Pinipili
Ko …
Na mabuhay na laging pumipili.
Hindi dahil sa nagkataon,
Hindi rin dahil sa sitwasyon,
o, maging dala ng kundisyon.
Sapagkat lagi ko itong
binabago
ayon sa nadarama ko,
kinakalabit ng
intwisyon ko,
at itinitibok ng puso
ko.
Walang anumang dahilan at paumanhin.
Lahat ay mula sa akin.
Walang dikta at sulsol kahit kanino.
Ang sinusunod ko ay AKO.
Masigla at puno ng
pag-asa,
laging may motibasyon sa tuwina.
Hindi minamanipula ng iba,
Hindi ginagamit at inaalipin ng kung sino.
Sapagkat mapili ako at naninigurado,
na laging manalo sa
larangang pinasok ko.
Dahil…
Pinili ko na malaman kung sino ako,
at maunawaan ang mga naisin ko…
Nang sa gano’n ay makasiguro
kung saang direksiyon patungo AKO.
Pinili ko na makinig sa aking
munting tinig
Na laging sa akin ay
humihibik,
nagpapaala-ala at nagmamalasakit.
Pinili kong itaas ang ranggo
ko,
kaninuman, saanman, at
kailanman,
at hindi ang makipagtunggali kahit kanino…
kundi sa aking sarili mismo.
Sapagkat bilang Pilipino,
Piling-pili at tahasang mapili AKO,
bilang tunay na Pilipino
Sa pagpili ko ay matagumpay AKO
… at lagi kong
ipaghihiyawan
nang buong kagitingan…
Talagang MAPILI
AKO.
Sapagkat …
AKO ay PILIpino.
jesguevara
wagasmalaya.blogspot.com
No comments:
Post a Comment