Wednesday, March 30, 2016

Maikling Kuwento



Ang Punong-kahoy ni JesGuevara
Unang Kabanata
   Ang uod ay kinain ang dahon ng punong kahoy.
   May dumapong ibon sa dahon at kinain ang uod.
   Ang ahas sa sanga ng punong kahoy ay kinain ang ibon.
   Ilang panahon ang nagdaan at ang ahas ay namatay.
   Ilang sandali pa, kinain ng mga langgam ang ahas.
Pangalawang kabanata
   Ang panahon at mga pagkakataon ay nagbabago sa bawat sandali.
   Noon may isang tao na walang-wala at isang kahig-tuka.
   Sa katusuhan ay nagkapera at naging makapangyarihan.
   Subalit tandaan… at kailanman ay huwag kalimutan.
   Ang panahon ay patuloy at lahat ng may buhay ay mamamatay.
Pangatlong Kabanata
   Ang isang puno-kahoy ay makakagawa
    ng isang milyong palito ng posporo.
   Subalit kapag dumating ang isang peligro,
    kayang sunugin ang isang milyong punong-kahoy
     ng isang palito ng posporo.
Sana ay maging mabuti at maglingkod nang todo.
     Katulad ng punong-kahoy sa anumang sandali,
     lilisanin din natin ang mundong ito.


No comments:

Post a Comment