Bungisngis #204
Isang malungkuting lalake ang naglalakad sa kagubatan, bawat bato na matapakan ay sinisipà, nang matisod niya ang isang munting lamparà. Mabilis niya itong dinampot, nang maala-ala ang kuwento tungkol sa makapangyarihang dyini (genie). Bigla itong napangiti kasabay ang panalangin, “Sana totoo na may dyini sa loob ng lamparà, ito na lamang ang pag-asa ko na mabago ang mga kapighatian ko sa buhay. Nangangalog man ang mga tuhod sa pananabik, ay nanginginig niya itong kinuskos ng maraming ulit, at gaya ng kanyang inaasahan, umuusok na lumitaw ang malaking dyini, na naghihikab at yumukod pa sa kanya.

“Mag-utos
ka ng anumang kahilingan, aking
kamahalan,” ang
nakayukong pahayag ng dyini, “tatlong kahilingan lamang at ang mga
ito ay ipagkakaloob ko sa iyo ng buong puso, aking kamahalan.”
Lalong tumindi ang nerbiyos ng
lalake,“Ss-sa una kong kkahilingan,”
ang pauntol-untol na hiling nito, “Bb-bigyan mmo ako ng ss-sasampung bilyong
piso!”
POOF! Sampung bilyong piso ang halos tumabon sa lalake.
Pabuwal-buwal itong tumayo at hinawi ang maraming Ᵽ1,000 salaping papel na dumikit
sa kanyang katawan.
“Kamahalan, ano ang iyong pangalawang
kahilingan?” ang tanong muli ng genie.
Halos himatayin ang lalake sa dami ng kuwarta sa paligid. Humihingal ang
pananabik sa mga susunod pang milagro na magaganap, at hihinga-hinga na
nagsalita. Higit na matindi ang kasabikan nito ngayon.
“Na-na-nais kkong m-magkaroon ng kkotse, kailangan kulay pulang Ferrari,” ang nangangaykay sa nerbiyos nitong
hiling.
POOF! Isang makislap at magara na pulang Ferrari
ang biglang lumitaw sa kanyang harapan.
“At ano
naman ang para sa iyong pangatlong
kahilingan?” ang tanong
ulit ng genie.
Nanginginig pa rin sa nerbiyos at sa kagalakan ang lalake, sabik na
sabik sa magaganap na huling kahilingan. Palukso-lukso sa katuwaan at sumandal
pa sa tapalodo ng kotse. Matagal itong nag-isip at maya-maya’y biglang umaliwalas
ang mukha, dagliang tumindig na may pagmamalaki.
Sa tagpong ito, medyo naiinis na ang
genie, “Inuulit ko, … At ano naman ang para sa iyong pangatlong kahilingan?” ang pangungulit ng genie.
“Mayaman na ako, at may pulang kotse na Ferrari pa, wala na akong mahihiling pa, kundi ang may makasama sa buhay.
Dahil madali akong magsawá kung isa lamang ang babae sa buhay ko. Kailangang marami ang magkagusto sa aking mga
babae! Hahh? Kailangang paligiran ako ng mga Miss Universe at saka mga Miss
World, at saka mga Miss International, at saka kailangang lahat sila ay sabik
na sabik sa akin! Maliwanag bahhh, hah?”
Nagitla
ang dyini at kinakamot ang ulo,“Ano nga ba ang iyong
pangatlong kahilingan, aberrrrr?”
ang pangungulit ng nanggagalaiting dyini
sa pagkainis sa lalake.
Itinaas ng lalake ang dalawang kamay at malakas na humiling, “Kailangan kong maging katakam-takam at paborito ng mga
naggagandahang babae!”
Higit na dumagundong ang nakakabinging tunog.
POOF! Naging isang kahon ang lalake ng mamahaling tsokolate.
Ang gahaman ay walang pagkasawà, ngunit
humihinto din kapag napariwarà. Sadyang totoo ang kawikaan, na nasa hulì ang
pagsisisì.
No comments:
Post a Comment