Tapat na gampanan ang tungkulin,
anumang kahinatnan ay akuin.
May mga kahanga-hangang magaganap kung
tatangapin nang masigla sa ating puso ang personal nating mga responsibilidad.
Ito ay para sa ating mga saloobin,
mga kagawian at hinahangad na
mabuting mga resulta. Kahit na ang
mga ito ay hindi madaling gawin, sapagkat kalikasan na natin bilang tao ang ipasa
ito sa iba; kalakip ang katagang: “Bahala
na siya.” Bakit nangyayari ito? Dahil madali ang pumuna, mamintas,
humatol, at ang manisi; kaysa akuin ang responsibilidad sa nagawang kamalian sa gawain, para
solusyunan at malunasan ang problema.
Sa maraning pagkakamali ko, lagi kung napapansin ang aking mga pagkukulang; ang sisihin
ang iba, sisishin ang ekonomiya, sisihin ang pamahalaan, sisihin ang panahon at
pati klima; maliban sa pagmasdan ang aking sarili sa harap ng salamin, at
matinding pagalitan ang taong nakaharap sa akin na siyang pinagmumulan ng
lahat. Napag-alaman ko rin, na sa bawat pagkakataon, ang sanhi ay mga kapasiyahang aking
sinunod kung bakit nasadlak ako noon sa maling direksiyon.
Hanggat walang pagtatama, ang pagkakamali ay magpapatuloy. Hanggat hindi inaako ang responsibilidad at isinisisi sa iba, walang magaganap na pagbabago. Bago lunasan ang isang kamalian, inaalam kung ano ang sanhi, paano nagsimula, nasaan ang pinsala, at sino ang may kagagawan upang makagawa ng solusyon.
Hayaang magning-ning ang iyong
liwanag, huwag ikubli ang pagkakamali. Akuin ang pagkukulang upang malunasan. Nagbibigay ito ng lakas ng loob sa iba na magawa din ito kapag nahaharap sa problema. Habang lumalaya
tayo sa pagkatakot, nagiging huwaran tayo upang huwag ding matakot ang iba at magawang akuin anumang kamalian sa tungkulin.
Ngayon,
ang mahalaga at siyang tunay
na kailangan, maluwag na tanggapin ang bawat problema na isang pagsubok at
paghamon sa iyong kakayahan para ganap na makilala kung saan ka mahina at
ibayong paghusayin ito kaysa pag-usapan at usalin pa nang walang
katapusan--kung aakuin lamang ang nagawang kamalian.
Huwag tumulad sa iba; kaysa magtamo ng kabiguan, kailanman ay hindi na
sumubok pa ng anumang bagay.
No comments:
Post a Comment