Friday, January 16, 2015

Malakas na Paputok


Bungisngis #101
Kasikatan ng araw, nang humahangos na mapadako sa may kanto si Inggong Siyete. Kailangan na naman niyang ibulalas ang tsismis na nasagap kangina. Dinatnan niya si Pidyong Dagison na naghihintay ng may mapipintasan.
Inggo: “Hoy, pare, nabalitaan mo ba kung gaano kalakas ang mga paputok sa may baranggay Central noong bisperas ng Bagong Taon? Eto daw, … ang pinakasikat na baranggay sa buong lungsod ng Balanga, noong kasagsagan ng mga paputukan, at umaga na at sikat na ang araw ay nagpapaputok pa.”
   Pidyong: “Wala ‘yan doon sa nararanasan kong mga putok. Eto ang talagang walang hinto, pare. Magdamag at maghapon pang pumuputok pare, napakalakas, tuluy-tuloy, at walang hinto. Talagang sumisigid pa, pare.
      Inggo: (Nagulat) “Aba’y pambihira nga ‘yan. At walang hinto pa? Aba’y, sangkaterbang paputok ‘yan ah, at malakas pa ang dating. Ano bang klase ng mga paputok ‘yon, pare?”
   Pidyong: (Nag-aalala) “Talaga bang nais mong malaman?’
     Inggo: (Nasasabik) Oo, naman. Sige sabihin mo na, pare.” (Kailangang kasing ipamalita niya ulit ito)
   Pidyong: “Mga putok sa kili-kili, pare!” (sabay pinisil ni Pidyong ang kanyang ilong at lumayo kay Inggo)
    Inggo: (Napahiya) Pasensiya ka na pare, hayaan mo at maliligo na ako bukas. Peksman, pare. Totoo na ito. Pare, pangako ito. ”
                     (kaagad na tumalilis si Inggo na kinakamot ang ulo)

Ang mabahong amoy ay tanda ng karumihan, dahil sa kapabayaan ng maduming isipan.

No comments:

Post a Comment