti o masama man, maganda
o pangit man, mayaman o mahirap man, sapagkat ang sikat ng araw ay kusang nagbibigay ng
init at ng liwanag, at ang buwan ay kusang tumatanglaw, ang lahat ng iyong mga
nakikita, sa ayaw mo man o nais mo, ay
kusang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Wala silang kinalaman,
anuman ang relihiyon mo, lahi, tribo, bansa, pamilya, karakter o pagkatao mo.
Ang pagkakaiba lamang ay kung may sapat kang kaalaman kung bakit ka lumitaw
dito sa mundo, sino ka, ano
ang mga nais mo, at saan ka patungo. Kung batid mo ito, ang Sansinukob ay kapanalig
mo.
No comments:
Post a Comment