Saturday, January 10, 2015

Binayo at Patagalan



Bungisngis #201
Sa tao na may usok; Kapag may gusot, ay may palusot.
Binayò
Tanong: Ano ang tawag sa malakas na hangin tuwing tag-ulan at nagiging daluyong?
   Sagot: “Eh, di, Bagyò!”
Tanong: Ano naman ang tawag sa mga batikos at tuligsa tuwing namumulitika ang mga epal sa Batasan?
   Sagot: “Eh, di, Binayò!”
Tanong: Papaano naman kung dinadahan-dahan at tinatagalan na mailabas ang katotohanan ng akusado?
   Sagot: “Eh, di, Binay-binay lamang. (nasa indayog at baybay ng hinay-hinay’lang)
Tanong: Ano ang tawag sa mga pampa- pogi points at mga pamumulitika na misyon ng mga epal sa Batasan?
   Sagot: “Eh, di, Pogita at Putika. Sa madaling kataga; Popu!
Tanong: "Bakit mo naman tinawag itong Popu?"  
    Sagot: “Dahil puro batuhan lamang ito ng putik sa putik, mababaho at kanya-kanyang alingasaw na sabwatan. Hindi na Batasan, kundi Pusalian. Hindi mga kagalang-galang kundi mga kababuyan."                     
Ang sinungaling at magnanakaw ay magkapatid; ang ebidensiya ay kitang-kita bakit itinatatwa pa.

Patagalan
Tanong: Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng masamang abogado at mahusay na abogado?
    Sagot: Ang masamang abogado ay nagagawang magtagal ang kaso nang maraming taon. Samantalang ang mahusay na abogado ay nagagawa itong higit na napakatagal at magbibilang pa ng maraming taon.
    Basta ang Justiis sa Pilipitnas ay naa-agnas, ang lipunan nito ay magwawakas. Dahil ang tao kapag naiipit, kahit sa patalim ay kumakapit.

Pruweba: Ampatuan Massacre




No comments:

Post a Comment